Chapter 1: " First day of school"

76 2 2
                                    

Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnngggggggggggggggg!!!!!!!!!!!!

Break time ng makarating ako sa bagong school na lilipatan ko, ang University To Cupid Heart. Alam kong nawiwerduhan kayo sa pangalan, wag kayong mag-alala di kayo nag iisa, maging ako nawiwerduhan din. Pero sabi ni mommy, isang elite school daw ito. Half Filipino- half European daw ang mga may-ari nito. Well naniniwala naman ako kay 'mmy, halata naman kasi sa lawak at laki ng mga building na nakikita ko. Malaki ang cafeteria nila, mapapansin mo din mula sa labas ang iba't ibang asian and european food na nakapaskil sa mga menu boards nila. Halata din sa uniform at kilos ng mga estudyanteng nadadaanan ko. Curious siguro kung bakit may outsider na nakapasok sa eskwelahan nila.

"sino siya?"

"bakit may outsider na nakapasok dito, nalulugi na ba ang school at di na maayos ang security?"

"transferee kaya siya?"

Ilan lang yan sa mga nariring ko sa mga students na nadadatnan ko. Well sanay naman na ako sa mga taong ganyan, elite school din naman kasi ang pinanggalingan ko , all girls school nga lang. Pero may mga kaibigan din naman akong mga lalaki, sa all boy school department nga lang sila nakabase. Hay!!! pang-ilang buntong hininga na ba ang napakawalan ko, kasi naman new school means new environment din. Na-interupt ako sa pag-iisip ng may nakabanggaan ako.

"Ay! Sorry miss! " hinging paumahin ng isang girl student dito. Mukha naman siyang mabait.

"Okey lang miss."

"Naku, sorry talaga ha! San ba ang punta mo at paano ka nakapasok dito?" tanong niya. Sasagutin ko na sana ng may lumapit sa kanyang iba pang studyante. Madami sila puro babae, pero maya-maya may mga lalaki na din na lumapit. Sa tantiya ko mga siyam silang lahat.

" Oh! Hi there" bati ng isa pang babae ng mapansin niya ako.

" Paano ka nakapasok dito?" tanong naman ng isang kasama nilang lalaki with matching pagkunot ng noo pa. Kung di ako nagkakamali siya yong pinakahuling dumating. Medyo may pagkasuplado yata toh.

"Ah! Transferee ako dito." Sagot ko.

"Whooh yoww! Welcome to our school!" masayang bati naman ng isang lalaki. This time medyo masiyahin naman ito di kagaya ni Mr. Sungit.

"Ako nga pala si Reen."pakilala nung babaeng nakabungguan ko kanina.

"Lanie naman name ko" sabi naman nong isang nag-hi sakin kanina .

"Kean, at your service" pakilala naman nung pangalawang boy at may saludo pang kasama, yung nagwelcome sakin kanina. Well his cute.

Isa isa na silang nagpakilala si Elise, Ela, Aiza, Natalie, Ian, Benj at si Ejay or aka Mr. Sungit.

"Ako nga pala si Janiel , Janiel Smith." Pakilala ko sa kanila with a smile in my face. Pero si Mr. Sungit wala, nakakunot pa din ang noo. Pinaglihi ata sa sama ng loob yon. At di pa nag-excuse basta na lang umalis, masyadong arogante kainis. Napansin ata ni Ian na kumulo ang dugo ko sa inasta ng masungit na yon, nagulat naman ako ng bigla siyang umakbay sa akin.

" Yaan mo ung kumag na yon. Tara sabay ka na sa amin na magsnack. For sure wala ka pa namang kakilala dito eh." Napangiti na lang ako sa gesture niya. Hay! I guess I need to get use of it from now on, well wala naman na ako sa dati kong school. Namimiss ko na tuloy.

" Bat andito yan?" bungad agad ni Mr. Sungit pagkadating namin sa cafeteria. I think this is there teritory, kasi naman sobrang laki ng cafeteria at dami ng bakanteng upuan, sa pinakagitna talaga sila puwesto.

"Ahmm. Sige alis na lang ako guys. Salamat sa pag-invite." Sabi ko.

"Dito ka na lang wag ka ng umalis" ani ni Elise. Hinampas naman ni Lanie si Mr. Sungit sa balikat.

The Playful CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon