CHAPTER 8

2.7K 66 2
                                    

  

                                          

 CHAPTER  8                       

BIANCA'S POINT OF VIEW 

 Ilang weeks rin si AJ sa hospital at sa sobrang bilis ng recovery niya , pwede na siyang makauwi sa kanila. Syempre as her girlfriend kailangan nandito ako para sa kanya kaya eto ako ngayon , nababanas dahil imbis na ako ung lumalambing sa boyfriend ko , si Julia ang nakadikit sa kanya.

 Nababanas rin ako kasi kanina pa sila nagkukulitan na tila ba sila lang ung nasa kwarto. Feeling ko nga invisible ako ngayon eh...Ramdam na randam ko ang inis at selos pero pilit akong nagpipigil...Kailangan kong maging patient...

Meron ngang part sa akin na parang nagsisis na pumunta dito kasi wala rin naman akong ibang magagawa kundi pagmasdan at panoorin silang ma-PDA to the max at wala akong ibang mararamdaman kundi magselos...sira na agad ang araw ko nang makita ko si Julia na nasa tabi ni AJ.

Napabuntong-hininga na lang ako at nagsoundtrip. Ayokong marinig ung usapan nila na masyadong sweet.

I should be the one talking to him like that not her ! Ako dapat ung yumayakap sa kanya nang ganun hindi siya !  

Yun lang ang paulit ulit kong iniisip habang pinapatay ung Juliang yan sa isip ko. Kulang na lang masira ko ung screen ng mp3 player ko sa sobrang inis ko sa kanya...Malamang ganito rin ang naramdaman ni AJ nung nakita niyang niyakap ako ni Jeremy...Mas malala pa siguro kasi possessive talaga siya sa akin...

Narining kong bumukas ang pinto at ang unang pumasok ay ung doctor tsaka sumunod sina Tito't Tita. May ginawa pa ung doctor kay AJ bago siya payagang umalis. Syempre nakawheel-chair pa siya kasi medyo nanghihina pa ung katawan niya.

" Baby tara na---" si Julia sana ung tutulak kay AJ nang bigla akong higitin ni Tita papunta sa likod nung wheelchair ni Adrian.She glared at Julia na tila bang sinasabing ' Back off ' 

MY AMNESIA BOY : Retrieving His Memories (UNDER HEAVY EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon