Chapter 8:

19 1 0
                                    

Chum Pov:

Nakauwi na din kami ni Ken ng maayos, pero ni isa sa amin ay di nagkikibuan. Dumiretso naman agad ako sa kwarto at sya na din. Di na pala ako kakain ng dinner, di naman sa busog ako kundi ayoko lang. Kaya agad akong nahiga sa kama at pinagmasdan ang kisami. Nang biglang nag tumunog ang phone ko at may tumatawag kaso unknown ang nakalagay kaya agad ko tong sinagot para malaman ko kung sino, laking tuwa ko nung narinig ko ang boses niya! Bigla lang ako naiyak, kasi naman na miss ko na siya!

Chum andyan ka pa?

Waaahh! Namiss ko talaga ang boses niya.

Oo naman. Na miss lang talaga kita Kid! Narinig ko naman syang tumawa ng kaunti.

Miss din kita Chum! Are you free tomorrow? Meet tayo.

Oo naman free ako tomorrow. What time ba? Agad naman niyang sinabi ang oras at kung saan kami magkikita.

Kid masaya lang talaga ako na tumawag ka, ang saya saya ko! Huhu ^O^

Haha! Ikaw naman, masaya din ako. Sige bye na Chum, See you tomorrow!

Nag bye na din ako sa kanya. Wala naman atah work bukas kasi sunday naman! Waaaah! Makikita ko ulit si Kid, akala ko talaga di na kami magkikita kasi natanggal ako nun sa trabaho. Pero bukas makikita ko ulit sya kaya agad na akong natulog, Excited lang talaga!

KEN POV:

Nung dumaan ako sa kwarto ni Chum ay may narinig akong may kausap sya, kaya sinilip ko at tama naman ang hula ko na may kausap sya at nakita ko sa mga mata niya na tuwang tuwa talaga sya at may binanggit siyang Kid ang name. Bago pa ako mahalata ni Chum ay agad kung sinira ang pinto. Bumaba muna ako sa sala at nakita ko dun yung gitara na nakasabit. Naalala ko naman ang mga nakaraan. Kaya bago pa ako malungkot ay agad na akong umakyat para na din makatulog! Pero gusto ko naman mag sorry kay Chum pero nahihiya ako! Ang torpe ko talaga! Naiinis ako sa sarili ko. Pero gusto ko lang talaga makabawi sa kanya para di na kami awkward sa isa't isa. Ano naman ang gagawin ko? Yayain ko lang kaya sya bukas? Mamasyal kami sunday naman eh! Sige yun na lang. Nakangiti ako kahit papano. Babawi na talaga ako bukas sa kanya. Nabuo na agad sa isip ko kung saan kami mamasyal at ano ano pa kaya nung matutulog na ako ay di maalis sa labi ko ang ngiti.

KID POV:

Ang saya saya ko ngayon! Kasi naman magkikita kami ni Chum bukas at magtatapat na talaga ako sa nararamdaman ko para sa kanya! Ayoko na kasi maging kaibigan lang nya kaya gagawa na ako ng paraan para mapansin niya din ako. Naplano ko naman lahat, ang kulang lang talaga si Chum. Sana maging okay lang ang aming date bukas! Sana..

Hiro Pov:

Galing lang naman ako sa bar, as usual nilasing ko lang ang sarili ko at kahit papano maibsan lang ang nararamdaman ko! Di ko talaga kayang nakikita at naiisip na galit sya sa akin! Di ko naman napigilan ang sarili ko, nadala lang ako ng selos! Kaya maintindihan naman nya yung side ko. Nandito pala ako sa condo unit at nag iisip kung papanong makakabawi sa kasalanan ko sa kanya. Kasi naman talaga yung ugali ko! Di mo na nag iisip tuloy galit si Chum sa akin. Pano ba ako makalabawi? Di ko kayang iniiwasan niya ako palagi. Di ko yun kakayanin! NATAMAAN NA TALAGA AKO! Nung una ko syang nakita parang may naramdaman ako na di ko maipaliwanag. Love na atah to? Ngayon lang ako nababaliw sa isang babae! Kahit pa ang kapalit nito ay ang kaibigan kong si Ken. Kasi naman napapansin kong gusto din ni Ken si Chum kaya habang maaga pa ay gagawa na ako ng paraan para lalong mapalapit sa akin ang babaeng gusto ko! Selfish na kung selfish. Mahirap nang maunahan ng kaibigan mo. Kaya agad kung kinuha ang phone ko kasi tatawagan ko si Chum kung pwede sya bukas. Gusto ko na magkaayos na kami. Di ko kasing kayang isipin na galit pa rin sya sa akin at for sure naman free sya tomorrow kasi wala namang pasok sya sa work kaya chance ko na to! Tinatawagan ko ang number ni Chum kaso wala namang sumasagot. Patuloy lang sa pagtugtong ng ringing tone. Nakakainis naman! Gusto ko na malaman na free sya bukas para maka plano na ako ngayon, kaso wala talagang response. Ilang beses ko na syang tinatawagan. Tulog na atah yun -_____- sleepyhead talaga yung babae na yun! Kaya habang di pa ako sinasagot sa phone ni Chum ay gagawa na ako ng plano. Gusto ko memorable para naman may pag asa talaga ako sa kanya! Bukas ko na lang sya tatawagan at kailangan ko naman ngayon matulog kasi maaga pa ako bukas para matapos ko agad maihanda ang ang surprise ko sa kanya. Kaya nagpadesisyunan ko na matulog ng maaga. Kaya agad kung pinikit ang mga mata ko.

Chum pov:

Nagising ako ng maaga kasi di ba magkikita kami ni Kid! Na excite ako haha.. kasi naman na miss ko talaga yung lalaki na yun ~^O^~ Di ko alam kung magagawa ko pa yung plano ko kay Ken kasi naman galit ako sa kanya! Naalala ko na naman yung nangyari kahapon >____< kaya gusto ko munang maalis kahit papano yung mga naiisip ko! Gusto ko munang makita si Kid. Kaya agad na akong naligo at nagbihis. Yung suot ko pala ay simple lang syang black na dress at black yung doll shoes mukha tuloy akong korean. Nag lagay naman ako ng kaunting make up kasi naman nakakahiya naman kay Kid kung pangit yung pagmumukha na ihaharap ko sa kanya. Habang hinahanap ko ang purse ko ay may biglang kumatok sa pinto. Kaya naman nabigla ako! Waaaahhh di pa pala ni Ken na alam na may pupuntahan ako ngayon >____< nalimutan kong sabihin pero ito na atah yung tamang time para naman di niya ako mapipigilang umalis kasi naman mahihiya naman yun na di ako papayagan , NAKABIHIS NA KAYA AKO! +_+

Agad ko naman syang binuksan ng pinto pero para syang nagulat kasi naman di pa ako nagpapa alam na aalis ako!

Ken, aalis pala ako. Sorry hah nagulat kita! Kasi di na ako nakapa alam ng maayos. Pagkasabi nya nun ay bigla akong nagulat ng niyakap niya ako! (⊙o⊙)

Please stay with me. Yun ang narinig kong sinabi niya, kaso naka promise na ako kay Kid! Ayoko naman na madisapointed si Kid dahil hindi ako dumating kaya.

Ken, sorry talag--- pero lalo pa niyang hinigpitan ang pagkayap niya sa akin.

-CharmieKim

BECAUSE I'M STUPIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon