Streaks of sunlight penetrate the window. I blink and close my eyes.
Then I blink again.
For a few seconds I don't know where I am.
Madilim sa loob ng kwarto at ang tanging nagsisilbing ilaw lang ay ang liwanag na tumatama sa aking mukha mula sa labas ng bintana.
Noong una nagtaka ako dahil hindi ako sanay na ganito kaganda ang kwarto na tinutulugan ko ngayon. Pero muli kong naaalala na nasa ibang lugar pala ako.
I sighed.
Halos kasing laki na nito ang buong bahay namin sa Montemilla.
Humiga ako patagilid. Tinitigan ko ang kabilang higaan. Wala na si Emerald. Ang aga naman nagising?
Nagbuga ako ng hangin at tinanggal ang kumot na nakabalot sa aking beywang.
Naalala ko na naman ang nangyari kahapon. Mula sa pagpapaalam kay Lola at Lolo, sa Tren, sa pagsunod sa alitaptap at sa unang pagtapak ko sa paaralang ito.
Tumayo at napangiwi ako nang tumunog ang sikmura ko.
Hindi kasi ako nakakain ng maayos kagabi. Nakakawala ng gana naman mag-aral dito.
Parang ayaw ko na. Gusto ko ng umatras. Hindi ako bagay dito. Hindi ko rin alam ang ability ko. Mukha akong ewan dito.
Siguro kapag may resulta na ang ranking eliminations papaalisin na ako agad, kaya hihintayin ko na lang ang araw na iyon para lumayas na dito sa mundong ito na hindi ako nababagay. Ayos lang na mapahiya keysa manatili dito. Halos napahiya na rin ako kahapon eh. Kaya lubos-lubusin ko na.
Marahas kong ginulo ang buhok ko sa sobrang inis at bumangon na rin. Sakto namang lumabas si Emerald mula sa banyo.
"Good morning!" ngiting bati sa akin ni Emerald.
"Good morning din!" nahihiya kong bati. Napailing na lang ako sa sarili at agad na rin nagtungo sa banyo upang maligo at mag-ayos.
Makalipas ng ilang minuto. Nakaharap na ako sa salamin at pinagmamasdan ang suot ko. Dark pants, white rubber shoes and a lousy gray shirt.
Hinayaan ko na lang na nakapusod ang mahaba kong buhok.
"Okay ka na?" nasa pintuan na rin si Emerald. She's wearing a green dress. Muli kong pinasadaan ng tingin ang sarili ko sa salamin. It's awkward.
Tumango ako sabay suot ng kulay abong sumbrero.
"Punta na tayo sa Dining Hall, baka may announcement ang mga Ellemical Masters but I'm not sure kung ngayon iyon!" Masiglang sabi ni Emerald sa akin.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Iniisip ko na kapag sa araw ng Ranking Elimination ipapahiya ba ako ng eskwelahan sa lahat ng mga estudyante dahil sa wala akong special ability? Nagkibit-balikat ako. Ayos lang. Handa na ako para sa ganoong bagay.
Nakayuko ako habang naglalakad na sinusundan lang si Emerald papasok ng Dining Hall. Nakasunod ang tingin ko sa bawat yapak nito.
Napatigil ang lahat pagkapasok namin sa loob ng Dining Hall. Some of them started whispering words. I rolled my eyes.
Pare-parehas lang sila ng mga kaklase ko sa Montemilla kaya hangga't maaga pa ay iwasan ko ang mga katulad nila. Well, except for Emerald.
Pagkaupo namin, marami paring mga matang nakatingin sakin. Ganoon kakapal ang mga mukha nila para ipakita at iparamdam na ayaw nila sa akin.
What a nice way to welcome a new student. Umiling-iling si Emerald nang napansin nito ang mga estudyanteng nakatingin sa pwesto namin.
"Don't mind them." sabi nito.
BINABASA MO ANG
STELLA : The Chosen Guardian
FantastikDo you accept this symbol of our realms? To train, to fight for this Kingdom? Will you stay and never run away? Then arise! Take this ring as a sign of your services and fidelity in the name of Sellean. You may now fulfill your duty.