Kiel’s POV
Pumayag na ko na maging part ng pageant. Elimination pa lang naman sa kung sino ang ilalaban bilang representative ng department namin eh. Pero ayoko pa din ng atensyon.
Nagpatawag na ng practice para sa mini pageant for med tech department at aminado ako, ayokong pumunta. Tumambay muna ako sa canteen, pero naalala kong nangako ako kay Mika na pupunta ako, kaya nagsimula na kong maglakad papuntang auditorium.
“mr. Rodriguez?” tawag ni sir louie na naghahandle ng pageant.
Start na ata ang roll call. ‘patay’late ako.’
“Mr. John Kiel Rodriguez?” tawag ulit nito habang papasok na ko ng pintuan ng auditorium.
“here sir. Sorry for being late” special entrance ako kaya naman nakatingin lahat sa kin ang iba pang mga contestant.
‘shit’ nakakahiya eh. Umupo na ko agad habang tinatawag pa nya ang ibang mga kasali.
Lumingon ako sa paligid para makita ang mga itsura ng mga kasali. At nakita ko si ms. Sungit na nakabunggo ko nung first day. Kasama nya yung BF nya ata na mukhang makakalaban ko pa,pero imposible kasi iba ang course nun,for support lang siguro. napatingin din sa kin si ms. Sungit kaya naman napaiwas ako ng tingin at nagkunwaring seryosong nakikinig kay sir louie.
May partnering na magaganap. Ndi ko balak pakinggan ang partner ng iba, kaya naman hinintay ko lang matawag ang pangalan ko. Medyo madaming kalahok sa pageant kaya tapos alphabetical pa sa pagtawag, kaya naman medyo matagal pa hinintay ko para sa pangalan ko.
“ Ms. Romualdez, your partner will be Mr. Rodriguez”
‘Mr. Rodriguez, hmm ako yun ah.. sino daw partner ko? Ms. Romualdez? Sino kaya yun?’
Natapos na ang pag papartnering kaya naman pumunta na kaming lahat sa back stage.
Hahanapin ko sana ang partner ko pero nakita ko si Ms. Sungit na papalapit.
“mr. Rodriguez right?” tanong nya sakin.
Napatango lang ako. Baka kung ano na naman ipambara nito sa kin o kaya sabihin. Mahirap na.
Napailing sya, dahil tumango lang ako.
“I’m Shaine Romualdez, siguro dapat kang magpraktis magsalita” ayan na naman sya
‘shit,sya si Ms. Romualdez? Naman oh’
Shaine’s POV
‘This is it’ yeah eto na talaga to. Nagpatawag na ng practice yung department naming para sa pageant. Though elimination palang ang mangyayari at mini pageant pa lang ang masasabakan ko. First time ko to pero tiwala lang. mananalo ako.
Sa sobrang excited ko, pumunta na ko agad sa auditorium. Wala pa nga halos tao eh.
“ui Shaine, nandito ka lang pala, sasabay sana ako sayo eh nauna ka pala.” – Clarence, supportahan nya daw ako eh.
“haha. Sorry naman, naexcite ako eh.” Napatawa ako sa kaataran ko. Nagdatingan na din yung ibang contestants.
Dumating na si sir louie at nag roll call. Smooth naman ang pagtawag sa mga pangalan since halos lahat ata ay nasa auditorium na, hanggang sa may inulit si sir na pangalan.
“mr. Rodriguez?” pag ulit nito ng walang sumagot sa unang tawag
“Mr. John Kiel Rodriguez?” feel ko huling ulit na to. Sino ba yung lalaking yun? VIP eh
“here sir. Sorry for being late” may pumasok sa auditorium. Familiar sya ah. Pero di ko na pinansin. Special entrance ang peg ni kuya.
Nagging curious talaga ako dun sa familiar na mukha kaya nilingon ko ulit yung Mr. Rodriguez na nag special entrance kanina. Nagulat ako nung makitang nakatingin din sya sakin. Umiwas na sya ng tingin at nag focus sa sinasabi ni sir louie. Kamukha nya si Mr. Nerd.
Nag explain pa si sir ng konti bago inarrange nya ang partnering.
‘haist, alphabetical order. Mamaya pa yung pangalan ko nyan’
Maya maya pa ay natawag na ang pangalan ko.
“Ms. Romuladez, your partner will be Mr. Rodriguez”
Hmm. Si Mr. special entrance ang patner ko. Natapos ang pag aarrange kaya nagpunta na kaming lahat sa backstage.
Nahanap ko agad si Mr special entrance este Mr. rodriguez kaya lumapit ako sa kanya. Habang papalapit ako, ‘Oh Em, sya nga si Mr. Nerd, kaya kaya ako nitong partneran? Baka matalo ako dahil sa kanya a’
“mr. Rodriguez right?” tanong ko sa kanya. Paninigurado lang. hindi sya nagsalita. Tumango lang sya. ‘Confirmed’ sya nga si Mr.Nerd.
“I’m Shaine Romualdez, siguro dapat kang magpraktis magsalita” nakakainis. Parang pipi pa tong partner ko. Nakita ko namang nagulat sya.
‘kaya mo yan Shaine, kaya mo yan’
YOU ARE READING
Fate or Faith? (I'm just for you) [on hold]
Romantikhere's Kiel. a super rich guy. pero ayaw nyang ipangalandakan na mayaman sya. He wants to live a simple life. Baket? kasi dun naman sya nag umpisa. isa lang naman ang dahilan kung bakit sya yumaman. it's because he became a broken hearted man. sino...