Chum pov:
Di ko namalayan na nandito na ako sa kwarto ko. Pagtingin ko sa bintana ay ang taas na pala ng araw kaya agad agad akong bumangon, bigla pa nga akong mahulog sa hagdan eh. May pasok pa kasi ngayon kaya baka papagalitan ako ni Ken kasi tanghali na akong gumising.
Bakit ngayon ka lang nagising? Bigla akong na nanigas nung marinig ko ang boses nya. Medyo kasi syang galit dahil ba ito sa late na ako nakagising kaya di ko sya nalutuan ng breakfast >___< Omg!
Di mo talaga ako sasagutin? Inip nyang tanong.
Sorry talaga! Wait lang maghahanda na ako ng breakfast. Anong gusto mo fried egg? Bacon? Fish? Ano? Nagpapanic na ako kasi naman baka kasi ako ang dahilan kung ma late sya sa work. Ayaw pa naman niya na palaging late.
Anong pinagsasabi mo? Kumain ka na. May pupuntahan tayo. Nakaluto na ako ng breakfast. Punta ka na lang sa kusina. Medyo pa sya tumatawa nung sinabi nya yun. Napahiya na naman ako>^< bakit ang bilis kong magpanic! Nakakainis!
Agad agad akong tumungo kusina. Pagpunta ko sa dining table ay nagulat ako. Ang dami nyang niluto para namang ang lakas kong kumain. ~~ Inumpisahan ko nang kumain para naman makaalis na kami ni Ken. Ang sarap pala syang magluto! May Future syang Chef XD para akong timang na ini imagine ko na maging Chef si Ken tapos sobrang sungit sya sa mga katrabaho nya kasi ang bagal nilang magtrabaho at di masarap ang mga naluluto. Ang lapad ng ngiti ko nang ini imagine ko si Ken ^________^ pero Waaaaaaah! Bakit ko sya iniisip >___< *erase erase*
Nung natapos na ako kumain ay agad akong lumabas sa dining room at naabutan ko syang nanood ng tv at tinignan nya. Parang naman akong nag blush. Ewan ko ba!
Bilisan mo na! Utos nya.
Agad agad akong pumunta sa cr at naligo. Mabilis naman akong natapos at agad akong naghanap ng damit. Nag tshirt lang ako at nag pants. Wala lang trip ko lang hahaha! Tinutupak na naman ako ngayon hahaha! Bubukasan ko na sana ang pinto na bigla syang pumasok.
Bakit ang tagal mo?
Omg! Ang tagal ko pala sa cr. Di ko namalayan.
Sorry n--- bigla nya akong hinila papunta sa kanya at walang pasabi sabi na hinawakan ang mga kamay. Hinila na nya ako papuntang kotse nya. Pinasakay nya ako at nagulat ako kasi ang bilis nyang pinaharorot ang kotse. Akala ko mamatay na kami kasi ang bilis bilis talaga!
Ken gusto ko pang mabuhay. Napangiti sya sa kawalan at naramdaman ko na medyo bumagal ang pagmamaeho nya.
Sorry. Yun na lang narinig ko sa kanya. Gusto ko sanang itanong sa kanya kung saan kami pupunt kasi wala talaga ako kaalam alam kung saan kami pupunta. Baka pupunta kami sa madilim na lugar at may mga aswang doon o di kaya baka pupuntahan naming bahay haunted house. >____<
Saan tayo pupunta?
Di ko na napigilan ang magtanong kasi baka di pa kami makakarating dun baka mamatay na ako kakaisip.Basta. Sabay ngisi nya sa akin.
Ewan ko ba parang masama talaga ang nararamdaman ko. O sadyang inaantok lang talaga ako.
Matagal pa ba tayo?
Medyo. Kung gusto mong matulog, go on.
Di na ako sumagot sa kanya. Pinilit kong ipikit ang mga mata ko. Ayoko na kasing mag isip pa ng kung ano.
