CURRENTLY EDITING THIS CHAPTER SORRY
ADRIAN'S POINT OF VIEW
" Visiting hours are over now , you can leave now " unang sinabi ni Mommy nang pumasok siya sa kwarto ko. At ang nakakapagtaka , ngayon ko lang nakita na ganyan kasungit si Mommy. Hindi naman kasi siya ganyan kapag nasa bahay kami.
" But Mommy--" bago ko pa matapos ang sinabi ko ay nagsalita nanaman siya.
" No buts Adrian. Kailangan niya nang umalis whether you like it or not "
Sasagot pa sana ako nang biglang hawakan ni Julia ang kamay ko. I looked at her and she smiled at me. Like she's trying to calm me down.
" Ok , honey I'll leave na , see you tomorrow na lang. Tita, alis na po ako " nginitian niya pa si MOmmy bago umalis. I sighed. I just wanted to be with her . Kasi kapag nandyan siya , parang ambilis kong makarecover sa 'car accident' ko.
" AJ , listen. You already have a girlfriend and she is already your EX. She cheated on you a long time ago . Anak alam kong hindi mo naiintindihan ang lahat ng to kasi may amnesia ka " nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Mommy.
Ako may amnesia ? At wala akong natatandaan na niloko ako ni Julia . Hindi niya magagawa sa akin yun. Kilala ko ang girlfriend ko, huwag niyang sabihin na ung Biancang yun ang girlfriend ko ? She;s not even my type.
" Mommy , amnesia ? Niloloko mo ba ko ? Okay lang naman ako eh , at isa pa , si Julia lang ang girlfriend ko kahit matagal niyo nang ayaw sa kanya--"
" Anak , hindi naman sa ayaw ko sa kanya. Ang iniisip ko lang ay ang kapakanan mo. Ayokong maloko ka niya ulit---"
" Mommy , I'm okay with her , she takes care of me kapag nasa tabi ko siya. Ano pa bang gusto niyo ? And let me clear one thing , Julia'a not a cheater "
Napabuntong hininga na lang siya at tila sawa nang makipagsagutan sa akin. Tama naman kasi ako diba ? Hindi naman ako lolokohin ni Julia dahil nakikita ko kung gaano niya ako kamahal. We we're meant for each other , that's one thing for sure.
Tahimik lang kaming dalawa sa loob nang biglang bumukas ang pinto. Bumungad dito si Bianca na may dala-dalang mga supot sa magkabilang kamay niya.
" Ahh-eh..kain kayo ?" awkward na tanong niya nang makitang tahimik lang kami.Nilapag niya na lang ung mga supot sa table at naglabas ng kung ano-ano...
" Visiting hours are over na pala noh Mommy ?" sarcastic na tanong ko kay Mommy. Ngumiti lang siya at hindi na ako pinansin.
" AJ , gusto mo ng apple Ipagta--" pagtatanong ni Bianca
" Ayoko.Wala akong ganang kumain" ang tanging nasabi ko at humiga nang nakatalikod sa kaniya. Totoo rin naman kasi ung sinabi ko. Wala akong ganang kumain kasi nag-away kami ni Mommy at isa pa , busog na ako sa dinala ni Julia kanina.
" Ah Bianca hija , ako na diyan. Umupo ka na lang muna ron" narinig kong sabi ni Mommy sa kanya.
" Ah ok lang po Tita. Ako na pong bahala " sagot naman nung Bianca.
Bubuksan ko na sana ung TV para manood nang bigla akong tawagin ni Mommy. Napalingon ako at nakita siyang nakatitig sa akin kaya napaayos ako nang upo at humarap sa kanya.
" AJ , eto si BIanca " pagsisimula niya habang nakaakbay kay Bianca. Si BIanca naman mukhang napilitan at umiiwas ng tingin sa akin at minsan ngumingiti nang pilit kapag nagtama ang mga mata namin.
BINABASA MO ANG
MY AMNESIA BOY : Retrieving His Memories (UNDER HEAVY EDITING)
RomanceAuthor's Note: Hi! This is the second time I'm revising this story after years of putting this on hold. Some of the chapters were written by 13 year old me, I've been cringing a lot on them so I decided to revise the story completely, especially my...