WALANG MATINO SA LABAS

1.2K 22 0
                                    

Isang luko-luko ang tumakas sa ospital. Apat na araw siyang pinaghanap ng mga tauhan ng ospital ngunit hindi siya natagpuan, nang dumating ang ikalimang araw ay kusa siyang bumalik at agad nagtungo sa opisina ng direktor ng ospital na takang taka pagkakita sa kanya.

Direktor: Tikyo, kamusta ka? Mabuti nagbalik ka!

Tikyo: Di po mabuti, direk. Pangako, hindi na po ako tatakas ulit.

Direktor: Bakit, hindi mo ba nagugustuhan sa labas?

Tikyo: Naku,hinding-hindi po! Gan'on po pala ang mga tao sa labas, puro luku-luko! Sa apat na araw na itinigil ko doon, wala ni isa man lamang akong nakausap na matino! Hindi ko po maintindihan ang kanilang mga sinasabi, kaya bumalik na po ako dito.

Direktor: Naku! Ang lagay palang iyon ay siya ang matino!

Halakhak(Tagalog Jokes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon