₰
Ellemical Academy
City of Lyrea,
Realm of Ellemical.Halos malaglag na ang panga ko habang pinagmamasdan ang loob ng Academy. Pinapasok ako sa loob. Natulala lang ako dahil sa sobrang lawak ng paligid.
Sobrang ganda!Nakita ko rin kung gaano kaganda ang mga kulay berdeng karpet. Hiyang-hiya naman ang maruming sapatos ko na apakan ang karpet. Nakakasilaw ang liwanag sa bawat sulok. Pati ang mga malalaling larawan sa dingding ay halos kumikinang ang mga ito. May mga nakasulat na pangalan sa ibaba nito. Marahil sila ang mga kinikilalang mga tagamahala ng Ellemical.
Makikita mo sa gitna ng entrada ng paaralan ang pabilog na bukal. Umaagos paitaas ang tubig. May nakatayong rebulto sa gitna nito, isang batang babae na may korona sa tuktok ng ulo. Nakataas ang dalawang kamay at sa mga palad nito lumalabas ang tubig. Ang ganda niyang pagmasdan.
Agad rin akong tumingala sa taas ng gusali. A large old fashioned chandelier hung that ran down the centre of the ceiling. It dripped with the best cut diamonds.
Bale wala yata dito ang maliliit na bagay. Halos lahat ng kagamitan dito ay malalaki ang sukat.
Pinagmasdan ko ang bawat paligid. Sa likod ng bukal ay may magkahiwalay na malalaking hagdan.
Tama ba itong napasukan ko? Para sa mga maharlikang tao lang yata dito. Hindi talaga ako nababagay dito. I'd rather leave. Tumalikod ako.
Akma ko na sanang hihilain ang aking maleta nang may nagsalita.
"Ikaw na ba si Mariestella?" humarap ako sa nagsalita. Isang napakagandang nilalang - with dark gray eyes with shoulder level hair na bumagay sa puting buhok nito. Mukhang kasing-edad ko lang ito. Nakasuot ng bestida na kulay berde hanggang tuhod. Bagay na bagay sa kutis nito ang suot ng babae dahil maputi ito.
Her eyes was almond shape.
Ngayon lang yata ako tinamaan ng hiya nang dahil sa suot ko na simpleng skinny black jeans at lose shirt na puti. Nakasuot lang ako ng puting rubber shoes.
"Ah eh, ako nga." Nahihiya kong sabi.
"Finally, Mariestella Campbell?" pati ang boses ang ganda.
Agad akong napatango. "I'm Emerald." tipid nitong pagpapakilala sa sarili.
"Tara sunod ka sakin. Ihahatid na kita kay Madame Haley at kay Headmistress para sa instructions." Mula sa harap ng malaking pintuan ng entrada ng Academy - lumiko kami sa kanan at naglakad sa may mahabang hallway. Puro mga paintings at litrato ang nakikita ko na nakakabit sa dingding. Magkabila. Tanging tunog ng aming yapak ang naririnig dahil sa katahimikan ng paligid.
Tumigil kami sa isang mahabang pinto. Nakasulat ang 'Office of Ellemical Academy' kumatok ang babaeng kasama ko.
Agad naman na nagbukas ang pinto. Pero walang taong nagbukas. Nagtaas ako ng kilay.
Pagpasok ko sa loob ng opisina. Nakita ko ang isang matandang babae na nakapusod ang kulay pulang buhok na sobrang pula ang labi at may makakapal na kolorete sa mukha. Everything about her outfit is red. Sumisigaw sa karangyaan.
"Madame Haley, nandito na po si Miss Mariestella Campbell." pahiwatig ni Emerald.
Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa babae na nasa harapan namin.
Umiinom ito ng dilaw na likido, habang nakatingin sakin. Pinasadaan niya ako ng tingin mula itaas hanggang ibaba.
Narinig kung tumikhim si Madame Haley. "Ms. Campbell right?" taas kilay nitong tanong. Napansin ko rin ang sobrang nipis niyang kilay. Lahat, iisipin mo talagang parang ginuhitan lang ng isang linya ang kilay nito.
BINABASA MO ANG
STELLA : The Chosen Guardian
FantasyDo you accept this symbol of our realms? To train, to fight for this Kingdom? Will you stay and never run away? Then arise! Take this ring as a sign of your services and fidelity in the name of Sellean. You may now fulfill your duty.