KEN POV:
Tinignan ko si Chum at ang sobrang himbing na ang tulog. Di ko muna sa kanya sasabihin kung saan kami pupunta. Gusto ko unti unti nyang maalala ang mga dapat nyang maalala. Ito na lang kasi ang naiisip kong paraan para kahit papano may maalala sya. Hindi naman na sa minamadali ko na maalala nya ang lahat, gusto ko lang naman na kahit kuting lang ay maalala sya tungkol sa akin. Sa tingin ko bukas pa kaming makakarating kasi malayo pa yung lugar kung saan ko sya nakilala at minahal ng lubos. Tinignan ko ulit si chum na natutulog. Di ko napigilan na halikan sya sa lips. Smack lang naman pero para akong nakuryente nung ginawa ko yun. Lahat ng plano ay na set ko na sa isip ko. LAHAT GAGAWIN KO PARA SA KANYA. Sana ma accomplish ko tong gagawin ko. Ito na lang kasi ang paraan na naiisip ko. DESPERADO na AKO.
Chum Pov:
Nasa state of shock pa rin ako ngayon. Di ko alam na gagawin nya yun sa akin. Bakit nya ako hinalikan? Pero WAAAAAHHH! NAKIKILIG AKO! Chum *inhale exhale* kahit smack lang yung ginawa nya sa akin ay para akong nanalo sa lotto. Pero nagtataka ako bakit nya yun ginawa? Baka gusto rin nya atah ako? Waaaah! Ayokong maging assuming kasi sabi nila pag mag assume ka raw tapos malalaman mo naman na hindi ay masasaktan ka raw. Kaya ayokong maging assuming kasi masasaktan lang talaga ako at isa pa di naman atah ako type ni Ken kasi may mga mas magaganda pa sa akin. Tanggap ko naman yun eh at si Ken di ko sya mareach kasi mayaman sya, musta naman ako? Isang dukha lang dito sa mundo. Bakit pa kasi ako pinanganak na mahirap. Kung pinanganak atah akong isang mayaman may pag asa ba kami ni Ken? Kahit nagkukuwari akong tulog ay ang daming pumapasok sa isip ko. Magkukuwarian pa rin ako hanggang ngayon na tulog kasi pag makita ko sya bakit di ko alam ang gagawin ko baka mahimatay ako sa kilig dahil sa ginawa nya sa akin. Gusto ko rin malimutan ngayon si Kid kasi di ko talaga ma expect na may gusto sya sa akin kaya naman pala ang bait bait nya sa akin. Ayoko naman sya masaktan kasi mabuti syang tao pero ano ang gagawin ko iba talaga ang tinitibok ng puso ko. Okay kadramahan na naman tong pinagsasabi ko. Naramdaman ko na sumakit yung ulo ko. Ang sakit kaya di ko napigilang sumigaw at umiyak. Agad agad naman akong tinanong ni Ken kung anong nangyayari sa akin at kitang kita ko sa mukha nya sobrang nag aalala kahit sobrang sakit ang nararamdaman ko ay di ko mapigilang ngumiti ng konti hindi lang sa nakikita ko sya kundi may care sya sa akin kahit yun lang yun ay masaya na ako pero waaah! SOBRANG SAKIT TALAGA!
Dadalhin kita sa ospital. Dazzle hwag mo kong iwan kaya ng dati. Nakita ko syang naluluha pero dazzle? Di ko na kayang magsalita pa at lalong akong nawalan ng malay.
A/N: HIIII! HAHAHA XD Sareeh ngayon ko lang na update to. Busy eh just kidding. Ngayon ko lang naisipang mag update wala kasi akong magawa dito sa boarding house at isa pa wala akong kasama para naman di ako ma bored! Sa mga silent readers ko sana mag vote at mag comment kayo hah. Maawa kayo hahaha! Para naman ma inspired akong sumulat. Yun lang Lovelots <3
-Charmie kim