*Harvey´s Point of View*
Hinihimas ko ang buhok ni Light, hanggang ngayon hindi pa rin siya nagbabago. May namumuong luha sa mata ko kaya agad ko itong pinunasan. Hindi ngayon ang oras para maging mahina ako, para matakot ako. Nakahiga siya sa sofa at masasabi mong sobrang himbing ng tulog niya.
"Wag kang mawawala sa akin, please." sabi ko habang pinagmamasdan ang mukha niyang maamo pa sa isang anghel. Sana wag mo nang tandaan ang lahat lahat. Sana ako lang ang matandaan mo.
"Hyle." nagulat ako ng sambitin ni Light ang pangalan niya. Tinitigan ko siyang mabuti, bawal niya matandaan si Hyle. Pinilit ko siyang gisingin at sa wakas nagising din siya.
"Hmmm? Bakit Harvey?" tanong niya habang kinukusot ang mata niya. Nginitian ko lamang siya at umiling. Umupo siya ng maayos at umupo naman ako sa tabi niya.
"May problema ba?" tanong ni Light at hinawakan ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya at ngumiti. "Wala naman. Baka hinahanap ka na sa inyo." nakangiting sabi ko at nagnod lamang siya. Tumayo siya at kinuha ang kanyang bag. "Babalik ako bukas." masayang sabi niya at hinalikan ako sa pisngi at dali-daling lumabas.
Light, hindi mo naman ulit ako iiwan di ba?
*Rayne´s Point of View*
WAAHHHHHHHH! (>////<) Bakit ko nagawa yun?! Kakahiya ka Rayne! Lumalandi ka na naman! (T^T) AIGOOO!~ Papalabas na ako ng Ospital ng may nakita akong anino. Nilapitan ko iyon at nagulat siya ng makita ako.
"Simon? Anong ginagawa mo dito?" kunotnoong tanong ko. Yumuko siya at tila bang nahihiya akong sagutin. "A-Ano kase.. Gusto lang kita maka-usap." nakangiting sabi niya at dahil dun lumabas yung pinapangarap kong dimples (*Q*) OMOOOO!~
Kung tutuusin, perfect na si Simon sa mata ng lahat. Walang kulang pero puro labis. Maamo ang mukha, sobrang amo pa nga. Mapupulang labi at HOT figure (*Q*) Di ko naman ikakaila na nagustuhan ko din siya, at niligawan niya din ako. Pero hanggang dun lang, dahil sa tuwing titibok ang puso ko kapag nakikita ko siya parang may mali. Alam kong kakaiba siyang tao. Magkababata kami pero hindi ko siya lubusang kilala.
"Anong pag-uusapan natin?" tanong ko habang sabay kaming naglalakad patungo sa park. Nakatingin lang ako sa unahan at alam kong nakatitig siya sakin. Nararamdaman ko. Lagi kong nararamdaman ang presensya niya, siguro nasanay lang ako na lagi siyang nasa tabi ko nun bata.
BINABASA MO ANG
I'm the Campus Slave { Book 1 & 2 } [EDITING]
ChickLit{ FINISHED }{Genre: Mystery | Romance}A person is not what he thinks he is, he is what he hides. -André Malraux