Chapter 10:"Fire and Ice."

12.4K 173 30
                                    

*Rayne´s Point of View*

May pasok na muli sa Aristotle University at nabalitaan kong nagpunta ng states si Tenjo. Si Dwayne naman umalis din, hindi ko din alam kung san. lately, napapansin kong sobrang layo ng iniisip ni Dwayne eh. Tapos bigla-bigla kong nabalitaan na umalis siya. At tungkol kay First King? Hindi namin siya mahanap. 

"Rayne, you okay?" tanong ni Jico, spaced out na naman ako. AIGOO~ Wala kami sa Elite Lounge ang kasama ko ngayon ay sila Kirby  at Jico. Nagnod lamang ako at ngumiti. "Ano ng balak mo Rayne? Bukas na din ang alis nila Uno." sabi naman ni Kirby habang nakatingin sakin na tila nag-aalala.

Pretensions. Kelangan ko mag-ingat.

"Mas maganda kung lumayo muna sila." sabi ko at tumingin sa unahan lamang. Hindi ako magtitiwala kahit kanino man. Ang dapat ko lang pagkatiwalaan ay ang sarili ko. Napabuntong hininga  na lamang ako. Hawak-hawak ko ang documents ni Ice, mamaya ko ito babasahin kapag hindi ko na kasama silang dalwa. 

Sa totoo may pinagdududahan na ako kung sino ang killer. Feeling ko parte siya ng Powerful 9, it´s either Lucas or Loki, maari din si Travis. Pero bawal ko naman sila pagbintangan dahil wala akong sapat na ebidensya para pagsabihan sila ng killer. 

"May pupuntahan ako. Sige." pagpaalam ko sa kanila at akmang aalis na ng hawakan ni Kirby ang aking braso. "Saan ka naman pupunta, Rayne?" tanong ni Kirby. Nginitian ko siya at inalis yung kamay niya. "Diyan lang sa tabi. Mag-iisip lang." sabi ko at tuluyan ng umalis. 

Nagdiretso ako sa library kung saan alam kong mapayapa. Kabataan ngayon, sa cafeteria malimit tumambay kaya halos walang katao-tao pumupunta sa library. Agad akong pumunta sa pinakadulo ng library at umupo. May malaking bintana sa pinakadulo ng library na iyon kaya kitang-kita mo ang labas. Binuklat ko ang documents at nadisapoint ng makita ang laman. 

Fullname: ///// Ice //////

Age: 15

Birthdate: /////////////

Information: Confidential

I'm the  Campus Slave { Book 1 & 2 } [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon