DISKUMPIYADO

380 3 0
                                    

Kailangang-kailangan ng batang si Nonong ng sampung piso para ibayad sa librong kanyang nawala. Dahil walang maibigay ang nanay niya, gumawa na lang siya ng sulat para kay Jesus at iniwan niya sa altar ng simbahan.

Nonong: Dito ko na lang ilalagay ang sulat para makita agad ni Jesus. Mamayang makapananghali ko na lang babalikan, baka sabihin ni Jesus eh apurado ako, magalit pa iyon.

Hindi alam ni Nonong ng nakita pala siya ng pari. Binasa ng pari ang sulat at...

Pari: Kawawa naman ang bata. Siguro'y mahigpit ang pangangailangan niya sa pera. Bibigyan ko nang maski pitong piso at palabasin kong kunwari ay galing kay Jesus.

Pagbalik ni Nonong sa simbahan...

Nonong: Aba! Ambait talaga ni Jesus! Pero bakit pitong piso lang?

Gumawa ulit ng sulat si Nonong...

Dir Jesus,
Kanina po'y sumulat ako sa inyo na humihingi ng sampung piso para ibayad ko sa librong naiwala ko. At kayo po naman ay nagbigay. Pero gusto ko lang pong malaman ninyo na pipitong piso na lang ireng natira. Sa susunod po'y ibibigay n'yo sa 'skin nang personal. Wag n'yo nang paraanin sa pari.

Halakhak(Tagalog Jokes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon