Chapter 12

3.1K 166 10
                                    

Ellemical Academy, Battlefield
City of Lyrea,
Realm of Ellemical.

After class with Master Ellington, I attended my Physical Activity Class with Master Travon of Slayn Tribe.

Dumiretso ako agad kung saan ang tinatawag nilang battlefield. Napasinghap ako nang makita ko ang mga estudyante na nag-eensayo na.

Napansin ko ang ginawang pagtigil ng iba nang makita akong naglalakad. Nakarinig ako ng tawanan sa paligid. Some of them lifted their head, sniffing the air.

I gritted my teeth.

"Newbie." I heard someone growled.

Nakaramdam ako ng pangamba at pagkairita. But I convinced myself not to panic. I just need to learn how to blend with them. I will definitely learn the basics of self-defense. Kahit pa mismong mga warewolves pa ang magturo sa akin.

Last time, nahirapan akong makisama sa mga kaklase  ko dahil ang iba'y magagaling na. Ang iba naman ay hindi nila ako pinapansin. And that's good. Kaya ang dapat kong gawin ay makinig ng mabuti sa lahat ng discussion para hindi ako mapahiya.

"Ms. Campbell, maliban sa pag takbo...ano pa ang pwede mong gawin para makalaya sa kamay ng kalaban?"

My lips parted. Nakaupo kami ngayon sa damuhan. Master Travon immediately started his class with a question.

"Umatras." nagtawanan ang lahat sa sinabi ng isang lalake. Tall, dark and yes, he is a warewolf.

"Silence!" mula sa mababang tono ng boses ni Master Travon, natahimik ang lahat. But still the dark guy smirked at me. Hindi matanggal ang titig nito sa akin.

"I-I'll fight." I lied.

Nakarinig ako ng pagsipol. "Feisty." the dark guy said.

Master Travon surprisingly smiled at me. Hinawakan nito ang baba na para bang nag-iisip.  "That's good." puri nito sa sinabi ko. Kinabahan ako sa tingin niya.

I bit my lip. I'm excellent in academics at kahit wala akong ability na maipakita sa kanila, I'll do my best.

"What will you do when your opponent is not attacking?" Master Travon ask again. Sa akin parin nakatuon ang atensyon ng propesor.

"Master, still we attack." Roderix answered.

"Oo nga! Baka maunahan!" nagtawanan ang lahat maliban sa akin. Pero di ba kapag ganun, mas mabuting maghintay sa pag-atake?

"Tama!" Master Travon exclaimed and smiled at me. "Mas mabuti ang maghintay, let them attack first before we defend our territory. Kung hindi man sila umaatake, magkakaroon tayo ng oras para makagawa  agad ng plano kung paano natin madedepensahan ang territory natin."

Pero paano kung ganoon din sila mag-isip? Mananalo ba?

"And yes we can win if we're fighting together. Kahit sino pa ang maunang umatake, kailangan parin manalo sa laban." Master Trevon explained. Parang sinagot din ang tanong ko.

I almost forgot, he can read mind too. Napanguso ako.
Nagpatuloy sa klase si Master Travon at ako naman ay nalilito na sa mga sinasabi nito, mas lalo lang akong kinabahan nang sabihin nitong magkakaroon ng Defend and Destroy Physical Activity sa mga susunod na araw.

Marami akong nakilalang mga warewolves. At first natakot ako sa mga transformation nila tuwing nagsasanay sila pero unti-unti na rin akong nasasanay na makita sila sa ganoong transformation.

Unti-unti ko nang nagugustuhan ang mga pinag-aaralan ko dito. Lalo na ang Physical Activity. Bukod sa mga Warewolves nakakahalubilo ko na rin ang mga witches, warlocks and healers from the Mermain Troop. As a newbie hindi ko naging kaklase sina Emerald because they're part of Super Class Guild. Iba ang level ng kanilang class. At dahil baguhan ako kailangan ko parin pag-aralan ang mga basics.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

STELLA : The Chosen GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon