Chapter 15:"Kiefer and Wendell"

11K 178 22
                                    

*Blake´s Point of View*

 "ANO?! Si Simon?! Anong Hospital?!" napatingin ako kay Rayne na may kausap sa telepono. Si Simon? Anong nangyari kay Simon? "Loki! Saang Hospital?!!" naiinis na tanong ni Rayne. Muli akong napatingin sa kanya. Si Loki? Ibinaba na niya ang telepono at tumingin sa akin na may nabubuong luha. 

"Si Simon binaril. Kelangan nating magpunta sa Hospital." naiiyak na sambit ni Rayne. Nagmadali kaming lumabas ng bahay at sumakay sa kotse ko. Ilang beses din namin narinig ang boses ni Second King na tumatawag sa amin. Pero kelangan namin magmadali. 

Napatingin ako kay Rayne habang nagmamaneho ako. Halatang nag-aalala siya, kahit papano naging kaibigan niya din si Simon. "Magiging maayos din ang lahat, Rayne." mahinang sambit ko at hinawakan ang kamay niyang nanginginig. "S-Salamat." mahinang sabi niya at nginitian ako. 

- - - - - - - - - - - - 

"L-Loki." lumapit si Rayne kay Loki na nakaupo malapit sa E.R. Tumayo si Loki at niyakap si Rayne. Masakit. Masakit makita ang mahal mong nasasaktan at may kayakap na iba. Pero alam kong malungkot lang siya. Tama. Bumitaw na sila sa pagkakayakap. "Anong nangyari?" tanong ni Rayne. 

  

"Binaril siya. Hindi ko kilala kung sino." mahinang sabi ni Loki at napayuko. Nakita kong may hawak-hawak siyang papel pero agad niya itong nilagay sa bulsa niya. Ano kayang laman ng papel? Napakunot ako ng noo ng biglang may tumawag se telepono ni Rayne. Agad itong kinuha ni Rayne. 

"Patay na si First King? I mean yung peke? Paano?" kunot noong tanong ni Rayne sa kausap niya sa telepono. Yung pekeng First King patay na? Mabuti naman. Binaba na ni Rayne ang telepono at sinakop kami ng katahimikan. May narinig kaming naglalakad kaya kaming tatlo napalingon. 

"Fire.Harvey." mahinang sabi ni Rayne habang nakatingin sa babaeng nakangiti na may kasamang lalaki na nakangiti kay Rayne. Tumakbo si Rayne doon sa lalaki at niyakap siya ng mahigpit. "Harvey, nakalabas ka na." mahinang sambit ni Rayne na halatang hindi maitago ang sayang nararamdaman.

Napatingin ako kay Loki, nakakuyom ang kamao nito at masamang tumitingin kay Harvey. Si Loki nga pala ay may gusto din kay Rayne. Pero kakaiba ang mata niya, parang gusto niya itong patayin. Naglakad palayo si Loki at sumunod si Fire, tumigil siya sa harapan ko at tinitigan ako sa mata. 

I'm the  Campus Slave { Book 1 & 2 } [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon