YAYAMAN NGA

1.2K 24 0
                                    

Nagsiklab agad sa galit si Don Natoy nang sa kanyang pag-uwi nang hapong iyon ay abutan niyang bisita na naman ng namumukod niyang anak na dalaga ang nobyo nitong si Periko.

Don Natoy: Aha!...Ako ba'y talagang hinahamon mo binata? Maliwanag ang sinabi ko sa iyo noon na ayaw na kitang makikitang dumadalaw pa sa aking anak, dahil ang nais kong mapangasawa niya'y isang ring mayaman at hindi basurerong tulad mo!

Periko: Relaks lang Don Natoy. Matutupad ang inyong nais. Yayaman din ako!

Don Natoy: I-ikaw, yayaman?

Minalas ng Don mula ulo hanggang paa si Periko. Saka malakas na humalakhak pagkatapos.

Don Natoy: Pinatatawa mo ako, binata. Bakit naipagbili mo na ba'ng mga bulok na basurang 'yong tinipon?

Periko: Hindi 'yun ang ibig kong sabihin Don Natoy. Pinabababa naman n'yo akong masyado!

Don Natoy: Kung hindi...papaano ka naman yayaman aber?

Periko: Kapag nakasal na po kami ng anak n'yo at kayo'y mamatay!

Don Natoy: A-ano?..

Hinimatay ang Don sa pagkabigla.

Halakhak(Tagalog Jokes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon