Chapter 12: The Play (Part 2)

26 1 0
                                    

"anong nginingiti ngiti mo diyan?" tanong ko kay ejay.

"sungit mo naman."sabi niya sabay yakap sa waist ko. Kung makayakap toh kala mo di siya naliligo sa pawis. Pero langya, pawis na nga lahat lahat, ang bango pa din niya.

"kung makayakap kala mo di ka pawis ah." Sabi ko sa kanya.

"okay lang yan mabango naman ako kahit pawis ako." Pagyayabang niya. Bigla atang humangin. "pacharge lang pagod na ko eh" dagdag niya pa. hinayaan ko na lang siya.

"dapat manalo kayo ah." Sabi ko sa kanya.

"ano muna prize ko?" tanong niya sakin.

"secret. Para may trill" sabi ko sa kanya saka ngumiti ng nakakaluko.

"madaya ka." Sabi niya sa akin. Narinig naman namin yung buzzer, kaya tumayo na siya. Pero bago siya tuluyang umalis, siya naman ang humalik sa pisngi ko. Namula ata ako doon. Di pa nga ako nakakaget-over sa ginawa niya, kinindatan pa ko. Di na naman kumakalma yung puso ko sa pagtibok. Kasalanan to ng lalaking yun. Nilapitan naman ako ni reen.

"sinabihan ko na si ian. Sinabihan na din ni lanie si benj ganun din si steph. Alam na nila gagawin nila mamaya. Kasabwat mo na din yung coach nila." Pagiimform niya sa akin.

"thanks" sabi ko naman sa kanya.

"ready ka na?" sabi ni zands sa akin

"yeah" sagot ko dito pero bigla akong kinabahan. Wala naman akong stage fright at sanay akong humarap sa madaming tao, pero bakit ngayon sinasalakay ako ng kaba. Shocks! Kalma janiel, kalma.

Last quarter na at lamang sila ejay ng 8 points. Last 1 minute na lang, at hawak niya ang bola. Pero naagaw yun ni lance, bakit parang may tension sa court.

"GO BHABE. SHOOT IT" sigaw ni allison.

"WAG KANG MALANDI!" nagulat naman ako ng sumigaw din pabalik si lanie. Napailing na lang ako. Naagaw kasi ni lanie ang atensyon ni lance kaya naagaw ni ian ang bola.

"GO PANGIT!" sigaw ni reen. Crap ang sakit sa tainga ng mag sigaw nila. Tinignan ko naman yung time board, last 20 seconds. Hawak ni ian ang bola. Sa palagay ko pinapatay na lang nila ang oras. Driball na lang kasi at pasahan ang ginagawa nila.

"last 5 seconds" sigaw ng referee. Akala ko hindi na nila ishoshoot yun pero bigla nilang pinasa kay ejay at pinakawalan niya ung bola sa 3 points line.

"ERRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRR" tunog ng buzzer. Pasok yung last shot niya. Naging wild na ang crowd. Panalo sila. Napangiti naman ako doon pero kasabay nun yung kabang sumulpot sa dibdib ko. This is it.

"halika na" sabi sakin ni zands. Sabay na kaming pumunta sa host. Maya maya lang namatay lahat ng lights. Kasama to sa plano ko. Mga 2 minuto din ang tinagal nun, at sakto namang nakapwesto na kami kung saan nakalagay yung mga musical instrument. Malapit lang to sa pwesto ng naghohost kanina. Ng bumukas ang ilaw. Nagulat ang lahat dahil hawak ko ang mic.

"ahmmm" paunang salita ko. "hello, well first of all congrats sa UTCH." Sabi ko. Shocks kinakabahan na ko. Nakatingin pa sakin si ejay. Pwedeng magback-out. Tumingin naman ako kila alice.

"kaya mo yan" sabi niya sakin. Kami kami lang ang nakakarinig kasi mataas din ng kaunti itong kinalalagyan namin kaya kitang kita kami ng lahat. Huminga naman ako ng malalim saka nagsalita ulit.

"ehmm, pakisabi naman sa team captain niyo. Ito na yung award niya. At sana makinig siya ng mabuti." Sabi ko sa kanila. Seninyasan ko naman si zands. Pinatunog niya ng tatlong beses ung drum stick niya, hudyat na maguumpisa na kami. Nagumpisa na din tumugtog sila steph at alice, gitara ang hawak nila at si audrey din nagstart ng magpiano.

The Playful CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon