CHAPTER 15

2.6K 66 1
                                    

CHAPTER 15

 

 

ADRIAN’S POINT OF VIEW

 

 

 

 

“ Matagal na rin akong hindi  nakapagbuntong  ng galit kaya wag mo kong subukan ngayon !”

 

 

Napatigil ako nang maala ko ang nangyari kani-kanina lang. Hanggang  ngayon hindi pa rin ako makarecover sa ginawa niya sa akin. Ramdam ko pa rin ung sakit sa gilid ng labi ko. I didn’t expect na ganito siya katindi magalit…

 

 

 

 

Isa pa….feeling ko talaga nangyari na toh eh..familiar ako sa linyang yun . Hindi ko alam pero parang nakita ko na rin ang mukha ni Bianca na galit at hindi ko rin alam kung bakit  napatahimik niya ako..

 

 

 

Pero kahit na ginanto niya ako , hindi ako natatakot sa kanya. Siya pa ang galit ngayon . Tsss , nakulong lang ako dito dahil sa kanya..Bwiset  !

 

 

 

I rubbed my hands together to feel the warmth. Nanginginig  na ako sa sobrang lamig.

 

 

Tumingin ako sa direksyon niya at napasin kong nanginginig na rin siya. Patuloy pa rin siya sa pagtawag pero hindi naman nasasagot base sa naririnig ko . Nakajacket naman kami pareho pero masyado yatang manipis ang suot naming para sa ganitong lamig…

 

 

 

 

“ Psh , bakit ba ayaw niyang sagutin !” naiinis na bulong niya habang nagdidial ng number sa cellphone niya.

 

 

 

 

“ Ayun !! H-hello ? Ella !!”

 

 

 

Napatingin ako sa kanya at tila parang sumigla ako nang malaman kong may nacocontact na siya. Pwede na kaming makalabas—

 

 

 

 

“ Hello !? E-ella ----aish !!--- crap =___=”  Nagulat ako nang ibato niya bigla ung phone niya at naghiwahiwalay ang parts nito. Narinig ko pa ang pagsigaw niya bago ako tumalikod.

 

 

 

Nanahimik na lang ako at niyakap ang mga tuhod ko. Mukhang matatagalan pa kami dito . Giniginaw na ako sa sobrang lamig.

MY AMNESIA BOY : Retrieving His Memories (UNDER HEAVY EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon