Kiel’s POV
Masyado syang nanghina. Tapos ramdam ko na mainit sya. May sakit sya. Medyo basa yung uniform nya eh. NAKO talaga. Baka ipatanggal ko talaga yung mga yun.
Isinakay ko sya sa may kotse. Pinahiga ko sya sa backseat at tsaka ako nagmaneho papunta sa kanila. Minsan ko na din naman syang nahatid eh. Pero pag dating ko sa bahay nila, patay lahat ng ilaw.
Hinanap ko yung phone nya, baka kasi may nag message sa kanya. Pero nung nakita ko yung phone nya. Lowbatt pala.
Kumuha ako ng charger at chinarge yung cp nya. Parehas naman kami ng unit ng phone kaya di masisira yung unit nya. Pagbukas ko nung phone, sunod sunod ang message sa kanya
Tiningnan ko ang inbox nya, pero hinanap ko lang yung mukhang mahalagang message. Nakita kong may mga txt sya galing kay Clarence, pero di ko yung binasa.
Ayun.
From: Mama (mama ni Shaine)
Nak, wala kami sa bahay ng daddy mo ha. May aasikasuhin lang kami out of town. Mag ingat ka mag isa sa bahay ha. Mga 3 days din kaming wala.
-End of message-
Psh. Walang kasama to sa bahay nila. Tapos may sakit. Saan ko naman to ilalagay?
“bahala na nga”
Nagmaneho na ko papunta sa opisina.
Huminto ako sa parking lot ng building naming. OO. AMIN. May unit din ako dito, in case di ako makauwi galing sa mga meeting at syempre, nandito din ang main office namin. Pati mga materyales na iniimport at export naming ay nandito.
“Good evening sir”
Bati sakin ng isa sa mga staff sa may lobby.
Buhat ko pa din si Shaine. Pinag titinginan kami. Ikaw ba naman, CEO ka ng isang kumpanya tapos ang dungis mo?
Pasara na ang elevator ng makita ako ni Ken.
“ay sir, mga 8 daw po start ng meeting nyo.”
Tiningnan ko ang relo ko. 6:30
“ok. Mag aayos lang ako. Magpadeliver ka ng pagkain sa unit ko. Good for two. At magpadala ka na din ng gamot at damit pang babae, tapos pwede ka ng umuwi.”
“Sige po. Kiel, sa unit ka po niyo tutuloy muna?”
“oo, panigurado matatagalan ako sa meeting na to”
“Sige po”
Umalis na sya. At sa wakas, nakaandar din ang elevator.
Nasa pinaka tuktok ang unit ko, at pinasabi ko na walang iistorbo sa elevator na sinakyan ko. Para dre direcho na. PAGOD na kasi ako. May isa’t kalahating oras na lang ako para sa meeting.
----------
Pagpasok ko ng unit ko, una kong hinanap ang kwarto. GRABE, iisa nga lang pala kwarto ko dito. Sa sofa na lang ako matutulog mamaya.
Naalala kong medyo basa pa pala ang damit nya. Pero di ko naman sya pwedeng paltan ng damit >///< ayokong matawag na manyak noh.
Kinuha ko yung service phone at tumawag ng isang babaeng staff namin.
Ilang minute pa nakarating na yung pinatawag ko.
Nakabihis na din ako ng pambahay. Para marelax
“Good evening sir, what can I do for you?”
“uhmm..yung kaibigan ko kasi, basa ang damit nya, tapos may sakit sya, pwede ba ikaw ang magpalit ng damit nya?” >///<
“po?”
“paltan mo ng damit yung kaibigan ko. May nilagay na kong tshrt at pants sa tabi nya. Please naman. Bibigyan kita ng tip. Ayoko lang kasing..”
“ahh.. naiintindihan ko po. Grabe, hanga ako sa inyo sir, yung iba dyan baka may gawin pa sa babae pag alam nilang walang laban. Sige po sir, paakyat na din po pala yung pagkain, gamot at damit na pinabili nyo.”
Pumasok na sya at pumunta sa kwarto kung saan ko pinagpapahinga si Shaine. Dumating na yung mga pinabili ko. At matapos ang ilang minuto, lumabas din yung staff ko.
“heto oh. Salamat sa tulong.”
Inaabutan ko sya ng maliit lang na tip.
“ay sir, wag na po. Natutuwa naman po ako sa inyo eh. Mabait kayo sa mga babae kaya ayos lang po sakin. Tabi nyo nap o yan”
At umalis na sya.
----------------------------------------
7:00 na at tapos na kong kumain. May isang oras pa ko. Pero di pa nakakakain si Shaine.
Dinala ko yung pagkain sa kwarto at kahit ayaw ko eh ginising ko sya.
“Shaine? Bangon ka muna. Kain ka tapos inom ng gamot.”
Pero wala ata syang naririnig.
“Shaine?” pinitik ko sya sa tenga at ayun.
“hmmm”
Pupungay pungay syang dumilat.
“Kiel? Teka nasaan ako?”
Umupo sya at tinulungan ko sya para sumandal sa headboard na kama.
Yumuko sya at nanlaki mga mata nya.
“SHIT! Ikaw nagpalit ng damit ko?” sabay takip nya ng kumot sa katawan nya
-__-
“eh ano naman kung ako -__-“
*slap*
“arghh. Hindi ako nagpalit ng damit mo. Kaya pwede ba? HINDI ako MANYAK! Kung yan ang iniisip mo”
Tumayo na ko pero hinawakan nya yung kamay ko.
“dito ka muna please. Sorry na. nagulat lang naman kasi ako eh “ nakatungo sya.
Umupo ako sa tabi nya at kinuha ko yung pagkain at gamot nya.
“heto oh. Kain ka muna, tapos uminom ka ng gamot.”
“eh ikaw?”
“nakakain na ko. May pupuntahan lang ako. Tapos babalikan kita. Matulog ka muna pagkainom mo ng gamot”
“eh bakit ndi mo pa ko samin hinatid?” o.O
Hmm. Ndi nga pala nya alam
Tumayo na muna ako at nag unat, pero napahikab din ako. Grabe. Antok na talaga ako.
“may nabasa akong txt galing sa mama mo kanina, wala daw sila ng daddy mo. May importante daw na aasikasuhin. Tapos walang tao sa inyo”
Pagkasabi ko nun ay dumerecho na ko sa banyo. Naligo muna ako, matapos nun ay binuksan ko ang pintong konektado sa walk in closet ko.
Nagsuot ako ng grey shirt, grey pants at black tie. Nagpapabango na din ako. Paglabas ko, nakita kong nakahiga na ulit si Shaine.
Nagdire direcho na lang ako palabas kasi baka maistorbo ko pa sya sa pagtulog nya.
“saan ka pupunta?”
Gising pa pala sya.
“wala partner, may mahalaga lang akong dadaanan”*wink*
“ingat” at ayun, nakatulog na sya.
--------------------
Natapos ang meeting. Ang daming plano nila ang nireject ko. Di ko kailangan ng maka selfish na plano para sa kumpanya. Sa huli, plano ko at ng mga matitino naming board members ang nanalo.
12 na ng madaling araw natapos ang meeting.
Bumalik na ko sa unit ko, nagpalit ng pantulog.
Nakaka pagod na araw. Sobrang daming nangyari. Buti na lang at sabado bukas.
YOU ARE READING
Fate or Faith? (I'm just for you) [on hold]
Romancehere's Kiel. a super rich guy. pero ayaw nyang ipangalandakan na mayaman sya. He wants to live a simple life. Baket? kasi dun naman sya nag umpisa. isa lang naman ang dahilan kung bakit sya yumaman. it's because he became a broken hearted man. sino...