Hiro Pov:
Kanina ko pa tinatawagan ang phone ni Chum pero di sya ma contact. Bakit kaya? Si Ken din kanina ko pa ding tinatawagan pero hanggang ngayon di rin sumasagot. Asan kaya yung dalawang yun? Pinuntahan ko na yung bahay ni Ken pero wala namang tao tapos pumunta pa ako sa company baka andun sila pero sabi naman naman ng mga employees wala daw sila roon. Saan kaya ni Ken dinala si Chum? Wala talaga akong clue kahit isa. Kainis naman sa sobrang galit ko ay nasuntok ko yung pader. Hindi ko ininda ang sakit sa kamay ko kasi mas sakit pa yung puso ko kumpara sa kamay kong dumudugo. Di ko alam pero bumabalik na naman ang pagiging adik ko sa alak kaya agad akong pumunta sa bar para uminom. Bahala na magpapalasing na lang ako para kahit papano mawala ang sakit na nararamdaman ko. Ayoko muna isipin kung nasaan si Chum kasi nasasaktan ako idagdag pa na kasama nya si Ken kahit wala naman akong karapatan na magalit kay Ken ay di ko maiwasan. Basta lang di lang nya saktan si Chum kasi ako talaga ang makakalaban nya at itataya ko pa ang magkaibigan namin. Para kay Chum gagawin ko ang lahat.
Kid Pov:
Nung umamin ako ng nararamdaman ko para sa kanya ay alam ko na lalayo yung loob nya sa akin kahit alam ko naman sa una palang na wala talaga syang nararamdaman sa akin ay pinilit kong umamin kasi ayokong lumayo sya sa akin lalo pa ngayon may iba na syang trabaho. Ewan ko ba di ko talaga mawala sa isip ko kung pano nya nakilala yung lalaking yun. Epal talaga yung taong yun halata na may gusto sya kay Chum. Naiinis ako. Naiinis talaga! Gusto kong suntukin yung gagong yun. May gawin lang syang masama sa babaeng mahal ko yung gwapo nyang mukha babasagin ko yun. Idagdag pa yung kaibigan nya na may gusto rin kay Chum. Anong kalaban laban ko sa kanila ang yaman nila. Bakit ba kasi ako mahirap eh. Sana na lang naging mayaman na lang ako para naman maging akin si Chum at lahat ng gusto nya mabibili ko. Tatawagan ko nga sana si Chum pero nakita ko yung guy yung may gusto din sa kanya. Hiro atah ang name nun. Bumaba sya sa magara nyang kotse at pumasok sa bar. Agad ko naman syang sinundan baka andun din sina Ken at Chum. Pagkapasok ko ay nawala agad sa paningin ko si Hiro. Nilibot libot ko tong bar ang laki talaga. Nakita ko na sya mag isa may babaeng lumapit sa kanya pero di lang nya pinansin. Seryoso lang ang pag inom nya ang lalim ng iniisip. Nakita nya ako na nakatingin sa kanya kaya lunapit na lang ako kasi nakita na nya ako at gusto ko din na itanong kung nasaan sila.
Why are you doing here? Agad nyang tanong sa akin.
Wala naman. Umupo ako sa upuan.
You want? Pag aalok nya sa akin ng alak. Agad ko naman na kinuha at ininom.
Gusto mo si chum? Muntikan ko nang maibuga ang iniinom ko sa tanong nya. Pinunasan ko muna ang bibig ko at tumango sa kanya. Nakita ko naman na tumango tango sya.
Ikaw? Tanong ko sa kanya.
Yeah. Sagot nya.
Tahimik ang bumalot sa aming dalawa. Ni isa sa amin di nagsasalita. Nabigla ako nung nagsalita sya.
I think Ken likes Chum too. Para syang natatawa sa sinabi nya.
Love nga naman. Dagdag nya.Ngumiti na lang ako sa pagsasa ayon.
Di ko talaga alam kung anong meron dyan kay Chum at pati ako gusto ko rin sya.
Mabait kasi sya,maganda at maalaga pa. Pagdagdag ko. Nakita ko syang nakangiti sa kawalan.
Bakit ka nakangiti? Tanong ko wala naman nakakatawa sa sinabi ko eh. Totoo naman yun.
Ako ba? Turo nya sa sarili.
Hindi ako atah. Pagpipiloso ko.
Hahaha! Wala naman may naalala lang ako. Nakita ko na bigla lang sya namula sa epekto atah yun ng iniinom nya. Pagtingin ko sa beer di ko pa pala nauubos kaya iniinom ko yun agad.
Sige aalis na ako at salamat pala sa beer. Pamamaalam ko.
Sige bro, ingat! Pero wait! Alam mo kung nasaan si chum?
Kitang kita ko na nag aalala sya.Hindi eh. Bakit?
Kanina ko pa kasi hinahanap at tinatawagan si chum pero di sya macontact pati na rin si Ken di rin macontact. Halata sa boses nya ang pag aalala.
Di ko alam kung ano ang gagawin ko nung sinabi ni Hiro sa akin yun. Agad kong kinuha ang phone ko at agad kong tinawagan si Chum.
"F*ck" yan ang lumabas sa bibig ko kasi di macontact sya.
Si Hiro naman nakatingin lang sa akin. Parang kinakausap nya ako sa mga mata. Tinatanong nya na nacontact mo ba sya.
Umiling na lang ako bilang sagot. Nakita ko syang nagbuntong hininga.
Saan kaya sila ngayon? Mababaliw na ako kakaisip kung nasaan sila lalo na si Chum. Baka kung anong masamang ginawa ni Ken sa kanya. Kung mangyari yun babasagin ko talaga ang mukha nya pag makita ko sya di ako magdadalawang isip na gawin yun.
I don't know. Yun na lang narinig ko galing sa kanya.
Sige aalis na ako. Hahanapin ko sila. Pagmamaalam ko sa kanya.
Sama ako.
Tumango na lang ako at agad kaming sumakay sa kotse nya. Chum wait for me.
Chum Pov:
Dazzle! Dazzle! Dazzle! Dazzle! Naalipungatan ako nang ginigising ako ni Ken.
Chum are you okay? Di ko alam pero agad ko syang niyakap. Di ko alam pero natatakot ako, ewan ko ba parang totoo talaga ang panaginip ko. Naiiyak na ako sa sobrang takot. Di ko talaga napipigilan na umiyak kahit panaginip lang yun. Naramdaman ko na niyakap rin ako ni Ken pabalik. Di ko alam ang gagawin ko ngayon. Habang niyayakap ako ni Ken ramdam na ramdam ko na safe na safe ako sa kanya.
Okay ka lang? Kitang kita ko sa mga mata nya na sobrang nag aalala sya.
Oo. Hwag mo kong iwan hah. Yan na lang ang sinabi ko sa kanya.
Tumango sya sa akin at hinalikan ang noo ko.
Yeah. I never leave you.
A/N: HI READERS! Please support my story alam ko naman na ang tagal ko nang hindi nag update pero waaaah! Suportahan nyo to hah :3 maawa kayo HAHAHA! That's all! Don't forget to vote and comment para naman ma inspired ako matapos to.! Lovelots!
-Charmie Kim