*Rayne´s Point of View*
Napahilamos ang ng mukha. Wag mo munang pansinin yun Light, yung killer muna ang unahin mo. Tumayo ako at lumabas ng secret place ko. Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan magsisimula. Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang hanapin ang killer. Wala akong kaalam-alam.
Dumiretso ako sa isang playground at umupo sa swing. Napabuntong-hinga ako at tumingin sa kalangitan. Alam kong maling-mali ang ginagawa ko. But I need to have my revenge.
"Rayne." napalingon ako at nakita ko si Andrew na nakatingin sa akin. Kasama niya sina Travis at Addy. Tumayo ako at nginitian sila. "Pwede ba tayo mag-usap?" seryosong sabi ni Andrew at nagnod na lamang ako.
Ano kayang kailangan nila? Lumapit ako sa kanila. "Tutulungan ka namin hanapin ang killer." sabi ni Travis. Napataas ako ng kilay, bakit naman? "Marunong kami maghanap ng tao. Si Addy magaling sa computer, si Travis magaling sa pagtrack at ako magaling ang mata ko." sabi ni Andrew.
Tiningnan ko silang tatlo. Si Andrew nakatingin sakin ng seryoso, si Travis naman nakasandal lang sa puno at si Addy naman ay palinga-linga. Napabuntonghininga ako. "Sige." sabi ko. Mukha naman silang mapapagkatiwalaan.
*Aiko´s Point of View*
"Di ba si Medussa yun?"
"Bakit wala sila Light?"
"Ibig sabihin babalik na sila sa Hell Palace?"
Bulungan dito. Bulungan doon (=___=) WOW HA! Nandito kase ako sa Hell Palace, ang palasyo para sa delinquents na katulad ko at nila. Si Light mismo ang nagpagawa nito parang maging malaya ang delinquents dito. Kilala ako bilang Medussa, dahil na din sa palagi akong masamang tumingin. Dire-diretso lang ako hanggang sa makapunta ako sa Demon´s Nest, kung saan kami noon nagpapahinga at have meetings.
"Medussa, biglaan ang pagdating mo." sabi ng Gangster King na si Geran. Wala ngayon ang Gangster Queen, may inaasikaso. Nginisian ko lamang siya at tuloy na umupo sa sofa.
"Ano na bang balita?" tanong ko habang nakaupo na parang Reyna. Kumunot ang noo ko ng biglang itutok sakin ni Geran ang kanyang baril. Natatakot ako sa kanya, matagal na. Pinapakita ko lang na hindi para hindi ako magmukhang mahina.
"Wag kang umasta na parang Reyna. Dahil si Light lang ang reyna dito." diin niya ang pangalang Light. Napabuntong hininga ako ay inilayo ang baril sa ulo ko. Nakatutok kase ito sa ulo ko. "Alam ko naman iyon. Wag mo ng sabihin pa." sabi ko at umalis na lang. Ayokong makasama ang Satanas na yan.
*Travis´s Point of View*
"Dito nangyari ang patayan." malungkot na sabi ni Rayne habang nakatingin sa malayo. Gabi na at nandito pa din kami sa Aristotle University. Sa rooftop kami unang pumunta dahil dito mismo nangyari ang patayan. Sila Andrew at Addy naghahanap ng clues at ako naman nakatitig kay Rayne.
"Nawala ang memorya mo, tama?" biglaang tanong ko kaya napatingin siya sa akin. Nginitian niya at at tumango. "Pero yung kalahati bumalik na. Yung una kong pagtapak sa eskwelahang ito." sabi niya at muling tumingin sa malayo.
"Talaga? Hindi lahat ng alaala mo bumalik?" sabi ko na medyo nagkakainteres. May kakaiba sa mga sagot niya. "Oo. Bakit?" tanong niya at tumingin sakin na para bang isa akong media na kailangan niyang iwasan. "Bakit para hindi ito pansin ng Aristotle University? Bakit parang walang kaalam-alam ang mga estudyante dito?" nagtatakang tanong ko.
Oo nga, nakakapagtaka. Bakit hindi nila nahahalata na ang palaging kasama ng Campus Queen at naging Campus Slave? Tsaka bakit parang hindi nila napapansin na si Rayne at Allie ay iisa?
"Anong ibig mong sabihin?" sabi ni Rayne at nakakunot ang noo. Napailing na lang ako, dapat unahin muna ang killer.
Aristotle University, what a mystery.
xoxoxoxoxox
Jellyace´s note:
Travis at the side>>>>>
BINABASA MO ANG
I'm the Campus Slave { Book 1 & 2 } [EDITING]
ChickLit{ FINISHED }{Genre: Mystery | Romance}A person is not what he thinks he is, he is what he hides. -André Malraux