AYAW PAPIGIL

1.3K 26 0
                                    

Sakbibi ng kalungkutan si Tikang dahil sa maagang pagyao ng kanyang asawang si Simo.

Tikang: Hu-hu-hu! Simo bakit mo ako iniwan?

Inalo siya ng kanyang bayaw na si Betong.

Betong: Tama na Tikang. Lahat ng tao ay mauwi riyan. Una-una nga lang.

Nang ilibing ang asawa ni Tikang ay...

Tikang: Simo sasama ako sa iyo, hu-hu-hu!

Betong: O tama na Tikang, baka ka mahulog

Tikang: Bitawan mo ako Betong! Sasama ako kay Simo! Bitiwan mo ako sabi e!

Ayaw papigil si Tikang. Nabitiwan siya ni Betong at tuloy-tuloy na nahulog sa hukay.

Tikang: EEEEEEEK! Tulungan ninyo ako! Ayaw ko pang mamatay!

Betong: Palpak!

Halakhak(Tagalog Jokes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon