Elena's POV-
Nakakatakot ang tingin ng babaeng yun. Sino kaya sya? Ang tanging naitanong ko sa sarili ko. Parang may alam sya sa ginawa ko sa palaboy..at ang insekto ko..napansin nya..
"Nakita mo ang babaeng nagbalik ng insekto mo?"
Tanong ni inay sa akin na alam kong may napansin din.
"Wag na wag ka na muling makikipag usap dun..mapapahamak ka.."
Muling salita ni inay.
Napaisip kaming pareho ngunit alam namin na di basta basta ang babaeng yun. Malakas ang dating ng kakaibang aura nya sa akin at ramdam na ramdam ko yun nung oras na nagtama ang aming mga mata. Tila meron din syang kakaibang nalalaman ng sa tulad namin. Magaling sya..ngunit mas magaling ako sa kanya dahil nung ako ay tinititigan nya ay alam kong pinapasok nya at binabasa ang aking isip. Ngunit di ko sya pinayagan. Wala syang makikita sa akin kundi ang mga peke kong pagkatao..at di nya masisilayan ang tunay na ako. At alam kong ganun talaga ang nakita nya kaya siguradong di nya iisipin na ako ang may gawa nun sa palaboy..ngunit bakit nung inabot nya sa akin ang aking insekto ay nakakapagtaka ang binitawan nyang salita sa akin.
Napakawalang ingat ko. Malalagot ako kay itay nito pag nalaman nya na nag iwan ako ng ebidensya..ngunit ngayon lamang nangyari ito sa buong buhay ng paglalaro ko. Dapat siguro ay mag iingat ako,lalo na sa mga galaw ko sa baryong ito dahil siguradong may makakalaban ako.
At yun kaya ay ang babaeng nakaitim na belo?
***
Andrea's POV-
Habang naglalakad ako pauwi ay lumulutang ang utak ko. Di mawala sa isip ko ang mag inang nakasalamuha ko ngayon. Ngunit bakit wala talaga akong nakita sa bata bukod sa maitim na usok na bumabalot rito.
Kung totoong may masama silang mga gawain ay magkakaroon na siguro sila ng alinlangan nung oras na nakita nila ako,at sigurado ako ngayon na sila man din ay ako ang pinag uusapan.
Sa edad ng batang yun ay dapat libro ang hawak nya at di ang kung ano. Naalala ko tuloy ang aking kabataan..wala akong ipinagkaiba sa kanya,ang akin nga lang ay di tulad ng kanya. Ngunit kung titingnan mabuti ay halos pareho lang kami ng kabataan.
Naalala ko na ganun din ako dati,dahil sa aking kakayahan ay halos layuan na ako ng lahat,lumalayo sila sa akin na tila ba ako ay may nakakahawang karamdaman. At mahirap maging bata kapag ganun..ang kaibahan nga lang namin ay may magulang sya,ngunit imbes na ang mga magulang nya ang magturo ng tama,ay mukhang ginawa nilang bihasa ang bata sa mundong ginagalawan nila.
Nakakalungkot isipin. Na sa panahon ngayon ay paiba ng paiba ang pananaw ng mga magulang. Minsan ay naiisip ko din..paano kaya kung ako ay maging isang ina na? Makuha ko kayang ipamana sa mga magiging anak ko ang mga obligasyon ko? Di ko alam ang sagot ko sa sarili kong tanong..di ko pa kasi naranasang ibigin ng iba..
***
Gabi,sa tahanan nila Elena-
Nakatanaw si Elena mula sa kanilang maliit na bintana,tinatanaw nya ang mga anak ng kapitbahay nila. Napapangiti pa sya habang pinanonood ang mga naglalarong bata.
"Ang sarap siguro makipaglaro ng ganyan,noh? Ben?"
Tanong nya sa kaibigang si Ben. Si Ben ay isang anay na kulay asul at puti. Matagal na syang alaga ni Elena. Sa katunayan,si Ben lamang madalas ang ginagamit nya sa kanyang mga orasyon.
"Wag kang magtampo..hihi..di kita ipagpapalit sa kanila..ikaw lang at tayo.."
Ang sabi ni Elena kay Ben.
"Ano?? Si Abel,gusto mo ding tikman? Ha ha! Wag! Magagalit ang tatay..titirisin ka nun! Ha ha!"
Ang tawa ni Elena habang kinakausap ang kanyang munting kaibigan.
"Ano?? Ayaw mo rin sa kanya?? Ha ha! Ako rin naman eh! Ha ha!"
Muling halakhak nito.
Di nya napapansin na may isang babaeng nakadungaw sa gilid ng kanilang bakuran at nakikita ang lahat ng mga reaksyon nya habang kausap si Ben. At..
"Parang baliw naman kung makatawa yung bata na yun!"
Ang sambit ng babae sa labas ng bakod.
Parang animo isang antenna ang mga tenga ni Elena at narinig pa ang sinambit ng babae. Nakita nyang panay pa rin ang silip ng babae. Dahan dahan syang umatras papalayo sa bintana. May naglalaro na naman sa isip ni Elena. Umatras pa sya hanggang sa di na sya natatanaw ng kapitbahay,lalapitan nya ito at gugulatin. Nasa malapit na sya ng pintuan ng biglang..
"Saan ka pupunta?"
Nagulat sya ng biglang sumulpot mula sa likuran nya ang kanyang ina.
Napailing na lamang si Elena sa sobrang pagkagulat nya sa kanyang ina.
Pinapasok sya nito sa kanyang kwarto.
Pagpasok nya sa loob ng kanyang kwarto ay panay pa ang bulong nito.
"Sayang! Kakalabitin ko lang sana sya at pipitasan ng ilang pirasong buhok.."
Napapangiting sabi nito.
Sumilip syang muli sa pintuan ng kanyang kwarto. Mula roon ay natanaw nya si Abel na nakaupo at kumakain.
Gustong gusto nyang lumabas dahil inis pa rin sya sa sinabi ng babae sa kanya. Ngunit wala syang nagawa kundi bumalik sa loob ng kwarto at magmukmok na lang.
"Kakainis Ben! Kapag lumabas ako isusumbong ako ni Abel! Agh! Naiirita talaga ako!"
Ang sabi ni Elena sa sarili.
Naupo sya sa gilid ng kanyang kama. Luminga linga sa apat na sulok ng kanyang kwarto at..
"Wala namang mapaglibangan.."
Pagkatapos nun ay tumayo syang muli at sumilip. Naroon pa rin si Abel at di pa rin tapos kumain.
Lumabas na si Elena.
Tumabi sya sa kumakaing si Abel at..
"Laro tayo Abel?"
Ang nakangising sabi nito kay Abel.
"Isusumbong kita kay tatay Rey.."
Ang matatas namang sabi ni Abel. Alam ni Abel ang naglalaro sa isip ni Elena. Ngunit natatakot din sya sa minsan sa mga pwedeng gawin sa kanya ni Elena dahil alam nyang pinakamahusay talaga ito sa lahat ng batang sing edaran nila.
"Ihanap mo na lang ako ng makakalaro! Kundi ikaw ang paglalaruan ko!"
Ang galit na sabi ni Elena sabay tayo sa kinauupuan nya.
Itutuloy..
June_Thirteen
BINABASA MO ANG
Si Elena( Ang Ikatlong Yugto Ng Buhay Ni Andrea )
ÜbernatürlichesHuwag na 'wag kayong didikit sa kanya... Dahil baka bukas ay ikaw na ang susunod na igagarapon nya.. Handa na ba kayo sa susunod na makakalaban ni Andrea? All rights reserved. Any part of this story can't be copied without the author's permission.