Chapter 15: Acquiantance Party ( Part 2)

12 1 0
                                    

Ejay POV

"san ka galing?" tanung ni kean kay elise. "kanina pa kita pinapatawag"

"sa penhouse."sagot naman ni elise sa kanya at sinimulan ng asikasuhin yung program.

"ginawa mo doon?" tanong ulit ni kean

"hinatid si janiel. Masama ata ang pakiramdam" sabi niya. "oh okey naman na ah. Nagpapagames naman na sila nathalie." Dagdag pa nito habang ibinabalik sa pinagkuhanan niya ng program. Bigla namang napatingin sakin si elise.

"what?" pagsusungit ko. Yung tingin niya kasi parang nang-aakusa.

"may away ba kayo?" tanong niya sakin. Napahinto din si kean sa ginagawa niya at umupo sa monoblock na nasa tabi ko. Iniwasan ko naman ang tingin sakin ni elise saka napabuntong hininga.

" alam mo dude, kung may away kayo wag niyo ng palakihin. Ikaw din baka mas mahaba pa ung time na niligawan mo siya kaysa sa time na naging kayong dalawa." pangaral sakin ni kean

"may misunderstanding lang kami." Sabi ko sa kanila.

"san ba nag-umpisa yan?" tanung ulit ni kean

"sa selos" sagot naman ni elise kaya tinignan ko siya. "duh, as if di ko alam, secretary ako ng student org oh, sinasabmit sakin ng mga clubs lahat ng kita at dahilan ng kita nilang yun. At bago pa man kayo sumalang ni mitch sa marriage booth na yan, hawak ko na ang listahan nila. At i'm telling you, kung ako ang girlfriend mo,baka break na tayo ngayon dahil sa sagot mo." Mahabang paliwanag niya.

"im jealous. Nakakapang-init kasi ng dugong may kausap siyang ibang lalaki, at worst katawanan niya pa." depensa ko. Kumukulo na naman dugo ko, naalala ko kasi nung magkasama sila ni cyrus.

"yun bang sa magkausap sila ni cyrus?" tanong ni kean sa akin, tumango naman ako. "dude naman andoon din ako. Ang lapit ko pa nga eh, nakakatuwa ngang malaman na nag-open up siya kay janiel, bukod kasi sa masungit yun, secretive type pa siya. At kung narinig mo lang sana yung sinigaw ni janiel kikiligin ka." Dagdag pa nito.

" anu bang sabi niya?" tanong ko naman. Tinuno pa kuno ni kean ang boses niya saka nagsalita.

"bakulaw ka! mas gwapo boyfriend ko sayo" sabi niya sa ipit na boses. Napatawa naman si elise, di naman niya pinansin si elise sa halip ay pinagpatuloy nito ang panenermon "oh diba, proud girlfriend siya. Isa pa dude, narinig ko kung sino type ni cyrus." Dagdag niya pa

" sino?" naiintregang tanong ni elise.

"secret" sabi niya naman, " baka kung malaman ni cyrus na may ibang nakakaalam baka si janiel ang sisihin niyang nagpakalat, eh si janiel lang ata ang pinagsabihan nun eh." Paliwanag niya. Sumimangot naman si elise saka bumaling sakin

"kaya pala pinahirapan mo si cyrus kahapon, kawawa naman yung tao." Sabi niya

"kausapin mo na si janiel dude. Wag niyo ng palalain." Sabi ni kean saka ako hinila patayo. Kala mo naman ganun kadali yun, oo doon nagumpisa lahat pero may isa pang dahilan. Badtrip. Pero dahil pinaktutulak na nila ako pumunta na ko sa penhouse. Bahala sila diyan. Habang naglalakad, di ko alam kong kakausapin ko na ba siya o hindi, naiinis pa din ako sa kanya, lalo na nung nabasa ko kanina yung text ni lance sa kanya. Di pa nga malamig yung ulo ko about doon kahapon nung nakita kong niyakap siya ni lance tas dumagdag pa yun. Isa pang pinagtatampuhan ko eh yung di lamang siya nag-abalang ipaliwanag sakin lahat kahit sa text lang. badtrip. Nakarating na ko sa penhouse ng maisipan kong silipin siya sa kwarto niya, mahimbing siyang natutulog. Hinayaan ko muna at tumungo muna ko sa sala para manood.

JANIEL POV

Naalimpungatan ako ng tumunog ang phone ko, si lanie lang pala. Sinagot ko naman.

"hello" sabi ko gamit ang aking kagigising-voice

The Playful CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon