Chapter 17:"Faded or not?"

9.9K 163 20
                                    

*Rayne´s Point of View*

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko sa bahay namin. Pareho silang nagsisigawan, minulat ko ang mata ko pero hindi ako tumatayo sa pagkakahiga. Papakiramdaman ko muna ang boses ng dalwang sumisigaw. 

"Kasalanan mo lahat ng ito!" sigaw ni Kuya Aldrien at may narinig akong may binasag. Sinong may kasalanan? Anong ibig niyang sabihin? Wait. Ano bang nangyayari?

"Ako?! Nagpapatawa ka ba Al?! Ikaw ang may pasimuno ng lahat, di ba?!" galit na tanong ni Kuya Jake. Bakit sila nag-aaway? Tsaka ano bang pinag-aawayan nila? Nakatitig lang ako sa kisame habang nakikinig pa rin sa sigawan nila. Exactly, 12:05 am. Bakit gising pa sila? Tsaka, ano bang pinag-uusapan nila?

"You´re the reason why Light did all of this." madiin na sabi ni Kuya Aldrien. Ako pala ang pinag-uusapan nila. Napapikit ako at ipinatong ang braso ko sa mata ko. Nag-aaway sila dahil sa akin NA NAMAN. Di ba sila nagsasawa? Kase kung sila nagsasawa na, ako nagsasaya pa. 

"I´m not the one who encouraged her! It´s all because of him." sabi ni Kuya Jake habang pahina ng pahina yung boses nila. Napasimangot ako dahil nabanggit niya pa yung lalaking yun. Ngayon niya lang ulit binanggit yun at mabuti na lang at hindi niya sinabi ang pangalan. 

"I hate him so much." bulong ko sa kawalan. Para naman maririnig niya ako, napabuntong hininga ako. Nagulat ako ng biglang may nagvibrate sa ilalim ng unan ko. Pesteng cellphone (-___-) Nag-eemote pa ako eh. 

From: 09xxxxxxxxx

Want to meet me Light? ´Cause I´m sure you definitely want to know me. Want to know the killer is? It´s me, of course. How about the abandoned building where you used to fight with your gang? See ya´ love.

Napakunot ako ng noo ko.Shit.

*Dwayne´s Point of View*

"Saan ka pupunta Ice?" tanong ko dahil bigla siyang tumayo. Ni hindi niya pa nga tapos laruin ang chess niya, lagi niya yun tinatapos bago umalis. "Shelves." matipid na sabi niya at pumunta sa shelves at may hinanap na libro. Ng makita niya ang libro na hinahanap niya agad siyang ngumiti. Kakaibang ngiti. Hindi ko alam kung anong klaseng ngiti ang ginawa niya kanina, parang kakaiba. 

"She and He. SO it´s true." bulong niya pero rinig ko. Kami lang dalwa ni Ice dito sa kwarto. Bumalik si Ice sa kanyang chessboard. "Ano bang mangyayari Ice?" tanong ko. Ngumiti siya sa akin at nag-eyesmile. 

"Dwayne, are you sure that Rayne´s memories faded away?" nagulat ako sa tanong niya. Sa pagkakaalam ko nakalimutan lahat ni Rayne ang memorya niya dahil sa insidenteng iyon. Dahil nun minulat niya ang mata niya sa Ospital, hindi na niya kami kilala. "I´m pretty sure--" di ko na natapos ang isasagot ko ng nakita kong si Ice na nakataas ng kilay sa akin. 

"Are you really that sure Dwayne?" nakangiting tanong niya sa akin. Tumungo na lamang ako, bakit pakiramdam ko hindi ako sigurado sa sagot ko? "What if she´s only pretending to get what she want? Always remember her saying. If the Light wants, the Light gets even if it means to kill." nanlamig ako sa sinabi niya. 

"Ang ibig mong sabihin, pinaglalaruan niya lang kami para makuha ang gusto niya? She´s acting to be like you, a manipulator." sabi ko. Tumayo siya at lumapit sakin. Nilapit niya ang mukha niya sakin, isang maling galaw mahahalikan ko na siya. She grinned at me. A very devilish grin. "She can never be a manipulator because I´m already in that position. Also she can never be a pretender because Fire is in that position. In short, she´s only a human full of ignorance and hatred." pagkatapos niya sabihin yon tumayo na siya at aalis na sana pero tumigil siya at nginitian ako. "Remember Dwayne, you imprinted on me first. AHAHAHA." namula ako sa sinabi niya. AISH.

*Nobody´s Point of View*

May isang lalaki na nakatayo sa loob ng isang abandoned building na tila may hinahanap. Hinipan niya ng marahas ang kanyang kamay dahil sa lamig na pumapalibot sa kanya. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya kung masaya ba siya o takot siya. Pero kahit ganon ang nararamdaman niya, hindi siya nakakaramdam ng takot

Biglang bumukas na marahas ang malaking pinto ng abandoned building at pumasok na nga ang iniintay niya tao. Nakipagshakehands siya sa lalaki at nagtanguan. 

"Ready ka na ba?" tanong ng lalaki at nginitian siya ng malademonyong ngiti. 

"I´m always ready, Loki."

I'm the  Campus Slave { Book 1 & 2 } [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon