SAGOT LANG

5.1K 46 0
                                    

Guwapo si Torkuwato, Macho ika nga pero lasenggo. Lagi itong nasa kanto at nagmumumog ng marka demonyo. Minsan, may binili sa tindahan ang matandang dalaga si Bruna. Napansin nito si Torkuwato habang tumutungga.

Bruna: Bakit ka ba naglalasing Tor?

Mapulang-mapula na si Torkuwato.

Sumagot ito.

Torkuwato: Kasi, hik, kahpag ako'y lashing, ang lahat nang makihta kong babae'y mahganda, hik!

Napangiti si Bruna. Tumaas ang dalawang kilay. May dinukot sa bulsa.

Bruna: Haayy! Ganon ba? E dagdagan mo pa ang nainom mo, etong pera o . . .

Halakhak(Tagalog Jokes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon