Ken Pov:
Nabigla kaming tatlo nang umalis si Chum. Kaya agad naming sinundang si Chum kaso wala na kaming naabutan! Nakakainis talaga bakit sumama si Chum sa isang lalaki. Dapat ako ang kasama nya, kaso mas pinili nya yung guy na yun! Gusto ko tuloy ulit suntukin. Sasakay na ako ng kotse nang biglang nagsalita si Hiro.
Dude sama ako sayo. Baka umuwi sa bahay mo si Chum.
Nag nod na lang ako sa kanya kaso nagsalita yung guy na kasama ni Chum kanina.
Sa bahay mo? Pagtatanong nya at nagtataka.
Chum is staying in my house. Sabay taas ng kilay ko.
Nothing. yun na lang ang sinabi nya. Sumakay na kami ni Hiro sa kotse at pinaandar ko yun ng napakabilis.
Next time talaga, di na ako sasakay sa kotse mo. Sabay tawa ni Hiro.
Mabuti naman. Sabay ngisi ko.
Ilang minutes ay nakarating na kami sa bahay ko. Agad akong bumaba ng kotse at bumaba rin agad si Hiro. Binuksan ko naman agad ang Front Door pero walang Chum kaming nakita at naabutan.
Hiro Pov:
Agad agad kaming bumaba ni Ken sa kotse. Binuksan agad niya agad ang Front Door. Masakit isipin na hindi pala umuwi si Chum sa bahay ni Ken. Saan kaya yun pumunta? Nakita ko naman na umiba ang ekspresyon ng mukha ni Ken, parang nahihinayang at medyo galit. Binaliwala ko na lang yun. Ang nasa isip ko talaga kung saan pumunta si Chum? Baka sumama ulit dun kay Kid? Pero di naman atah kasi bago kaming umalis dun ay nakatayo pa rin siya at medyo malungkot kaya imposible naman yun. Saan ko na sya hahanapin? ---.--- kung alam ko lang kung saan sya laging pumupunta dati ay for sure malalaman ko kung saan sya ngayon.
Hindi mo ba alam kung saan pwede pumunta si chum? Tanong ko kay Ken
Hindi ko alam. Sagot naman nya. May hawak hawak na sya ngayon na dalawang can ng alak. Binigay nya sa akin ang isa at ininom ko naman agad yun!
Do you like Chum?
Bigla ko nang maibuga ang iniinom ko sa tanong nya! Ikaw ba naman biglaan lang. -+-
Yeah. I think I like her. Pagkasabi ko nun ay di ko mapigilang mapangiti dahil naalala ko namang yung nangyari nung nasa condo ko si Chum.
I like her too. Biglang nawala ang ngiti ko sa sinabi nya. Di agad ako nakasalita, Nakita ko naman na tumayo sya at pupunta sa hagdan. Pero bago sya makaalis ng tuluyan ay narinig ko ang sinabi nya.
I'm just kidding! I don't like Chum, she's not my type.
Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi nya. Di ko kasing kayang isipin na magiging karibal ko ang Bestfriend ko at iisa lang na babae ang gusto namin. Ang bilis lumipas ang oras. 5 hours na atah ako dito kalahintay at di pa rin bumababa si Ken. Nakatulog na atah yun. Pagkita ko naman sa watch ko 7:21 pm na pala. Ang bilis talaga ng oras! Useless ang paghintay ko kay Chum kasi di pa sya umuwi. Bubuksan ko na ang pinto ng bigla din itong bumukas at kitang kita ko na namumugtong ang mata ni Chum.
What happen to you? May nangyari ba? Sobrang paranoid ko talaga.
Wala to, may sipon lang ako.
Halatang halata na nagsisinungaling si Chum.
I don't believe you. Sabi ko naman
Oo nga. Pwede ba! Hwag mo na akong pakialaman! Gusto ko na magpahinga.
Agad agad na tumakbo si Chum sa hagdan at sa wakas nakita ko din na pababa mg hagdan si Ken.
What happen to her? Tanong nya agad sa akin.I don't know.
Nakita ko naman na kumunot ang noo ni Ken. Makakaalis ka na. Gabi na, mapano ka pa sa daan.
Sige, uwi na ako! Hinintay ko naman talaga na makauwi si Chum ng ligtas. Wala na akong narinig pa galing sa kanya kaya lumabas na ako sa bahay nya. Nagpara nalang ako ng taxi kasi wala akong dalang car. Gagawa na talaga ako ng paraan para maka sorry kay Chum at sa gayun at maligawan ko na sya. Kampante naman ngayon ang kalooban ko na di gusto ni Ken si Chum kaya wala nang sagabal sa pagliligaw ko sa kanya! I think I love her.
Chum Pov:
DI KO NA TALAGA KAYA TO! Akala ko naman makapag isip isip ako dun sa park, unfortunately nahanap ako ni Kid. Marami syang inamin sa akin at ako naman nasa state of shock pa rin! Umamin na sya sa akin na gusto nya raw ako at kung pwede manligaw sa akin pero Waaaah! Di ko alam ang sasabihin ko sa kanya nung time na yun. Di naman sya mahirap mahalin. Pero nung naiisip ko yung mangyari sa coffee shop di ko maalis sa isip ko yung mukha nina Ken at Hiro! May gusto silang sabihin sa akin pero di ko naman alam o guni guni ko lang? -__- Hanggang ngayon namumugtong pa rin ang mata ko dahil sa mga pinagsasabi ni Kid, lalo tuloy naging kumplikado ang lahat. Naiyak ako nung iniwan ko si Kid na mag isa dun sa park di ko talaga alam ang sasabihin ko. Ayoko naman syang masaktan at mapaasa di oras kaya pinili ko na lang na iwan sya dun. Bigla naman akong nagulat na may kumatok! Mamatay ako di oras-.-
Bubuksan ko ba ang pinto o hindi? I Felt Guilty sa nangyari kanina kasi naman may payakap yakap pa sya! Huhu. Pero bago pa niya ako masigawan di oras ay binuksan ko na ang pinto.
Chum are you free tonight?
O_________O? Akala ko magagalit sya sa akin kasi yung nangyari kanina pero ngayon inaayaya nya ako?
Silence means yes. Yun na lang ang narinig ko na bigla nya akong hinila palabas!
A/N:
Readers Sorna ngayon lang naka update! Kakatapos palang kasi ng Pre-Final namin *pout* I hope you understand my excuse xD haha! Keep supporting my story :) Saranghaeyo Readers <3
-CharmieKim