Andrea's POV-
"Aling Miding!"
Talaga 'tong si Aling Miding,napakahilig sa umpukan. At anu na naman kaya ang pinag uusapan dun sa umpukan na yun. Papalapit na ako ng makita ako ni Aling Miding. Inakay nya ako pabalik at palayo sa umpukan.
Sinabi sa akin ni Aling Miding na ang anak daw ng kaibigan nya ay may nakakakilabot na dinadanas ngayon. Nagkaroon daw ito ng isang sugat mula lamang sa pagkakagasgas sa pako. Ngunit kalaunan daw ay namaga ito ng todo. Nadala naman daw sa pagamutan ngunit mas lalo lang daw itong lumala. At ilang araw pa daw at me lumalabas ng kung anu ano. Bawat araw daw ay may lumalabas na bangaw,at ng huli daw ng makita ng ina ay marami na itong itlog ng langaw.
Nakakadiri na daw ang itsura ng sugat ng bata. At maging ang bata daw ay payat na dahil sa parang nanghihina ito.
Sa kwento pa lang ni Aling Miding ay alam ko ng di normal ang lahat.
"Sabihin nyo po sa mga magulang nya na dalhin sa akin ang bata.."
Ang sabi ko kay Aling Miding. At tinanong ko din kung saan dito sa aming baryo nakatira yun,at ang sabi nya sa akin ay malapit daw sa bundok. Medyo malayo dito yun,kung kasi abot ko lang ay pupuntahan ko na ito agad. Ngunit kahit minsan ay ako na ang nag aalok ng tulong ay may sadyang matataas ang ere,ni di man lang nila ako papansinin. Di pa rin siguro sapat ang mga buhay na ebidensyang nagagamot ko para sa paniniwala nila. Ngunit di ko sila masisi,talagang kanya kanya ang utak ng tao at di natin maaring hawakan ito.
Naibigay ko na kay Aling Miding ang mga halamang gamot.
Pauwi na ako at paliko na sa kalye patungo sa aming bahay ng may mapansin akong muli.
Ang batang nakita ko nung nakaraan linggo. Ang batang mahaba ang buhok at nakakatakot kung tumingin. Nakita ko syang binabaybay ang mga nagtitinda. Lumalakad sya ng marahan at hinihintuan ang bawat isa. Tiningnan ko ang paligid upang malaman kung kasama ba ang kanyang ina ngunit di ko ito makita. Nakita kong huminto ang batang babae sa tapat ng mga batang naglalaro. Naupo sya sa tabi ng mga bata,ngunit nagtakbuhan ang mga ito dahil sa natakot sa kanya. Nakakatakot naman kasi talaga ang itsura ng bata,mahaba ang kanyang buhok at tila di ito nagsusuklay. Mahaba din ang kanyang suot na itim na damit. Tila ba sya ay nabubuhay sa ibang dimensyon kung titingnan mo. Ngunit may isa akong napansin sa kanya ng tinakbuhan sya ng mga bata.
Pinupunasan nya ang kanyang mukha. Tila umiiyak sya. Sa aking awa ay agad ko syang nilapitan upang kausapin.
"Bakit ka umiiyak ne?"
Ang mahinang tanong ko sa kanya.
Pag angat ng mukha nya at pagtitig nya sa akin ay naramdaman ko na naman ang kakaiba nyang dating. Ngunit ngayon ay mukhang malungkot sya. At tinanong ko syang muli.
"Inaway ka ba nila? Bakit ka umiiyak?"
Marahang sabi ko sa kanya.
Ngunit nakatitig lamang sya sa akin. Alam kong may kakaiba sa kanya kung kaya at pilit kong binabasa ang kanyang isip,ngunit napakahusay nya. Bata nga sya ngunit napakalalim ng kanyang abilidad. Nagulat din siguro sya sa akin at natatandaan nya rin ako. Dahil ako ang nagbalik ng kanyang insekto.
Inalis nya ang tingin nya sa akin at..
"Gusto ko lang sana mahawakan ang manika..pero tumakbo sila."
"Nakakatakot ba ako talaga? Ha ale?"
Ang tanong nito sa akin at sinabayan ako ng takbo.
Muntik pa nga syang mabangga sa akin ngunit iniwasan ko sya. Dahil kung talagang may kakaiba sa kanya ay di nya ako dapat masagi. Dahil baka may makuha syang bagay na pag aari ko at yun ay kanyang magagamit upang saktan ako.
Paglingon ko sa kanya ay nawala na syang agad. Luminga linga ako ngunit sadyang napakabilis nyang naglaho.
"Gusto nya lang pala ng manika..kawawa naman sya.."
Ang tanging nasabi ko.
Nahabag ako sa sinabi nya at muling naalala ang aking malungkot na kabataan. Wala rin gusto makipaglaro sa akin nun at madalas ako tawaging bruha.
Halos wala talaga kaming pinagkaiba.
***
Elena's POV-
Natatandaan ko ang babaeng yun. Sya yung nagbalik ng insekto ko. Anu bang klaseng tao yun talaga? Bakit napakabigat nya. Ngunit napakalambing nya namang magsalita..at isa pa..mukhang mabait sya.
Ngunit napansin ko na binabasa nya na naman ang aking isip. Di rin sya pangkaraniwan. Di kaya isa din sya sa mga kalahi namin? Isa rin kaya syang mambabarang?
Mabuti pala at di ko sya tinamaan,mabuti pala at umilag sya nung sinagi ko dahil kung hindi ay baka may nakuha na sya sa akin at malamang ay gamitin nya upang ako ay kanyang masaktan.
"Huh!"
Napakapa tuloy ako sa aking sariling katawan. Tiningnan ko mabuti kung wala talagang kulang sa akin. Nakaramdam ako bigla ng takot. Sa aming lahi kasi ay pwede mong saktan ang isa't isa,at kung di ka ganun kalakas ay madali ka nyang mapapasok. Ang pinakamatibay lang ang talagang matitira. At pinahihintulutan sa amin ang ganung gawi. Ganun kami mag away away.
Napahinto ako sa aking paglalakad ng pumasok lahat sa isip ko ang mga yun. Ngunit di ako dapat mangamba..dahil ako ang pinakamagaling sa aking henerasyon ngayon. Ang lahat sa amin ay takot sa akin.
Ngunit bakit ako?? Bakit ako ang nakakaramdam ng takot na ito ngayon??
Dapat yata ay sumunod ako sa sinabi ng inay na iwasan ko yun dahil mapapahamak ako. Napakatigas talaga ng ulo ko.
Ngayon ako ang nakakaramdam ng ganito. Ganito pala ang pakiramdam ng natatakot.
Kumakabog ang dibdib ko at nangangatal ang mga kamay ko. Kailangan ko ng makauwi agad.
Baka magkita pa kaming ulet..
Itutuloy..
June_Thirteen
BINABASA MO ANG
Si Elena( Ang Ikatlong Yugto Ng Buhay Ni Andrea )
ParanormalHuwag na 'wag kayong didikit sa kanya... Dahil baka bukas ay ikaw na ang susunod na igagarapon nya.. Handa na ba kayo sa susunod na makakalaban ni Andrea? All rights reserved. Any part of this story can't be copied without the author's permission.