Chapter 6:

29 1 0
                                    

Ken Pov:

Inumaga na ako dito sa kotse kakahintay kay Chum! Para akong tanga -.- Pero MASAKIT TALAGA SA SIDE KO dahil NAGSINUNGALING SYA SA AKIN. Nabaling ang atensyon ko nang nakita ko syang lumabas. Kaya di na akong nagdalawang isip na paharurotin ang kotse ko sa sobrang sama ng loob. Mga 20 minutes palang ay nakarating na ako sa bahay at agad akong umupo sa couch. Gusto ko na pagdating nya dito ay nandito ako at magpapaliwag nya sa akin bakit di sya umuwi at bakit sya nagsinungaling sa akin! Tumunog ang phone ko at nakitang kong may tumatawag at nainis ako nung nakita ko kung sino ang tumatawag. Bakit ba ako naiinis? Agad ko namang sinagot si Hiro.

Oh?

Wala naman. Tatanungin ko sana kung nakauwi na ba si Chum dyan?

Akala ko ba sila ang magkasama? -.- bakit ako ang tinatanong nito.

Hindi pa. Bakit?

Wala naman! Text mo ko pag nakauwi na si Chum, gusto ko kasi malaman kung naka uwi ng maayos sya.

Bakit di mo na lang tawagan? Sa akin ka pa tumawag. Bakit sa akin pa sya tumawag may phone naman si Chum.

Kasi di ko naman ma contact si Chum kanina pa, kaya tinawagan kita. Sorry na sa abala bro! Sige bye.

Hindi na ako sumagot at agad kong pinindot ang end call. Speaking of Chum ay nandito na sya sa bahay kakadating nya lang. At halatang halata na bagong gising.

Saan ka galing? Panimula ko

Sa kaibigan ko lang. Sorry pala hah! Naumagahan ako dun.

At ayun umakyat na siya sa hagdan. Wala akong gana ngayong araw pero may pasok eh kaya agad din akong naligo at nagbihis, ayoko kasing ma late lalo na sa office! Ilang minutes nakita ko rin nakabihis si Chum kaya agad na kaming tumungo sa kotse ko! Tahimik lang kaming dalawa at wala lang ako sa mood makipag usap sa kanya! Naiinis ako sa sarili ko.

Chum Pov:

Nagising agad ako at mabuti naman tulog pa yung mokong na yun! Naiinis talaga ako >___< Ayoko muna syang makita hanggat maka get over ako sa nangyari kagabi kaya agad agad akong lumabas sa condo unit ni Hiro at di ko sya nilingon kasi kung lingunin ko sya maalala ko na naman yung kis--- >_< *erase erase* huhu! Nung lumabas ako ay parang nakita ko yung kotse ni Ken pero agad naman yung umandar baka kapareho lang naman. Mabuti naman may nakita agad akong taxi kaya agad akong sumakay. Habang nasa byahe ako ay si Ken ang nasa isip ko kasi naman nag sinungaling ako at inumagahan pa sa condo unit ni Hiro. >_____<

Miss andito na po.

Para naman akong nagising kaya agad ko naman binayaran si manong. Nung nasa Front Door na ako ay di ko alam kung ano ang sasabihin ko! Bakit ba ako mag eexplain sa kanya? --.-- kaano ano ko ba sya? Mag so sorry na lang ako sa kanya! Agad naman akong pumasok kaya laking gulat ko na andun si Ken na naghihintay sa sala. Hala! Anong sasabihin ko?

Saan ka galing?

Waaahh! >_< nagtatanong na sya! Ano ba ang isasagot ko? Sasabihin ko bang nandun ako galing kina Hiro? O sasabihin ko na naligaw ako sa daan kaya sa kalsada ako nakatulog >__< ano ba tong iniisip ko para talaga akong bata ! Huhu

Sa kaibigan ko lang. Sorry pala hah! Naumagahan ako. Di ko na kaya to! Kaya agad akong umakyat sa hagdan. May pasok pa pala! Kailangan ko nang mang madali!>3< agad akong naligo at nag bihis, baka ako pa ang maging dahilan kung ma late si Ken sa Office. Nung nakita ko sya ay agad akong sumunod sa kanya patungo sa kotse nya. Ang awkward naman nito! >o< di nagsasalita si Ken. Kasi naman di ako umuwi. KASALANAN YUN NI HIRO! huhu.. Hanggang nakarating kami sa Company ay di pa rin sya nagsasalita! Nagsalita naman sya nung may binigay syang mga documents na dapat kong gawin kaya agad ko tong ginawa kasi naman makabawi lang naman. Nung nag lunch time ay di na ako sumabay kay Ken. Hindi naman sa nahihiya akong magpalibre kundi nahihiya ako kasi nagsinungaling ako! Waaaaahh! Ang mahal talaga ng mga foods dito -.- wala bang mas mura pa? Huhu! Kakain na lang ako ng sandwich? Pero kahit sandwich mahal pa rin! Pero okay na yun kaysa naman di ako kakain. Habang kumakain ako ay bigla akong nagulat dahil may binibigay yung guy sa akin na flowers at chocolate. Kaya halos lahat ng mga employees dito ay sa akin nakatingin at dun sa guy!

Hi Chum! Sabay ngiti nya sa akin

Ako naman si tanga -.- naka nganga pa rin. Nakita ko naman na medyo sya nakakatawa dahil sa expression ko! Ikaw ba naman kasi bibigyan ka ng flowers at chocolate ng di mo kilalang guy.

Sa akin talaga to? Kasi baka nagkakamali lang sya at ayoko naman mag assume baka di naman to sa akin. Mapahiya pa ako di oras!

Oo naman sayo to! Sabay kindat nya sa akin. Tinanggap ko naman ang bigay nya sa akin.

Thanks! Sabi ko naman.

Your Welcome! Yan lang ba yung lunch mo? Libre kita, ano ba ang gusto mo?

Waaahh! Nakakahiya naman -_-! Sandwich lang kasi kinakain ko huhu.. pag makapera talaga ako bibili na talaga ako ng mga foods dito!

Wag na! Busog naman ako eh. Pangtatangi ko >_< Tatayo na sana ako ng biglang dumating si Hiro at nakita nya na binigyan ako nung guy ng flowers at chocolate! Naalala ko tuloy yung ano ∪ˍ∪ Aalis na sana ako pero biglang sinuntok ni Hiro yung guy at ako naman na shock! O___________O Waaahh kaya authomatic kong pinigilan si Hiro kasi yung guy nagdudugo na yung labi. Ang lakas kasing pagka suntok ni Hiro!

Ano bang problema mo hah! Sabi nung guy.

Ikaw! Sabat naman ni Hiro.

Bakit ba? Ano ba ginawa ko at bigla biglang mo kong sinuntok?

Bakit mo binibigyan ng flowers at chocolate si Chum? Di mo ba alam nililigawan ko na sya! Kaya back off dude, kung ayaw mong suntukin pa kita!

Anoooooo? Nang liligaw na sya sa akin? Kailan pa? Wala naman akong kaalam alam sa pinagsasabi nya (>_<。) may TUPAK TALAGA!!

Natigil lahat nung nakita namin si Ken na papalapit sa amin!

OH MY GOD! yung nalang nasabi ko! Ano ba tong pinasok ko (T⌓T)

-CharmieKim

BECAUSE I'M STUPIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon