Chapter 27: Double Date

15 1 2
                                    


Sorry super late update..

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Janiel Pov

Buti na lang di mahirap mapapayag si ejay na lumabas ngayon.

"san ba tayo pupunta at mukhang excited ka?" tanong niya sa akin ng makapasok siya sa kotse niya.

"sa mall. DV mall" sagot ko sa kanya. Tumango naman siya at nag-umpisa ng magdrive.

"hon, bakit di parin kayo magkasundo ni lance?" biglang tanung ko sa kanya. Sumeryoso naman yung itsura niya.

"basta" masungit na sagot niya.

"bakit na?" pangungulit ko naman sa kanya. Narinig ko namang napabuntong hininga siya.

"kasi sinaktan ka niya noon, I witness it at isa pang dahilan eh yung siya yung unang minahal mo bago ako." Seryosong sabi niya.

"I understand you. Pero pakinggan mo muna yung side niya kung bakit niya gianwa yun, ako din naman nung una diba, nakita mo kung gaano ako kagalit sa kanya, pero nung nalaman ko yung side niya, nalaman ko din na mas nasasaktan siya. Yung pangalawang dahilan mo naman, wala na yun. Matagal ng wala yun. Kahit mahal niya pa ako ngayon, kung ikaw na yung mahal ko wala na siyang magagawa doon. Di din naman siya tutul sa atin eh." Paliwanag ko sa kanya. Di naman siya umimik. "please, kahit di kayo maging magkaibigan, mawala lang yung bad vibes sa pagitan niyong dalawa. please hon, do it for me?"

"i'll try." Kahit ganyan yung sagot niya, di ko pa din maiwasan na di ngumiti at least susubukan niya diba?

"thank you. I love you." Sabi ko sa kanya.

"I love you too." Sagot naman niya sa akin. nung nakarating kami sa mall, naglibot libot muna kami saka kumain, mga bandang 2 pm na nung tinext ako ni lanie na nasa mall rooftop na sila, kaya agad kong hinila si ejay papunta doon. Alam kong nagtataka na siya kasi nakalagay na restricted area ang rooftop pero pumasok pa din kami.

Ejay POV

"where are we going?" tanong ko kay janiel ng mapansing sa rooftop ang tungo namin.

"don't worry. Just trust me." Sabi niya sa akin. ng makarating kami sa rooftop may dalawang taong nandoon.

"what are you doing here lanie?' seryosong sabi ko kay lanie na ngayon ay katabi si lance. Mukhang nagulat a si lance ng makita akong nandito. Naramdaman ko naman na hinawakan ni janiel yung kamay ko kaya napatingin ko sa kanya.

"please." Simpleng sabi niya, alam ko na ang ibig niyang sabihin. Napabuntong hininga na lang ako ng dahil doon.

"is this all planned?" tanong ko sa kanya. Tumango naman siya.

"im sorry. Gusto ko lang talagang maging okey ang lahat ng taong nasa paligid ko." Malungkot na sabi niya.

"okey, I talk to him." Ngumiti naman siya sakin saka ko siya hinila at hinalikan sa noo.

"doon lang kami ni lanie sa stairs." Sabi niya bago kami iniwan ni lance dito. Ilang minuto na din kaming walang kibuan. Ng siya na ang unang nagsalita

"I love her, I really do." Panimula niya, di ko naman napigilan ang pagbilog ng kamao ko. "but she love you more that I love her. Nakakatawa nga eh, di ko alam na bibitawan ko yung babaeng mahal at mahal ako para sa babaeng sasaktan siya. Gago na kung gago. Pero ginawa ko lang talagang saktan siya dahil sa kondisyon ni allison sakin. Si allison kasi ang sumisira kay janiel sa buong school di ko alam kung pano niya nagagawa yun, pero dahil doon kaya ang normal na araw ni janiel sa EA eh napalitan ng miserableng karanasan. Nung nakita kong malala na mga ginagawa ni allison kay janiel, I decide na tanggapin yung alok niya, na maging kami at iwan si janiel, kapalit noon ang pagtigil niya sa mga pinagkakagawa niya. Tumigil naman siya eh, kaso mas masakit pala ang makikita ko sa mata ni janiel, I saw hurt, pain and sorrow in her eyes. But I choose to choose my eyes para di makita yun, dahil mas lalo lang akong masasaktan. Mga araw din na sinabi kong mas maproprotektahan ko siya kong magkasama kaming dalawa, kaya napag-isipan kong puntahan si allison para makipaghiwalay na. doon ko narinig ang usapan nila ng mommy niya. Di ko alam kong bakit ganun na lang ang galit nila sa pamilya ni janiel pero isalang ang alam ko, at iyon ay kung hihiwalayan ko si allison di ko malalaman mga plano nila ng mommy niya. After kong marinig iyong usapan ng mommy niya, nagpapanggap na kong kakampi nila, para malaman lahat ng plano nila, di naman ako nabigo kasi lahat naman sinabi sakin ni allison, pwera sa isang bagay na nakapagpabago ng lahat." Sandaling huminto siyang huminto "di ko alam kong alam ba ni allison o hind ang aksidenteng nangyari last year kay janiel. Pinadukot siya ng mommy ni allison, at dahil doon kaya wala sa tabi niya si austin ngayon. Di ko din alam kong assan si austin ngayon, at di ko din alam kong anung nangyari sa aksidenteng iyon. Tanging si austin at janiel lang ang nakakaalam non. Magmula noon. Lalo kong dinikitan si alli, kaso napansin niya atang kinukontra ko ang mga plano nila, kaya mas lalo akong nahirapan na makakuha ng inpormasyon sa kanya. Lagi niya na din akong pinapasundan hanggang sa nalaman niyang nakabantay pa din ako kay janiel. Doon kita napansin akala ko aksidente lang na lagi kitang nakikita kung nasaan si janiel pero nung lumipat siya sa UTCH doon ko nalaman na di akssidente ang lahat. Since nakabantay ka sa kanya, kaya ikaw ang sinundan ko. Hanggang sa makita kitang kausap si tita zyniel, ang mommy niya, napansin ko ding mukhang magkakilala na kayong dalawa kaya nagreseach ako about sayo, nalaman ko doon na family friend kayo nila janiel, ng masiguro kung may nagbabantay na sa kanya, tumigil na ako at tinuon ko na lang ang pansin sa pangunguha ng information mula kay allison sa nangyari aksidente pero wala akong napala. Nung araw din na makikipagkita ako kay janiel sa park, yun din sana yung araw na tuluyan na akong babalik sa kanya, kaso magaling si allison pinalabas niyang may sakit siya, kaya nilagay ko siya sa klinik kaso nilock niya ako doon mag-isa. Ilang beses niya na ding ginawa iyon, hanggang sa nabalitaan ko na lang na kayo na at huli na ako para sa kanya. Since wala naman na kong babalikan kaya pinagpatuloy ko na lang ang pagdikit kay allison, hanggang sa malaman kung balak niya kayong paghiwalaying dalawa. nung araw na nakita mo kami ni janiel na magkayakap sa parking lot, yun din yung araw na sinabi ko siya ng warning. Sinabi ko sa kanyang magtiwala kayo sa isat isa, kahit masakit sa part ko yun. Alam mo yung feeling na pinamimigay mo yung mahal mo para lang maging masaya at maayos siya. Kaya ingatan mo siya, wag mo kung gayahin, wag mo siyang iwan kahit anong mangyari. Ingatan mo yung babaeng mahal na mahal ko." Sabi niya ssa akin matapos niyang ikwento lahat. Di mo mapagkakaila ang subrang lungkot sa mata niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Playful CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon