08-25-26
Its 2:42 in the midmnight
Still awake
Sa mga oras na ito
Patulog na sana,
Nakapikit ang mga mata
Ngunit sa bawat pag dilim
Mga sarisaring imahe aking iniisip
Kayat muling ididilat ang talukap ng mata
Hahanap ng liwanag na syang pampalipas
Sa mahabang umaga na syang ipagpapalipas
Sa kwaderno na ang laman ay nakakatwang
Mga gumagalaw na imahe
Na para bang nasisilbing buhay ng umaga kasabay ang pagpatak ng ulan
Heto ako ngayon nakahiga
Halo halong emosyon ang siyang nadarama
Maya't maya'y nakangiti o di kaya'y nakasimangot
Hindi mawari kung ano ang pahiwatig
Sa bawat hagod ng aking daliri sa kahong mahiwaga
Iba ibang pangyayari ang aking bitbit
BINABASA MO ANG
Written Poetry
PoetrySakit iyong mararanasan Sa mga tulang ipaparamdam Lungkot na aking naramdaman Sa iyo ko naman ipaparamdam
