Chapter 17: I Knew Everything

24 1 0
                                    

JANIEL POV

Mga isang oras din akong nag-iisip isip tungkol sa mga bagay na nalaman ko kani-kanina lang. napasulyap naman ako sa side table clock ko at nakitang 3 o'clock na ng hapon. Malapit ng madismiss sila ejay. Hanggang ngayon di ko alam kong pano ko icocomfront si ejay sa lahat ng nalalaman ko. Napagpasyahan ko namang pumunta muna sa park dito sa subdivision para makapag-unwind ng kaunti. Naglalakad lakad lang naman ako doon ng makita kong may naglalako ng dirty ice cream. Naisipan ko namang bumili. Habang kinakain ko ito, napatingin naman ako sa dalawang batang naghahabulan sa may damuhan. Isang batang babae at isang batang lalaki ito. Naalala ko naman si austin, kung di kaya nangyari yung aksidente sa norway noon, makikilala ko pa din kaya si austin? Magiging ganyan din kaya ang scenario kung si ejay ang kasama ko? Nakakaasar kasi, bakit di ko alam na may isang tao akong naiwan noon? Kung di kaya nangyari yung aksidente noon, mararanasan ko bang masaktan ng subra dahil sa pangyayari 9 months ago? Ang dami pang tanong na naglalaro sa isip ko. Pero kahit naman na 1million pa sila kadami, di pa din mababago ung nangyayari ngayon. Somehow, thankful din ako dahil kung di dahil sa mga pagsubok noon di ako magiging masaya ngayon. Pero anong sense ng kwentong ito kong walang pagsubok diba? Naguumpisa lang naman ang kwento ng isang tao kong may matinding problema ng dumating sa kanyang buhay. Naputol ang iniisip ko sa kadahilang may humalik sa pisngi ko.

"hi"

EJAY POV

Maaga kaming pinalabas dahil sa may meeting ang bawat team para sa sport fest will wala naman kaming team nila kean, exception na kami diyan, sa dami ng gagawin namin. Kaya napagpasyahan ko na lang na puntahan si janiel, she's in their house, sabi ng kuya niya sakin. Pero pagkadating ko doon, sinabi sakin ni yaya lourdes na lumabas daw siya. Baka daw sa park siya tumungo, kaya agad na pumunta din ako doon. Di naman ako bigo, kasi andoon nga siya at pinapanuod ung dalawang bata na naghahabulan. Ilang minuto na kong nakatitig sa kanya ng mapansing kong malalim ang iniisip niya. Agad ko naman siyang nilapitan at hinalikan sa pisngi.

"hi" bati ko sa kanya habang nakangiti. Nginitian naman niya ako ng pilit. Umupo naman ako sa tabi niya. Narinig ko naman siyang napabuntong hininga. "are you okay?" tanong ko sa kanya, nag-uumpisa na kong mag-alala

"yeah" sagot naman niya, saka ngumiti pero may kakaiba sa ngiti niya. Parang malungkot iyon. "aga pa ah? Wag mong sabihing nagcutting class ka?" tanong niya sakin. Hinawakan ko naman yung kamay niya at nilaro laro iyon.

"hindi noh, may meeting ang mga sport team, kaya maaga ang dismissal." Paliwanag ko dito. Di na siya nagsaliita pagkatapos at pinukos na lang ang atensyon sa dalawang bata.

"did you experience what they're doing right now?" tanong niya sakin, ang tinutukoy niya eh ung dalawang batang naghahabulan kanina na ngayon ay nagkaupo na sa swing at masayang nagkukwentuhan.

"yes, I did." Sagot ko dito, nakikita ko kasi ang sarili ko sa batang lalaki.

"can –can you tell me about your childhood?" pakiusap niya sakin. Napatingin naman ako sa kanya dahil sa tuno ng pananalita niya. Nahuli ko namang may pinunasan siya sa pisngi niya. Ng di ako nagsalita tumingin siya sa akin kaya nagtagpo ang mga mata namin. Nakita ko doon kung gaano siya kalungkot at kung gaano siya nanghihinayang "please" pakiusap niya ulit. Napabuntong hininga naman ako.

"I have a friend before, a girl and a boy" panimula ko. Nakatingin na ako ngayon sa dalawang bata. "akala ko di ko makakasundo ung girl kasi magkaiba kami ng gusto pero kabaliktaran ang nangyari. We're the same in everything, parang girl version ko siya. Pag wala yung kapatid niya kami ang magkasama, lagi din kami sa park katulad nito, kasama namin mga kanya kanya naming yaya syempre. Ang pinakagusto niya ngang park ng playground is yung swing. Uupo siya doon, habang ako tinutulak yung swing. Pag winter na, nagtatakbuhan na kami sa labas at gagawa ng isang malaking snow man. Naalala ko pa nga nung humingi siya ng carrot sa mommy niya para gawing nose ng snow man na tinatayo namin, paborito naming gawin yan sa ganung panahon. Halos lahat ata ng season may mga bagay na hilig naming gawin. Pag summer naman hilig naming lumabas gamit ang bike ko. Ako ang nagdadrive , siya naman ang angkas ko, ilang beses na din akong kinulit na turuan siya, pero di ako pumayag, bago kasi ako natutung magbike, ilang gasgas din ang nakuha ko. Ayaw kong maranasan niya un and worst ako ang kasama niya at dahilan ng sugat na yun. Kaya sabi ko sa kanya iaangkas ko na lang siya. Kapag sawa na kaming magbike, maglalaro na kami sa treehouse na nasa likod bahay namin. Siya ang mommy, ako ang daddy at yung mga laruan niyang bear ang mga baby namin." Huminto ako at napangiti. Tinignan ko naman siya attentive siya nakikinig sakin. Kaya pinagpatuloy ko na "pag-autumn na, madalas kaming tumambay sa malaking punong nasa likod bahay nila, gustong gusto kasi niyang nasa ilalim ng puno habang naglalaglagan ang mga dahon nito. Tinanung ko siya kong bakit gustong gusto niyang gawin yun, ang sagot niya sakin, 'feeling niya daw special siya kasi handa daw ibigay lahat ng puno ang dahon niya para lang sa kanya, kahit na magmumukhang pangit yung puno pagkatapos' parang siya daw handa niyang ibigay lahat ng meron siya maramdaman lang ng pinakamahal niyang taong special ito sa kanya kahit na magmumukha siyang pangit sa huli. Kala mula ng narinig ko iyon, nakikisama na din ako sa kalukuhan niya, gustong gusto ko din kasing nakikita yung ngiti niya. Pagspring naman, sabay naming tinututukan ang pagsibol nng mga dahon ng punong nasa likod nila. Minsan naman habang nakabantay doon, drinidrawing din namin ang iba't ibang bagay na nagpapasaya sa amin. Natuwa nga ako ng parehas naming drinawing ang isa't-isa, syempre stick man lang yun bata pa kami kaya di pa namin kaya idraw ang mukha ng tao, pero sa drawing namin nakalagay mga pangalan namin." Sabi ko. Saka ako tumingin sa kanya habang nakangiti. Ngumiti din siya pabalik.

The Playful CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon