End of Book 2 + Author's Note

9.8K 167 33
                                    

*Third Person´s Point of View*

"Cancel the engagement." matamlay na sabi ni Harvey sabay tingin kay Rayne na nakatingin sa malayo. Hindi siya makapaniwala na bumalik na si Hyle, ang una niyang minahal ay bumalik na. Dahang-dahan siya tumingin kay Rayne at ng magtagpo ang tingin nila ni Harvey kalungkutan agad ang nakita niya.

"Harvey." hinawakan ni Rayne si Harvey sa magkabilang pisngi at tumitig sa mga mata nito. Lungkot na maaring ikamatay ng tao. "I won´t let you cancel it. I love you okay? Believe me." sabi ni Rayne at unti-unting ngumiti kay Harvey. Nagsimulang tumulo ang mata ni Harvey at ngumiti. 

"Thank you. T-thank you for choosing me." masayang sabi ni Harvey at unti-unti niya itong hinalikan. Pero wari´y hindi nila alam na may isang taong nakamasid sa kanila at puno ng pait na pinapanuod ang nakikita niyang eksena. 

"Babalik ka sakin Rayne. Ipapaalala ko sayo lahat ng katangahan na ginawa mo." galit na bulong ni Hyle sa sarili habang nakatingin ng masama sa dalwa. Biglang may humawak sa braso nito at lumingon... Si Blake. Ngumisi ito at tumango. "We need to find Ice.

- - - - - - - - - - - - - 

"ANO BANG GUSTO MANGYARI ICE?!" galit na tanong ni Kirby kay Ice. Dinala niya ito sa isang lugar kung saan maari silang mag-usap ng maayos. Tumawa ng malakas si Ice at tumingin sa mga mata ni Kirby. "Why do you care so much? What am I to you Kirby?" nakangiting tanong ni Ice. Mas lalong kumunot ang noo ni Kirby at hindi na napigilan ang matagal ng tinatanim na emosyon. 

"ANO KITA?! TANGNA ICE! MAHAL NA MAHAL KITA! HANGGANG NGAYON MAHAL NA MAHAL PA RIN KITA! LAHAT NG GINAGAWA KO PARA SAYO! KAYA BINALAK KO NOONG PATAYIN SI RAYNE DAHIL SAYO! KAPAG NAMATAY SI RAYNE ALAM KONG TITIGIL KA NA! TAMA NAMAN AKO DI BA?! SI RAYNE ANG DAHIL KUNG BAKIT NAGKANDA LECHE LECHE TONG BUHAY NATIN! SI RAYNE ANG DAHILAN KUNG BAKIT KINAILANGAN NATIN MAGHIWALAY!" pagkatapos sabi ni Kirby ang mga salitang iyon. Natahimik si Ice at umiwas ng tingin, hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Hindi niya alam na ganon pala ang pinagdaanan ng tao na noon niyang minahal.

"It´s not always about Rayne. I wanted to do this, I want to manipulate everyone." mariin na sabi ni Ice. Tumingin muli si Kirby sa kanya, lumuhod at niyakap ang bewang ni Ice. "Then... take me back Ice. Please, take me back. I´ll do everything just... take me back." luhaang sambit ni Harvey. Alam niyang magbabago ng tuluyan ang buhay niya kapag sumama siya kay Ice, pero wala na siyang pakialam pa basta kasama niya ang taong mahal niya kaya niyang gawin ang lahat.... kahit pumatay ng tao.

I'm the  Campus Slave { Book 1 & 2 } [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon