Kiel’s POV
Sa sobrang dami ng nangyari ngayong araw ay dali dali na lang akong nagpalit ng pantulog.
Paglabas ko sa Walk in closet ko, ay nakita ko agad si Shaine. Tulog na siya. Pero bakit parang nanginginig sya?
Nilapitan ko sya, at tama ako. Nanginginig nga sya.
Kinumutan ko sya, tapos ay hinipo ko ang noo nya.
“What the? Ang taas na naman ng lagnat nya”
Tatayo na sana ako para kumuha ng bimpo at tubig pero hinawakan nya ang kamay ko.
“dito ka lang. Wag mo kong iwan please.”
Tulog sya, pero nakakapagsalita sya?
“kukuha lang ako ng bimpo at tubig”
Sabi ko. Baka kasi naririnig nya ko.
Pero lalo lang nyang hinigpitan ang kapit sa kamay ko. Kinuha ko na lang yung isang unan at ginawa kong sandalan habang nakaupo sa tabi nya. Di lang nya ngayon hawak an kamay ko, nakayapos na sya sa buong braso ko. Ang init nya.
“haist, gusto ko pa man din sanang matulog, pero mukhang babantayan kita ngayong magdamag.”
Inilagay ko sa likod ng tenga nya yung mga hibla ng buhok nya tumatakip sa mukha nya.
“mukha kang anghel pag tulog”
Napapangiti ako.
Kinuha ko na lang yung iTouch ko sa may drawer sa side table pati na rin earphones. Nag soundtrip ako habang tulog sya. Napapakanta ako sa ibang tugtog, mukha din naman kasing mahimbing ang tulog ni Shaine, kaya ndi sya magigising.
Nawala na ang antok ko. At medyo ndi na nakayapos si Shaine sa braso ko. Maya maya pa’y umiikot sya sa kama at nakaharap sa kabilang side. Chance ko na para tumayo.
Tatayo pa lang ako pero bigla ulit syang pumaling sa side ko. Nahagip ako ng braso nya. Ngayon naman, yapos yapos na nya ko. >///<
No choice na ko. Tinatanggal ko yung braso nya, pero mahigpit eh. Tapos ang init init pa nya.baka mamaya mabalian ko tong babaeng to.
Humiga na lang ako. hindi ako makagalaw. Pinatong nya yung ulo nya sa dibdib ko. Ramdam ko ang paghinga nya.ako naman, sinuportahan ko ng braso ko yung ulo nya. At saka ko sya hinatak palapit sa kin.
---------------------------------
Bahagya akong nakatulog, nung magising ako, 4 na ng umaga. Di nagbago yung posisyon namin. Nakayapos pa din sakin si Shaine.
Medyo komportable naman na ko. Ewan ko ba kung bakit.
Sinalpak ko ulit sa tenga ko yung earphones ko at nagpatugtog.
Maganda yung tugtog kaya sinabayan ko ng kanta.
NP: Lego House
I'm gonna pick up the pieces,
And build a Lego house
When things go wrong we can knock it down
My three words have two meanings,
There's one thing on my mind, it's all for you
Naalala ko na naman yung dati. Akala ko, maayos ko pa yung ‘kame’. Pero siguro may mas worthy na darating sa buhay ko.
And it's dark in a cold December, but I've got ya to keep me warm
And if you're broken I'll mend ya
YOU ARE READING
Fate or Faith? (I'm just for you) [on hold]
Romansahere's Kiel. a super rich guy. pero ayaw nyang ipangalandakan na mayaman sya. He wants to live a simple life. Baket? kasi dun naman sya nag umpisa. isa lang naman ang dahilan kung bakit sya yumaman. it's because he became a broken hearted man. sino...