Chapter 1

6K 322 23
                                    

City of Montemilla,
Realm of Ellemical.

Huminga ako ng malalim at itinigil ko ang pagbabasa ng libro. Kahit pangalawang beses ko ng binabasa ang libro, napakahiwaga parin nito sa akin. May mga binabalikan akong kwento na paulit-ulit kong nilalapatan ng tanong.

Masyadong mahiwaga ang kasaysayan ng mundong ginagalawan ko. Hindi ko alam kong lahat ng nabasa ko sa librong ito ay nangyari talaga noon. Pwedeng oo, pwedeng hindi. Dahil may mga bagay sa kasaysayan na hindi na mabubura sa isipan ng lahat. Pwedeng ang iba ay desisyon nilang huwag na lang ilahad lahat ang masasamang alaala sa kasaysayan para sa mga susunod na henerasyon dahil alam nilang magbabago rin ang hinahanarap. Pero may pagbabago nga ba?

Pwedeng may mali sa lahat at pwedeng iniba na ang pagsasalarawan ng kwento. May mga nadugtungan ng ibang kwento kahit hindi naman nangyari. May mga haka-haka kahit wala namang ebidensya.

Napahilot ako sa sentido at napatingin sa mga batang nagkwekwentuhan sa aking tabi.

Masaya.

Larawan sa kanilang mga ngiti ang kagandahan ng kanilang buhay. Walang inaalalang suliranin at pighati. Nag-iwas ako ng tingin nang makita kong lumapit ang mga magulang ng dalawang bata. Mapait akong ngumiti.

Kung may panahon man na nagpapabalik sa aking nakaraan, pipiliin kong manatili sa panahong kasama ko sila. Ang aking mga magulang. Kahit mismo ang masasakit na pangyayari sa buhay nila, pipiliin kong sumabay sa panahon ng nakaraan. Makita lang sila.

Niyakap ko ang librong bigay ng aking lolo habang pinapanood ang tanawin sa labas.

Muli kong naalala ang liham na galing sa Lyrea. Ang pinakasentrong syudad ng Ellemical, kung saan ako pupunta.

Zerenethia ang pangalan ng buong lupain na nahahati sa apat na rehiyon. At ang kinikilalang tirahan ng pinakamakapangyatihang maharlika ay ang Ellemical sa norteng bahagi ng Zerenethia. May apat na syudad kasi ang Ellemical, isa na dito ang Montemilla kung saan ako lumaki.

Hindi ko alam kung bakit isa ako sa napiling estudyante ng Ellemical Academy kahit na wala naman akong taglay na special ability. Sakitin ako kaya imposible.

At ang isa pang pinanghahawakan ko ay ang paniniwala ng Lolo at Lola ko na parehas na normal na Zerenethian ang aking mga magulang.

Napabuntong hininga ako dahil wala na rin akong maalala sa mga magulang ko maliban sa aking kwentas na ibinigay sa akin.

Hindi ko na maalala ang mga mukha nila. Nasunog din kasi ang dati naming tirahan, kaya wala na ang mga litrato ng mga magulang ko.

Napahilamos ako ng mukha.

Kahapon lang ako nakatanggap ng isang mensahe galing sa palasyo tungkol sa nasabing paaralan. Hindi basta-basta nakakapasok sa Ellemical Academy. Masyado itong patago at sagrado.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa balita o malulungkot. Hindi kasi lahat nabibigyan ng pagkakataon para maimbitahan ka para makapasok sa palasyo ng Ellemical. Oo. Gusto kong makapasok. Gusto kung itanong ang pamahalaan ng Kahariaan kung bakit pinapabayaan nila ang nasasakupan nila. Pero may parte sa puso ko ang pangungulila sa aking lolo at lola. Kaya ayoko sana.

Matanda na sila at nag-aalala parin ako sa kanilang dalawa. Lalo na't mahihiwalay ako sa kanila.

Nung una talaga nagdalawang-isip ako kung papaunlakin ko ba ang imbitasyon.

At hindi nga nagtagal ay napagdesiyunan kong huwag paunlakan ang imbitasyon kahapon. Halos sunugin ko na ang sulat na galing sa palasyo. Pero sina Lolo Adriano at Lola Evelina na mismo ang nagpumilit sakin. Kaya heto ako ngayon, naghihintay na lang ng ilang oras bago makarating sa pupuntahan ko. Nakasakay sa tren papunta sa sentro ng lalawigan ng Ellemical. Hindi pa ako tuluyan nakakalayo sa Montemilla pero naiisip ko na agad sina Lola.

STELLA : The Chosen GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon