Chapter 14: Acquiantance Party ( Part 1)

14 1 0
                                    

Kagaya nga ng inaasahan, nagkaruon ulit ng mas madaming time sakin si ejay. Naging mas sweet at mas protective siya sakin. Si than-than naman, gabi gabi na kaming magkatext at masasabi kong naging magkaibigan na kami kahit di pa kami nagkikita ng personal. Para nga siyang naging human diary ko eh, mula kasi nung nagliligaw pa si ejay, sinasabi ko na sa kanya lahat ng nangyayari sakin araw araw. Kaso may time na di ko siya narereplayan, sakto kasing tumatawag si ejay sa akin o di kaya magkasama kaming dalawa. July 27 na ngayon, at 1 week na kaming mag-on ni ejay, ngayon din ginaganap ang acquiantance party dito sa UTCH, nagtaka nga ako kasi masyadong late, pero sabi sakin ni ejay napatagal daw kasi umalis na secretary niya kaya siya lang ang gumagalaw sa Student Affire Office, katulong naman niya sila kean kaso iba pa din daw kong may secretary kang kasama, sabagay tama naman siya, mas madali nga ang trabaho kong may secretary ka, natry ko na din yan, vice-pres ako ng Student affire sa EA dati eh. Nagulat naman ako ng mapatili si reen sa tabi ko, tinignan ko kung anong dahilan ng pag-iingay niya, yun pala hinuhuli siya ng mga club's officers para sa marriage booth ata. Napalipat naman ang tingin ko sa stage kong nasaan si ejay, at kagaya din ni reen hinuhuli siya ng ibang officer. At sa kulay ng damit na suot nila, sa marriage booth nakabase ang mga to. Di ko na lang sila pinansin, at naupo na lang ako kung saan nakapwesto ang mga kasection ko. Nakita ko naman doon si cyrus, basketball varsity player din siya, at kasection namin. Sa pagkakaobserba ko, serious type siyang tao, madalang lang siya magsalita at di masyadong nakikisalamuha sa iba. Nakakatakot kasi yung pagiging seryoso niya kaya wala ding nagtatangkang kausapin siya. Well ibahin nila ako, makulit akong tao, at dahil bored na bored na ko sa buhay ko, kaya kakausapin ko siya.

"hi " bati ko sa kanya. Tinignan naman niya ako.

"din" napakasiglang sagot niya (-.-). Peste! sa sobrang sigla ng pagkakasabi niya mapapapoker face ka na lang. Parang ang ganda tuloy patugtugin yung kanta ni lady gaga na poker face. Pero kahit ganyan siya, nginitian ko pa din siya.

"bat wala kang kasama?" tanong ko dito

"nung tawag mo sayo, multo?" sagot niya sakin. Gag*ng to gandang kausap. Pero di ako papatalo

"ang ganda ko namang multo?" sabi ko sa kanya. Tinignan naman niya ako mula ulo hanggang paa. Aba nakakainsulto yun ah.

"maganda nga." Sabi naman niya. Napangiti naman ako doon. "pero di ako pumapatol sa kagaya mo?" aba talaga naman.

"hoy! " sabi ko sa kanya. Nainis na ko. Badtrip! saya niya kausap. "bakulaw ka! mas gwapo boyfriend ko sayo at isa pa bored lang ako kaya kinausap ko ang kagaya mo." Dagdag ko pa. huminga naman ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Buti na lang maingay sa paligid kaya di nila narinig yung pagsigaw ko kanina. Kung bakit kasi pinaghuhuli nila sila lanie eh, yan tuloy. "di ko naman akalaing masaya ka palang kausap"take note the sarcasm, then I gave him my famous evil grin. Saka ako tumayo at umupo sa pinakadulo. Magsasoundtrip na lang ako. Pero tumabi naman sakin si cyrus.

"what" iritadong tanung ko.

"bored din ako kaya kakausapin na lang kita" sabi niya sakin. Bwisit na to, pero ayos na din.

" bat ba ang sungit mo?" tanong ko sa kanya. This time kalmado na ko.

"wala lang. defence mechanism ko ata to."sagot niya

"para san?" tanong ko ulit.

"sa taong mahal ko."-cyrus. Aba ang loko humugot. Asan ang korona ipasa yan kay cyrus.

"ang corny." Sabi ko saka tumawa. Napangiti naman siya. "ui ngumiti siya" tukso ko pa sa kanya. "alam mo pareho kayo ni ejay, ang sungit niyo. Pero ang pinagkaibahan niyo lang siya mahal ko ikaw, well classmate ko lang. di naman nakakamatay ang pagngiti eh. Malay mo mas mapansin ka ng mahal ko kung lagi kang nakangiti." Sabi ko sa kanya.

The Playful CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon