Shaine’s POV
Naiinis pa din ako. Bakit? Sige nga? Ikaw kaya ang di sabihan ng Best Friend nya na di ka pala nya mahahatid kasi may gagawin sya? Tapos pinaghintay ka sa wala? At ang malala pa, muntik na kong mapahamak dahil dun, buti na lang dumating si Kiel.
And speaking of. Papalapit na sya.
“Shaine, wait lang”
“Shaine, huminto ka na, sige na.. bakit k aba naiwas?”
‘Psh, manhid ba sya? O tanga? Bakit ako hihinto? Ayoko nga’ at nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
“Shaine naman oh” at hinawakan pa nya ko sa braso.
“Psh. Ano ba? Nagmamadali ako oh. May klase pa ko Clarence, kaya please, umalis ka muna. Mamaya na lang tayo mag usap.”
Tinanggal ko ang kamay nya sa braso ko, at naglakad na ulit. Wala naman talaga akong klase ngayong oras eh. Vacant ko, kaya sa library ako nagpunta. Ayoko lang talaga syang makausap. DUH? Nagtatampo pa kaya ako. >.<
“Shaine”
“Ano na naman ba?”
O.O --- O.O
“Sorry Kiel, akala ko kasi eh”
“Grabe, ang init agad ng ulo mo ah. Ay, lagi ka palang mainit ang ulo” nag smirk sya. ‘ABA’
“Sorry na nga noh. Ano ba kasi yun?”
“oh, eto oh. Naiwan mo kahapon sa sasakyan, mukhang mahalaga eh”
T^T “Kiel salamat, mahalaga nga to sakin. Bigay kasi sakin to ng kuya ko bago umalis papuntang states”
Tsaka ko kinuha yung bracelet na iniaabot nya.
“sus, hoy, di free ang delivery ko ha, kailangan mo kong ilibre. Haha”
“ano? Aish.. ayoko nga.. nagtitipid nga ko eh”
“Aw. Damot mo naman, buti nga binalik ko pa eh” nag *pout* pa eh.. nakakawala ng badtrip yung itsura nya.. ang cute kaya *O*
Kiel’s POV
“hoy, saan tayo?”
“Dun oh, dun sa may kanto, may mga tindahan dyan”
“Street Food? Yun ang ililibre mo sa kin?”
O.O
Nilingon nya ko at.. nakangiti sya na parang nang aasar.
“KURIPOT MO! Sige na nga.. Pero pagkatapos nito..”
“oh. Ano na naman ba ang hirit mo Mr. Rodriguez?” -_~
“wala.. pagkatapos lang naman ng libre mo sakin, ako naman sana ang manlilibre, pero mukhang ayaw mo.. >.< “
*O* “really, sige. Tara na. lilibre na kita.. yung libre mo sa kin ahh”
AT bumaba na sya ng sasakyan at parang mag isa lang sya sa mundo.. Ni hindi nang hintay.
--------
“Namiss ko to” sabi ko habang kumakain ng kwek kwek at fishball
o.O “nakakain ka na nito? Sa yaman mong yan?”
“ >.< ano namang tingin mo sakin? ALIEN? Na ndi marunong makisama sa tao” psh. Kung alam lang nya pinagdaanan ko noh.
“hahahaha.. sorry naman. Ndi lang kasi halata sayo na kakain ka ng ganito” sabi pa nya sabay subo sa isang kwek kwek na pang sampu na ata nyang nakakain.
Marami pa SYANG kinain.. oo sya lang.. ang takaw pala nya..tapos ay bumalik na kami sa sasakyan.
“oi. Yung treat mo sakin ah..”
“oo. San mo ba gusto?”
“hmm.. saan ba may masarap na pagkain?” haha.. nag iisip talaga syang maigi. Napapatawa ako.. di ko mapigil eh
“Oh. Bakit ka natawa dyan? O.o
“wala. Ang seryoso mo kasi pagdating sa pagkain.. haha”
>////< “Shut Up. Dun tayo sa mcdo. Bilhan mo ko ng fries, float, burger, sundae, hmm.. ano pa ba? Hmm.. at lahat yun large size ha” :P
O.O ‘Ano daw? Grabe, baka di na sya matunawan nyan’
“bakit nagulat ka? TARA NA. natatakam na ko :3 “
Bakit parang ang cute nya -__-
“eto na oh. Aalis na tayo.”
-------------------
Sa Mcdo.
Inorder ko lahat ng sinabi nya. Grabe. Sana naman mamigay sya mamaya.. may pageant pa kaya kami by next month, baka bigla syang tumaba. Haha.. pero iniisip ko na mataba sya. Okay naman, cute pa din. XD
“hoy, bakit nakangiti ka? May lason to no?”
-___- “wala, may maganda lang akong naisip”
“sino? Ako ba?” at nagpacute ba sya habang sinasabi yun.
“hindi. Nga pala, bakit ang takaw mo ngayon? May problem aka ba?” o.O usisa ko, tapos nabitawan nya yung hawak nyang fries dahil sa tanong ko.
“wala, tampo pa din ako kay Clarence, tapos di man lang sya makiramdam. DUH? Sya kaya ganunin ko.KAINIS lang” tapos kumuha sya ng mas maraming fries at sinubo isa isa na parang may aagaw nun sa kanya.
“So, may LQ kayo? O BFQ?”
“BFQ?” o.O
“Best Friend’s Quarrel hahahaha”
“Psh. Meron.ata. siguro. Ewan. -____-“
“kami din ni Mika eh, nagalit sya sakin kasi nanakit ako kahapon.. PSH, kung di ko naman ginawa yun, di ka nila tatantanan” umiwas ako ng tingin sa kanya at tumingin sa may bintana.
“p-pero salamat Kiel kahapon ha. G-gusto mo?” inalok nya ko ng pagkain.. napangiti naman ako.
“salamat din”
“salamat saan?”
“salamat at naalala mo kong alukin ng pagkain, akala ko sosolohin mo na eh.. XD”
>///< “Kiel, you’re mean”
“na ah.. wait lang ha. Bili lang ako ng pasalubong kay Mika. Peace offering na rin.”
Tumayo na ko at bumili, kita ko sa may counter yung pwesto namin ni Shaine.. pansin ko malalim iniisip nya. Pagbalik ko, medyo madami pa din natira sa pagkain nya.
“oh. Ayaw mo na?”pang aasar kong tanong
“yep, paki pa take out na lang. iuuwi ko na lang. nawalan akong gana eh” medyo parang iba aura nya
“haha.. ok lang yan. Madami ka na naman ng kinain eh XD”
>___< “ ipatake out mo na lang yan. Hintayin kita sa sasakyan”
Tapos tumayo na sya.. HALA. Mainis daw ba? Bakit ang komplikado ng ugali ng mga babae. Haist.
YOU ARE READING
Fate or Faith? (I'm just for you) [on hold]
Romancehere's Kiel. a super rich guy. pero ayaw nyang ipangalandakan na mayaman sya. He wants to live a simple life. Baket? kasi dun naman sya nag umpisa. isa lang naman ang dahilan kung bakit sya yumaman. it's because he became a broken hearted man. sino...