Chapter 11

3.7K 179 13
                                    

Kanina pa ako naiinis habang naglalakad sa loob ng campus. Lahat ng bato na nadadaanan ko ay sinisipa ko ito ng pagkalakas-lakas. Malalate na ako sa first class ko at hanggang ngayon hindi ko pa alam kung saan ko hahanapin si Master Ellington!

Sa sobrang inis ko kagabi kay Xander ay nakalimutan kong tanungin sina Emerald kung saan ko mahahanap ang gusali ng mga Darius.

Napangiwi ako.

Sana pumayag na lang ako magpahatid kay Angelo kagabi. Hindi ko pa alam kung saan ko hahanapin ang gusali ng mga Darius!

Hiwa-hiwalay ang mga gusali ng Warriors, Darius, Wulca, Slayn at Mermain.

Kung dati ay halos iisang gusali ang mga grupo, ngayon naman ay kailangan na daw maghiwalay ang bawat grupo para mapigilan ang anumang alitan.

Hindi daw kasi halos magkasundo ang iba't-ibang grupo dahil sa pagpapatagisan ng kanilang kakayahan na nauuwi sa malalang insidente.

Pero sa bawat klase ay magkakasama parin ang iba't ibang grupo sa pag-aaral. Pati yung dating dorm para sa lalake at babae ay hindi na ginagamit. Ginawa na lang itong Infirmary. Bawat grupo ay mga kanya kanyang Guild House na rin bukod sa Lerion House.

Hinawakan ko ang isa kong kwentas galing sa Erries. Napapansin ko na kapag natatamaan ito ng sinag ng araw ay nagiging kasing kulay rin ito ng araw at kapag natatamaan ng liwanag ng buwan nagiging kasing kulay rin ito ng buwan. It is perfectly crafted pero parang may bakas na maliliit na letra sa bato ng kwentas.

Dahil parte ng Ranking Ellimination ang pagkuha ng kwentas sa Erries ay hinayaan na lang sa akin ito. Hindi naman daw gaano kahalaga ang kwentas kaya hinayaan na lang daw nina Master Holt na ibigay na lang sa akin ang kwentas.

Hindi ko maalala kung bakit kusang ibinigay ng Erries ang kwentas. Tumataas parin ang balahibo ko tuwing naalala ang nangyari.

Napatigil ako sa paglalakad nang napansin ko ang isang arko na kulay asul na may nakasulat na "Darius"

May mga puno sa gilid ng daanan. Bawat hakbang ko ay mga bulaklak na nakapalibot sa akin. Parang nabubuhay ang mga halaman kapag nadadaanan ko ang mga ito. Pagkapasok ko sa loob ng gusali ng mga Darius ay nanlaki ang aking mga mata. It is an old stone building!

Nakita ko ang mga estudyante na nagsisitakbuhan sa pagpasok sa isang malaking pintuan na kulay asul. Sinundan ko sila.

Pagkapasok ko ay mas lalong dumoble ang pagkamangha ko. Punong-puno ng mga aklat ang nasa loob. Nakalutang sa ere ang mga aklat na para bang may sariling buhay ang mga ito.

Library yata itong napasukan ko ah.

Lahat yata ng may klase kay Master Ellington sa oras na ito ay pinagsama-sama na nila. Halos nasa isang-daan ang mga lamesa at upuan dito. Umupo ako sa bakanteng upuan sa gitnang bahagi. Nakita ko na napatingin ang iba sa akin.

May bakanteng upuan din na tatlo sa tabi ko pero parang walang nagtangkang umupo malapit sa akin.

May lumipad na aklat sa harapan ko. Nakalutang lang ito. Pinagmasdan ko lang ito at binasa ang nakasulat na pamagat sa libro.

Land of Zerenethia.

At dahil mahilig akong magbasa ng libro kinuha ko ito agad. Ibinuklat ko ito at binasa ang unang pahina. Bawat pahina ay gumagalaw ang mga nakaguhit na imahe.

May nakaguhit na isang lupain na sobrang lawak. May mga taong gumagalaw. Parang nanonood lang ako ng palabas.

Luminga linga ako sa paligid. Wala pa akong katabi hanggang ngayon. Wala pa naman si Master Ellington kaya ibinuklat ko sa susunod na pahina ang libro.

STELLA : The Chosen GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon