Hiro Pov:
Nagising ako na wala na dito sa condo unit si Chum, kaya tinawagan ko sya kaso di ma reach baka lowbat o ano. Napangiti naman ako nung naalala ko yung nangyari kagabi! Para akong baliw na nakangiti mag isa. Gusto ko talagang malaman kung nakauwi ng maayos si Chum kaya tinawagan ko si Ken. Agad naman nya yung sinagot. Sabi daw nya di pa daw dumadating si Chum at parang galit ang boses ni Ken, pero binaliwala ko lang yun. Kaya sinabi ko na itext nya ako pagdumating na Chum. Tapos wala na akong narinig na boses sa kabilang linya at nakita ko end call na pala. Binabaan pa ako ng telepono. Di ako mapakali kaya agad akong nagbihis, pupunta ako sa company ni Ken for sure nandun na din si Chum kasi may work sya dun. Agad agad akong lumabas ng condo unit kasi lunch time na ngayon gusto kong yayain ng lunch si Chum! Ewan ko ba dinala lang atah ako ng mga paa ko sa cafeteria dito sa company at bigla lang uminit ang ulo ko nung nakita ko yung guy na inaabutan ng flowers at chocolate si Chum. Biglang dumilim ang paningin ko kaya nasuntok ko di oras yung lalaki na yun! Walang hiya sya, may gana pa siyang bigyan ng mga kung ano ano si Chum! Para akong natauhan nung pinigilan ako niya kaya parang bumalik yung pagiging ako. Natahimik kaming lahat ng nakita namin na papunta sa direksyon namin si Ken.
Ken Pov:
Habang may inaasikaso ako dito sa office ko nang biglang bigla may bumukas sa pinto.
Sir Ken! Sabay hinga nya, kasi naman halatang galing sya sa pagtakbo.
Nagkunot noo ako sa kanya, Pero nabasa atah niya yung naiisip ko kaya sinabi nya na may nagaganap na suntukan sa cafeteria sa company! Bigla lang akong kinutuban. Sana mali ang hinala ko! Kaya agad akong pumunta at nakita ko agad si Chum na pinipigilan si Hiro, pero nung time na yun nagkaroon ako ng selos kay Hiro! Di ko alam kung bakit? Dahil kasama niya si Chum? This time binaliwala ko ang feelings ko kaya agad akong nagsalita.
Anong nangyayari dito?
Kasi yang lalaki na yan agad agad lang nanununtok! Sabay turo kay Hiro.
Sasabat pa sana si Hiro, pero pinigilan ko.
Jayson your fired! Yun lang ang sinabi ko at agad akong tumalikod.
Chum Pov:
Jayson your fired! Pagkarinig ko nun ay para akong nagulat at napatakip ng bibig. Di ko talaga na expect na ito yung mangyayari! Kung di lang sa akin ay sana may trabaho pa rin si Jayson. Nakita ko yung itsura ni jayson para syang namutla na ewan. Naawa ako sa kanya! Kaya sinamaan ko ng tingin si Hiro, at si Hiro naka ngisi lang. -___- Naiinis na talaga ako! Kaya nilapitan ko yung si Jayson at nagsabing sorry, yun na lang kasi ang magagawa ko this time! Nahihiya ako. Sana ako na lang ang tinanggal sa trabaho at hindi sya.
Sorry talaga Jayson! Parang tutulo na ang luha ko. Kasi naman from the start ako talaga ang may kasalanan nito!
Okay lang yan Chum. Makakahanap din ako ng work. Sabay ngiti nya.
Waaaahh! Kahit natanggal na sya sa trabaho may gana pa rin syang ngumiti. Pero bigla naman akong hinatak ni Hiro papunta sa kanya!
So ano pa ang ginagawa mo dito? Di ba tanggal ka na? Sabi naman ni Hiro kay Jayson.
Hiro! Saway ko.
Chum okay lang. At ikaw Hiro di pa tayo tapos! Babawi ako, hintayin mo lang!
Haha! Tumawa lang si Hiro. Sige dude hihintayin ko yang pagbabalik mo at di lang to ang mangyayari sayo! Waaaahhh nagsisitaasan ang mga balahibo ko.
Di pa tayo tapos Hiro! Sabi naman ni Jayson. At nagsimulang maglakad palayo sa amin. Nung nag alisan na ang nga tao, para lang silang nanood sa tv tapos pag natapos na silang manood ng inaabangan nila ay agad na silang umaalis. Parang ganun lang -.- ! Aalis na sana ako nag biglang hawakan ni Hiro ang braso ko.
Ano bang kailangan mo? Sa sobrang galit ko ay nataasan ko ng tuno ang pananalita ko. Para naman syang nagulat sa inasta ko pero agad naman syang nagsalita.
Gusto ko lang naman mag thank you.
Tinignan ko lang sya at nagsimula na rin akong maglakad. Ayoko munang sagutin si Hiro. Ang daming nangyari di ko na talaga alam kung ano ang irereact ko >_< Kaya napag isipan ko na baka pwede ko pang kausapin si Ken baka pwede pa niya bawiin yung sinabi nya kaya pumunta agad ako sa opisina ni Ken at naabutang umiinom ng wine. Bigla naman syang tumigil sa pag inom nangkita nya ako.
Ken. Sabi ko naman
What do you want? May halos na inis yung boses nya.
Kung tungkol to kay Jayson, hwag ka nang umasa. Tinanggal ko na sya sa company. Di ko babaguhin ang desisyon ko.
Di ko alam pero tumulo lang ang mga luha ko. Guilty talaga ang nararamdaman ko! Kaya di na ako nagsalita, umalis agad ako sa harapan nya. Bakit ba ang daming nangyayari sa akin? Waaah! Gusto ko lang mapag isa ngayon. Nang nilibot libot ko ang company ay may nakita akong mini sala kaya agad akong pumunta dun. Gusto ko lang mag muni muni muna, sa sobrang dami ng mga pangyayari na pumapasok sa isip ko ay bigla na lamang ako nakatulog. Nagising na lamang at nakita ko si Ken na nakaupo din sya sa isang couch dito kaya agad kong inayos ang sarili ko!
Gising ka na pala. Let's go
Yun nalang narinig ko at para akong inutusan ng sariling kong mga paa na sundan si Hiro. Kanina pa ba si Hiro dun? Bakit si Hiro ang nasa isip ko? Galit ako sa kanya kaya wala akong paki kung kanina pa sya dun. Dapat wala na lang ako nagising para mainip syang kakahintay sa akin.
Sorry.
Bigla naman akong napatigil sa sinabi nya. Kahit nasa unahan ko sya at nakatalikod sya ay ramdam na ramdam ko yung sincere ng pag sosorry nya. Di ako umimik at narinig ko din syang nag buntong hininga.
-CharmieKim