₰
Lerion House
City of Lyrea,
Realm of EllemicalI fell back onto the four poster bed, the mattress sunk under my weight.
Hindi ako makapaniwala. Sobrang lawak ang Lerion House. Ganito ba talaga ka-espesyal ang mapabilang sa Super Class Guild?
Pinasadaan ko ng tingin ang bawat sulok ng kwarto. White and brown dominated the whole room. Medyo may kalumaan na rin ito. Natatakpan ang mga malalaking bintana ng makakapal na kurtina. May berdeng karpet, may maliit na chandelier at maraming nakadisplay na larawan sa dingding.
Bumagon ako at nilapitan ko ito isa-isa. May litrato dito na nakasulat ng Fall Season at ang mga Masters ng Ellemical Academy ang nasa larawan.
Naalala ko pala na ako ang huling batch for Autumn Season. May kasabayan ba ako? Wala naman akong napapansin.
Napako ang tingin ko sa isang larawan na may pitong naggagandahan at naggwagwapuhang tao. Kakaiba ang mga suot nila. Halatang mga may dugong bughaw ang mga ito dahil sa pananamit, mga mata at tindig. Medyo may kalumaan na rin ang larawan. Sino kaya ang mga ito?
Naisipan king magtungo sa isang pintuan. Siguro iyon na ang magiging banyo ko. Maayos at organisado ang mga kagamitan sa banyo.
Hanggang ngayon naiilang parin ako sa mga ganitong kagarang bagay. Pansamantala lang ito kaya susulitin ko talaga!
Nasa gitnang bahagi din ang napakalaking bath tub. May isa pang pintuan sa gilid tapat ng malaking salamin.
Pumasok ako at laglag ang panga ko sa nakikita ko. May dressing room pala dito. Hiwalay ang mga magagarang damit, sapatos, bag at accessories.
Napangiwi ako sa nakikita. Kanino kaya ang mga ito?
"Sa iyo lahat yan Miss Campbell.."
Napalingon ako sa aking likuran. "K-kayo pala Madame Lucia." Nakakabasa rin ba siya ng pag-iisip?
"Yes Miss. Telepathy ang special ability ko." she said. Halos mapatalon pa ako sa narinig ko.
Malawak ang ngiti nitong lumapit sa akin. "Halika na. Pinapatawag kayong lahat para sa panghimagas na ginawa ng asawa ko."
Lumabas kami ng kwarto at nagtungo sa komedor. Napasulyap ako sa fireplace. Naalala ko si Lolo at Lola. Lagi nila akong pinapakanta sa harap ng fireplace.
Those memories.
"Hey, babe! Let's eat" yaya ni Ish at agad namang binatukan ni Anna si Ishmael.
"Aray! Problema mo?" at nagsimula ng magbangayan ang dalawa.
Pailing iling na lang ako. Pagkaupo ko binigyan ako agad ng prutas ni Sam. Katabi ko pala siya sa kanan ko.
I mouthed 'thank you' and he flashed a smile.
Sa kaliwa ko naman si Angelo. Tipid itong ngumiti sabay abot ng isang basong tubig. Hindi rin pangkaraniwan ang mga baso dito.
"S-salamat.."
"Ehem.." si Emerald. I looked at her. Katapat ko siya. Ngumingiti ito ng nakakaloko.
Umiling ako.
Tahimik lang kaming kumakain maliban kay Ishmael at Anna. Parang aso't pusang nag-aaway.
Napadako ang tingin ko kay Xander. As usual, seryoso ang mukha habang kumakain. Bago pa magtama ang aming mga mata agad akong nag-iwas ng tingin.
Pagkatapos namin kumain ng panghimagas nagyaya sina Ishmael na umupo sa living room. Magkatabi sa mahabang sofa sina Emerald, Anna, Ishmael at Sam. Si Angelo naman ay nakaupo sa hiwalay na upuan. Habang ako naman ay mas pumiling umupo sa sahig malapit sa fireplace. Nilalamig kasi ako. Naramdaman ko rin umupo si Xander sa katabi kong Wing chair.
"Kailan pala simula ng totoong klase natin?" tanong ko sa kanila.
"Here's your schedule. Kailangan mong puntahan si Master Ellington." iniabot sa akin ni Emerald ang isang pirasong lumang papel.
Master Ellington?
Binasa ko ang nakasulat.
Mariestella Campbel;
Class: Super Class GuildYour classes starts exactly at 8 a.m.
First: 3 hours class for History under Master Ellington of Darius. Monday only.
The remaining hours: TRAINING
Second: 4 hours class for Spell Casting under Master Blaine of Wulca. Tuesday only.
The remaining hours: TRAINING
Third: 4 hours class for Physical Activity under Master Travon of Slayn with Master Maddox of Mermain. Wednesday only.
The remaining hours: TRAINING
Fourth : whole day class for Elemental under Master Holt of Warriors (Super Class Guild only) Thursday,Friday and Saturday.
Sunday: Rest
I sighed.
Una kong inisip kung ano ang gagawin ko sa mga bakanteng oras ko. I'd rather read books kaysa mag-babad sa training.
"Magkaklase tayo kay Master Holt. 'Yan ang privileged natin as part of Super Class Guild. Ang ibang subjects mo naman ay hindi ka namin masasamahan. May mga kaklase ka naman na iba kaya no worries. Newbie ka palang kasi kaya kailangan mong humabol." Emerald explained.
"Bukas ka na magsisimula." Anna added.
Pero.
"Ok lang yan baby..ihahatid kita bukas! Ililibot pa kita!" Sabay kindat sa akin ni Ishmael.
"Ha...eh.."
"No. Ako na maghahatid." Halos lahat kami ay sabay sabay na napatingin kay Angelo. He's smiling at me. My cheek suddenly felt warm.
Then everyone instantly smiles around me except Xander of course. Sumulyap ako ng bahagya kay Xander. His eyes are dark as he gazes down at me intensely.
Tumingin ulit ako kay Angelo as if he's waiting for me to answer him. "Nakakahiya naman Angelo..kahit wag na lang. Kaya ko na sarili ko." I assured them with a smile.
"Are you sure?" si Emerald. "Hindi kasi kita maililibot bukas. May pinapatapos kasi ang Headmistress kasama si Anna."
Tumango ako. "Ayos lang...talaga." sabay tingin kay Xander.
Tumayo si Xander.
"She can do it alone. Hindi na siya bata para samahan pa."
BINABASA MO ANG
STELLA : The Chosen Guardian
FantasyDo you accept this symbol of our realms? To train, to fight for this Kingdom? Will you stay and never run away? Then arise! Take this ring as a sign of your services and fidelity in the name of Sellean. You may now fulfill your duty.