Hiro Pov:
Kanina pa akong umiinom ng beer dito. Mabuti naman walang masyadong tao dito kasi maaga pa kaya tuloy tuloy akong umiinom. Bakit ba ako naiinis nung nakita ko na magkasama silang kumain. Sa sobrang inis ay na nasuntok ko ang mesa. Ano ba tong nangyayari sa akin. Gusto ko lang ngayon na uminom ng uminom!
Chum Pov:
Nagbugtong hininga ako nung natapos ko na ang mga pinagagawa sa akin ni Ken. Ang sakit tuloy ng kamay ko ang dami ko kasing sinulat. Huhu! Pero nabaling ang atensyon ko na naisip ko ang plano ko. Hehe *o* sana magustuhan nya, kung hindi naman ay! Ewan ko T_T
Let's go. Aniya
Nang tinignan ko ang watch ko it's already 5:40. Grabi magagabi na talaga. At nagugutom na rin ako π_π
Tatayo ka lang ba dyan? Hurry up. Mag gagabi na oh! Kakain na lang tayo sa labas. At ayun lumabas na sya at ako naman napatakbo, ikaw ba naman kakain kami sa labas *o* kakain na naman ako \m/ HAHA! Gagawin ko na talaga ang plano ko sana di epic T.T kung epic naman sana kunin na ako ni Lord huhu! Nung nakarating kami ay agad kaming sumakay sa kotse nya at amoy na amoy ko ang strawberry *8*
Baka maubos ang perfume ng kotse kaka amoy mo. Sabay tingin sa akin na nakakaasar.
Whatever! Sabay irap ko sa kanya. Di na nga lang ako hihinga -.- Nakakainis! Di ko namalayan na andito kami sa isang restaurant. At Wow! Ang elegante naman. At may lumapit sa amin at inilahad nya yung way patungo sa table namin. Pinaupo ako nung guy na waiter at kinindatan ako. Nagulat naman ako syempre! Umupo na lang ako at tumingin kay Ken na nakatitig na rin sa akin, kaya yumuko na lang ako. Nakakahiya! Bakit ba ako nahihiya? Ako naman ang may tupak.
Nag order na sya at ako naman ay napatingin sa phone ko dahil nag vibrate ito. Nakita ko naman agad kong sino ang nag text.
Chum, please be here.
-HiroAgad naman akong nag reply.
Saan?
Ilang seconds ay nag reply ulit sya.
In my condo.
-HiroAgad naman akong kinutuban. May nangyari ba kay Hiro?
Chum!
Ay oo nga pala nandito na pala ang pagkain namin kaya kumain na ako. Pero this time di ako nagugutom kasi iniisip ko si Hiro. Bakit ko na iniisip yung taong tupak na yun >_< agad kong napatapos ang pagkain ko. At ilang minutes ay nag vibrate ulit phone ko at nakalagay dun yung address ng condo unit nya. Kaya di na ako nag dalawang isip na umalis. Bukas ko na lang gagawin ang plano ko kay Ken. Mas importante ngayon si Hiro eh.
Ken may pupuntahan ako.
Saan?
Sa kaibigan ko. May ibibigay lang ako. Di naman ako magtatagal. Sabay smile ko para di ako mahalatang nagsisinungaling.
Ihatid na kit--
Hwag na! Haha.. mabilis lang talaga . Sige bye!
Agad naman akong lumabas at nag para ng taxi. Sorry talaga Ken babawi ako bukas. At agad na akong pumasok sa taxi at sinabi ko naman kung saan ako pupunta.
Ken Pov:
Nabigla naman ako na umalis agad sya kaya sinundan ko siya. Ewan ko ba gusto ko lang malaman kung saan sya pupunta. Nakita ko naman agad yung sinakyang nyang taxi kaya agad ko naman yung sinundan. Habang sinusundan ko si Chum ay para akong na cucurcious kung saan ba sya pupunta kay no choice ako gusto ko lang talaga malaman. Parang familiar talaga ang way na to. Pero nung tumigil ang taxi at bumaba si Chum ay parang kinurot ang puso ko. Kasi naman dito din nakatira sa condo unit si Hiro eh. Pero sana mali ang hinala ko. Wala na akong nagpaligoy ligoy kaya agad ko syang sinundan. Nung nakita ko kung saan syang pumasok na room ay para akong tinusok na napakaraming karayom sa dibdib ko at gusto ko ngayong suntukin sa mukha si Hiro! Bakit nya pinapunta si Chum sa condo unit nya? May gagawin ba sila? Di ko na kaya ang emosyon ko kaya sinuntok ko yung pader! NAKAKAINIS LANG! NAG SINUNGALING SYA SA AKIN! DI KO NA KINAYA KAYA LUMABAS NA AKO AT DUN MUNA AKO NANATILI SA LOOB NG KOTSE KO. HINIHINTAY KO SYANG LUMABAS. Di ba ang sabi nya mabilis lang sya dun. Kaya hihintayin ko muna sya dito.
Chum Pov:
Waaaahh! Nandito na ako sa condo Unit ni Hiro. >_< Bakit ba kasi ako pumunta dito? Pero wala na akong magawa eh, andito na ako kaya pinindot ko yung maliit na doorbell. Nagulat naman ako na bigla agad itong bumukas at napahiga agad sa dibdib ko si Hiro kasi sinalo ko sya >____________< Waaaahh! Yung dibdib ko! Pagtingin ko sa kanya ay lasing na lasing. Bakit ba sya naglasing? Tsaka ang init nya! May lagnat atah to eh. Nakakainis naman oh! May gagawin pa sana ako kay Ken, bakit sya yung nasa isip ko? -?- dapat ang priority ko ngayon ay si Hiro kasi may lagnat sya. Kaya agad ko syang pinahiga sa kama nya. Muntikan pa akong mapahiga sa kanya kasi ang bigat nya masyado =__= Agad naman akong kumuha ng bimpo para ilagay sa noo nya ang init kasi. Pumunta muna ako sa kusina para magluto para kahit papano bago sya matulog nang maayos ay may laman ang tiyan nya. Kaya naghanap ako ng dapat ko lutuin. Nakaka kita naman agad ako ng noodles kaya agad ko tong niluto.
After 5 minutes, natapos na akong magluto kaya tinapik tapik ko sya kaso medyo lang mahina. Yung magigising lang sya. Thanks God! Nagising din. Pero nang nagising sya ay nakangiti! -.- may lagnat na nga nakangiti pa ang mokong.
Thanks. Sabi nya
Welcome. Hiro kain ka muna ng noodles kasi masama kasing matulog na walang laman ang tiyan. Pagkasabi ko naman nun ay agad nyang inaayos ang pagka upo. Pinakain ko sya ng noodles kahit awkward sa feeling. >_<
Ang cute mo talaga!Sabay kirot sa pisngi ko. Ouch! Napalo ko sya ng di oras pero mahina naman!
Alam ko naman na cute ako since birth!
Hahaha! Tumawa sya at tumawa na rin ako. napatigil lang ako nagpatawa ng bigla nya kong hinalikan. O_________O
Sorry! Yun agad nasabi at agad na umiwas ng tingin. OMG! ANG FIRST KISS KO? SYA? >____________< WAAAAAAAHHHH!!
Di pa rin ako maka get over kaya napatulala lang ako.
Hahalikan pa kita. Sabay asar nya sa akin. Kasi naman nasa state of shocking pa rin ako ngayon. Pero authomatic ko syang pinalo ng todo! HUHU!
Aray! Aray!
Bakit mo yun ginawa? Ikaw na nga yung tinulungan, ikaw pa tong manghahalik! Waaaahh! Hinampas ko ulit!
Sorry na oh! Sorry na talaga!
Waaaahh! Di talaga kita mapapatawad! Ikaw ang first kiss ko waaaahhh! >_<
Bigla naman syang nagulat at napangiti.
So it means na ako ang first kiss mo Chum? Sabay ngisi nya!
Inirapan ko sya at pumunta ako sa couch. Di ko sya kakausapin! Mamatay sya dyan sa lagnat nya! Di ko namalayan nakatulog na pala ako.
-CharmieKim