CHAPTER 14

2.6K 63 0
                                    

 CHAPTER 14 

  

BIANCA'S POINT OF VIEW  

" What happened ? Bakit ka umalis na lang bigla ?"

Expected ko na rin na yang tanong na yan ang una niyang papasagutin sa akin sa oras na mag-usap kami. Hindi ako makatingin kay Mommy dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. 

" Bianca ? Speak sweetie... " sabi niya nang nanatili akong tahimik. Naramdaman ko na lang ang kamay niya sa pisngi ko at hinarap ako sa kanya. She's begging for answers.I sighed...

" Nag-away kami Mommy...pareho naming ayaw magpakasal.Masyado pa po kaming bata--"

" Why ? Bakit ba kayo nag-away ?" 

Simula pa lang , hindi pa alam ni Mommy  lahat ng nangyari nung wala sila dito sa PIlipinas. Hindi nila alam ang nangyari sa amin ni Adrian pati na rin ang accident niya kaya siya nagka-amnesia. Ngayon ko lang napagtanto na andami ko na palang tinatago kay Mommy--hindi naman sa tinatago pero hindi siya nag unang nakakaalam...

I felt guilty...pero sa tingin ko kailangan ko nang sabihin at ipaintindi sa kanya ang lahat para hindi kami nagkakalabuan.

There..I start telling her everything..as in lahat.. Every detail , lahat ng nararamdaman ko at kung gaano ako nahihirapan.. She keeps on nodding at sa huli ay niyakap niya ako..

" This is first time in years I saw you cry again anak.." niyakap niya ko at dun ko lang nalaman na basa na ng luha nag mukha ko. 

"  Mommy nakakapagod talaga..pero iniintindi ko pa rin siya. " 

Hinawakan niya ako sa balikat ko at humarap sa akin. Tinignan niya ako direcho sa mga mata at naramdaman ko ang kamay niya na pinunasan ang luha sa mata ko.

“ Bianca…you said you’ll never give up no matter what right ?”

Napabuntong-hininga ako sa tanong niya. Ilang beses ko nang narinig ang tanong na yan. Kilala talaga nila ako at ang ugali ko pero hindi ba nila naiisip na tao rin ako ? Na napapagod na rin ako ?

“ Opo Mommy …”

Nag-aalangan pa ako sa sagot ko. Hindi naman sa sinasabi kong susuko ako. ANg pingangambahan ko lang ay baka hindi ko na kayanin hanggang sa dulo , baka sa huli , ako ang talo at mapag-iiwanan…

MY AMNESIA BOY : Retrieving His Memories (UNDER HEAVY EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon