Chapter 6

2.9K 181 9
                                    

Teatro ni Haring Derio
City of Lyrea,
Realm of Ellemical

"Hindi magiging madali ang lahat." narinig kong sabi ng Headmistress. "Alam kong karamihan sa inyo ay naglukuksa pa rin sa ngayon ngunit ito ang paraan para maging mas lalo kayong matatag sa haharapin ninyong laban." natahimik ang lahat.

Why, what happened before?

"You don't have to know everything."

Nang napasulyap ako kay Xander, umiigting ang panga nito at nagkakasalubong ang makapal na kilay. Madilim ang tingin niya sa akin na para bang nay nagawa akong hindi maganda.

Umingos ako at nag-iwas na lang ng tingin.

"Students of Ellemical! Sa araw na ito, inaasahan ko kayong gamitin sa mabuting paraan ang inyong kakayahan, be wise but more attentive! You all know your purpose here." nagsimula na naman mag-ingay ang ibang grupo. Tumikhim si Headmistress Lea Kurt  at napatingin sa grupong malalakas ang tawanan.

Grupo ito ng mga Slayn Tribe.

"And Slayny my dear, I'll give you an extra activities after the Ranking Day." mula sa mababang boses ng Heasmistress. Napatigil ang grupo ng mga Slayn Tribe.

Some of them groaned.

"Gusto kong ipamalas ninyo ang inyong husay at galing sa bawat aspeto sa labanan. Ngayon, pwede na kayong pumasok lahat sa Andremo."

Bumakas ang malaking dalawang pintuan mula sa loob ng Teatro na ngayon ko lang din napansin. Umawang ang labi ko. Ramdam na ramdam ko ang malakas na enerhiyang bumabalot sa silid na iyon.

Tinapik ako sa balikat ni Anna. "This room is very magical. It will heightened your strength and senses. The level of your ability will double. Minsan ang iba, sobra sobra pa." she whispered and smiled at me at nauna nang pumasok sa loob ng tinatawag nilang Andremo.

"Stella, stay with me. Iba pakiramdam ko dito." Emerald said it with a worried expression clearly visible on her face. Umiiling si Emerald na nakatingin sa aming harapan.

Pumasok na ang iba at sumunod na rin kami ni Emerald. It was fairly dark, only lit by the candle fires hanging from the walls.

Nang nasa loob na kami ng malawak na silid. Nagbubulungan ang iba. Pero natahimik ako nang inilibot ko ang aking paningin sa buong silid. It's like I've been here before.

Naramdaman kong may tumabi sa akin. Nagkatinginan kami ni Xander. The blaze of fire reflected in our eyes. We were both silent.

Umigting ang panga ni Xander, mariing ipinikit nito ang mata at umalis na sa tabi ko.

Nagtaas ako ng kilay.

What's wrong with him?

Namatay ang nagsisilbi naming liwanag sa silid at bigla kaming pinalibutan ng maliit na bilugang maliwanag. Para silang mga alitaptap. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ganda nito.

Napapikit ako ng mata nang biglang sumabog ng liwanag sa loob ng silid.

At laking gulat ko nang nasa isang malawak na kami ng isang isla. Maraming mga malalaking paru-parong naglalakbay sa himpapawid. Malalaking puno na nakapalibot sa isla. The sky overhead was cloudless and blue but I could see no sign of the sun despite the brightness of the day.

From rusty room to an island. Great! Hindi ako nasabihan!

"Nasa Andremo pa rin tayo pero isang Isla naman ngayon ang napiling ilusyon ng lokasyon para sa Ranking." sabi ni Anna. Halata sa kanyang boses sa sobrang excitement. Hindi ko makita sa mga mata niya ang kaba. As if she was expecting something bigger today.

Nasa tabi ko rin sina Emerald, Sam, Ishmael at Xander. Tumatawa pa si Ishmael na para bang siguradong makakalabas siya dito ng buhay.

Nasulyapan ko pa si Xander. His arms were folded across his chest, exuding an aura of confidence and power.

I rolled my eyes.

Paano ako makakasurvive?

Just focus.

That voice again. Sinulyapan ko si Xander. Nakatingin din ito sa isang malaking paru-paro.

"Stella, hangga't maaari stay with me ok?" si Emerald. Muli nitong paalala.

"Kailangan mong maging alerto Stella, we still don't know your ability. Mukhang papahirapin nila ang Ranking ngayon. Maari kang mapahamak. Just stay with me ok?" pagpapatuloy nito.

Bigla tuloy akong nakaramdam ng takot at pagkabahala. Ayokong maging pabigat kay Emerald.

"I shouldn't come here." malungkot kung sabi. "Ouch!" nakatanggap naman ako ng isang batok mula sa kanya.

"Baliw! Magkaibigan tayo diba kahit kakikilala lang natin."

"Eh, hindi ko pa talaga alam kung makakaya ko ito. Back out na kaya ako?" pagbibiro ko.

"Bakit ka magbaback-out?" isang malalim na boses ang galing kay Xander. Hindi ako kumibo sa kanya.

"Wala yun Xander!" si Emerald. Hinawakan ko ang kamay ni Emerald. Aaminin ko na lang sa lahat na wala talaga akong ability. Tutal nakaapak na ako dito, anytime pwede naman na ako makaalis dahil hindi ako magkakaroon ng rank dito sa Ellemical nang walang ability.

"Wala akong special ability." determinado ako sa sarili ko. Ayaw ko ang magpanggap.

"Huh?" sabay na sabay na lumingon sina Sam, Angelo, Anna at Ishamael.

"That's impossible Stella!" Anna said. "Hindi ka makakapasok ng basta-basta dito sa Ellemical Academy nang walang ability."

"She doesn't know it pa Anna." mahinang sabi ni Emerald. Halata sa kanya ang pag-aalala.

"Then, I don't want to hear those words again, Campbell. Wag kang magback out kung nandito ka rin lang naman!" malakas ang pagkakasabi nito ni Xander at umalis.

Kanina pa 'yon.

"Oo nga Stella, kaya mo yan! Tulungan ka namin." Sam smiled at me widely.

I can't believe it! Mukhang makakadagdag pa ako sa alalahanin nila.

Isang boses ang umalingaw-ngaw sa aming kinatatayuan.

"Students of Ellemical! Be ready, kailangan niyong ipakita na ang kakayahan ninyo sa pakikipaglaban. Back to zero lahat ng rank ninyo." I heard students groaned. "May mga makakalaban kayong nilalang. Tataas ang rank ninyo depende sa dami nang inyong makakalaban...."

May mga imahe sa kalangitan na ipinapakita ang bawat halimaw na makakalaban. There's a lot of monster with a different color. Kinabahan ako. How will I able to fight those monsters? Bloody hell!

"Makakapasok lang kayo sa Super Class Guild kapag nalagpasan ninyo ang Rank 30 or a total of 1,000 points. "

I heard students groaned. May iba nagmumura at inis na inis.

"Sabi na nga ba eh, tinaasan nila. Ang daya!" pagmamaktol ni Anna.

"Bakit, ilang points ba dati?" tanong ko.

"500 points lang dati. Pero ngayon tinaasan pa. Argh!" inis na inis na si Anna.

"Kung sino ang makakakuha ng suot na kwentas ng isa sa mga makakalaban ninyo ay  makakatanggap ng espesyal na regalo." boses ni Master Holt naman ang umalingaw-ngaw sa paligid.

"Nakakaexcite!" naghigh-five sina Sam at Ishamael.

"Students of Ellemical Academy! Magsisimula na ang Ranking Ellimination. Maghanda na! Good luck!" boses ni Headmistress.

At nagsilabasan na ang mga halimaw sa aming harapan.

Oh no!

Author's Note:

Hope you like this one.  Please don't forget to click the little star in every chapters!

You can also leave your comment here: Twitter @mightypam_wp

STELLA : The Chosen GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon