Chapter 9 - Love daw? O.o

18 0 0
                                    

Kiel’s POV

Ayun. Nakabalik din ng school. Pero late na ko sa next class ko at huling klase ko yun ngayong araw. Di na lang ako pumasok. Hinintay ko na lang na matapos ng tuluyan yung klase para hintayin si Mika. Umakyat ako sa rooftop.

*bzzt*

1 new message:

From: Mika Nava

Ui. Loko ka. Bakit di ka umattend ng klase? May sakit ka ba? Saan ka? Puntahan kita

-end of message-

Wow. Mag alala daw ba? Haha. Nag reply ako sa kanya

To: Mika Nava

Puntahan mo ko dito sa may rooftop. Sorry na ha. May pasalubong ako sayo.

-end of message-

Naghintay ako ng reply. Pero wala -__-

Maya maya pa. bumukas ang pintuan sa may rooftop.

“at kailan pa natutong mag cutting ang isang Kiel Rodriguez?”

Nilingon ko sya. Nakapamewang sya at taas kilay pa.

o.o --> ^__^

“heto oh. Dinalhan kita ng pasalubong. May pinuntahan lang ako. Kaya lang di na ko nakabalik sa oras kaya di na ko tumuloy sa klase”

Napakamot ako sa batok ko habang nagpapaliwanag.

“ *O* wow. Tamang tama gutom na ko. Pero sa susunod wag na wag ka ng mag ka cutting ha. UNLESS, kailangan talaga AT kasama ako *wink*”

“haha..lokong bata to. Di na lang ako mag ka cutting kesa idamay ka pa. President ka kaya ng klase noh”

“at ikaw? Genius ka di ba? Nasan na ang talino mo at lumiliban ka?” natatawa sya habang hawak hawak ang pasalubong ko..

“Genius nga eh. Kaya di ko na kailangang mag aral *wink*” hahaha.

*boink*

“Aray! Namimisikal ka na ngayon ha >.<”

“bakit? Di ka ba namisikal kahapon?” tinaasan pa ko ulit ng kilay.

“Aish naman. Yan na naman. Pinagtanggol ko lang si Shaine. Kung ikaw nasa kalagayan nya, gagawin ko ulit yun” -____-

Medyo matagal ding tumahimik at walang umimik sa min.

“Sorry na nga. OA na ko. Oo na, aminado na ko. Natakot lang kasi ako kahapon na baka mapahamak ka. Buti dumating si sir louie” nakatungo lang sya.

“haha. Ikaw na bata ka. OA ka kasi masyado. Kaya ko sarili ko noh” tapos ay ginulo ko ang buhok nya.

“hay nako. Alam mo bang mahirap mag ayos ng buhok? Palibhasa kayong mga lalaki konting suklay lang ayos na eh” tinanggal nya yung kamay ko sa ulo nya at kumuha ng suklay sa bag nya.

“ haha. Ok na yan. Cute ka pa din naman”

>///< “tigilan mo ko Kiel. Kain na lang tayo. Saluhan mo ko dito sa pasalubong mo.” Umupo sya sa may maliit na bangko, at naglatag ng panyo sa sahig bago dun nilagay yung mga pagkain.

------------

Natapos kaming kumain at pababa na sana sa may rooftop, nang biglang may pumasok. Kaya naman nagtago kami ni Mika sa di kalayuan. Malawak naman ang rooftop eh.

“Shaine, ano ba? Bakit ba ang cold mo?” – Clarence

“Pwede ba? Hindi kita syota Clarence ha. Tsaka makiramdam ka naman. Puro ka sorry kanina pa, eh di mo naman alam yung dahilan”

“Yun na nga eh. Di ko alam ang dahilan. Nakikiramdam ako. Pero di ko talaga maintindihan kung bakit ang cold mo? Tsaka bakit kasama mo si Kiel kanina? Akala ko ba may klase ka kaya ayaw mo kong kausapin. Yun pala makikipag date ka lang.” may halong galit na sa boses ni Clarence.

Teka. Hala. Di alam ni Mika na si Shaine kasama ko kanina. Napatingin ako kay Mika na alam kong nakikinig din sa usapan. Wew. Ang sama ng tingin nya sa kin.

“peace ^__^V” bulong ko kay Mika. Pero umiling lang sya.

“Ano ngayon kung nakipagdate ako? Tsaka pakialam mo ba? Ikaw nga dyan ndi man lang sinabi sakin na busy ka pala kahapon. Ako naman si tanga. Naghintay sayo sa may parking lot. Muntik pa kong mapahamak. Buti nga dumating si KIEL eh “ hala. Diniinan pa talaga yung pangalan ko.

Yung katabi ko naman, ayun. Parang nanginginig na. di ko lam kung bakit. Pero nakakatakot ha.

“so, ayun. Ayun ang kinagagalit mo? Sorry na kasi. Tsaka may pakialam ako. MAHAL kasi kita. At NAGSESELOS ako.”

nagulat ako dun. Bakit kasi nandito pa kami eh. Alam kong na shock din si Mika. At sumilip ako, nakita kong gulat din ang itsura ni Shaine.

Shaine’s POV

“so, ayun. Ayun ang kinagagalit mo? Sorry na kasi. Tsaka may pakialam ako. MAHAL kasi kita. At NAGSESELOS ako.”

‘ano daw?’ O.O

“anong sabi mo?” tanong ko with matching kunot noo.

“ang sabi ko, mahal kita. Nagseselos ako. Alam ko, mali. Kasi mag bestfriend tayo. Pero Shaine, hindi ko na kayang itago to. Mahirap kaya. May chance ba ko sayo?”

Ano bang sapi ng lalaking to? Mahal? DUH? Narinig ko na yan dati at kahit kalian di na ko maniniwala sa salitang yan. Ayokong masaktan.

“Please, Clarence Troy Panganiban, ITIGIL MO NA ANG KALOKOHANG TO!”

Napasigaw na ko. Ayoko sa lahat, yung sisirain ang pagkakaibigan ng dahil sa letsugas na pagmamahal. At isa pa. ayokong mawala si Clarence, pero hindi ibig sabihin eh mahal ko na sya. Ayoko lang magmahal ulit. Nasaktan na ko. Ayoko muna.

“kalokohan? Ndi ako nagloloko Shaine. Totoo sinasabi ko. Please naman oh.”

“ano ba? Mahal? Eh sasaglit palang tayong magkaibigan mahal mo na ko agad? OH COME ON!. Pare parehas kayong mga lalaki eh. Tapos ano? Paasahin mo lang din sa wala. PLEASE naman. Let’s stay as Friends na lang. kalimutan mo na muna yan. Clarence, mahalaga ka sakin. Kaibigan kita. Pero ndi na hihigit pa dun. Sa ngayon”

Sa ngayon, ewan ko kasi sa mga susunod na araw. Alam kong nasasaktan ko na si Clarence, alam kong mabait sya at di tulad ng iba. Pero ayoko lang muna talaga.

“sa ngayon? maghihintay ako Shaine. Hanggang sa pumayag ka. Pero kung hanggang magkaibigan lang talaga tayo. Sige, pipilitin kong itago muna to. Pero wag mo kong sisishin pag di ko mapigilang maging sobra ang pag aalala sayo. Yun lang ang isang paraan ko para ilabas tong nararamdaman ko”

Nakatungo na sya. Ngayon lang ako nakakita ng lalaki na nalungkot sa harapan ko. Naaawa ako sa kanya. Pero ayoko namang dumating sa punto na pareho lang kaming masaktang dalawa.

“pagbaba natin dito sa rooftop, gusto ko, ibalik natin yung dati. No awkward moments ha?” sabi ko. Ngumiti ako sa kanya. At iniangat ang ulo nya para tumingin sa kin

Tumango lang sya.

“oh. Tara na. uwian na. ihahatid na kita”

Sabay hila nya sa kin. Ano ko? Aso? -____-

Bago kami makababa, narinig kong may dalawa atang tao sa rooftop.

‘So, may nakarinig sa min?’

Medyo di ko na nakita kung sino sila. Pero parang namukaan ko yung isa -___-

Fate or Faith? (I'm just for you) [on hold]Where stories live. Discover now