CHAPTER THREE

37 3 0
                                    

"YOU'RE not going?! Bakit? Akala ko ba nakaalis na ang kuya at papa mo?" sunud-sunod na tanong ng kaibigan ni Sandra na si Angela nang makausap niya ito sa telepono. It was almost nine in the evening. Tumawag si Angela para masigurong nakahanda na siyang umalis at tumungo sa party ng isa sa mga campus hearthrob at ang crush niyang si Martin.

Sa katunayan ay matagal na itong nanliligaw sa kanya at naghahanap siya ng tyempo upang pormal itong ipakilala sa ama at kapatid. Very sweet at attentive ito sa kanya, and he was a perfect gentleman, too, bukod sa galing din sa buena familia ang angkan nito, nagmamay-ari ng isa sa malalaking bangko sa bansa. Overall, Martin is a great guy! At gusto na niya itong sagutin kung papayagan na siyang magkaroon ng kasintahan.

"Martin del Rio is expecting you to be there,"patuloy ni Angela sa paglilitanya. Habang humahaba ang pag-uusap nila ay lalo siyang nanlulumo. Sa katunayan ay nagluto siya ng tatlong putahe para ibigay sa mga kasambahay at sa yaya niya. Balak niya itong suhulan ng masarap na ulam at ng paborito nitong lasagna upang payagan siyang umalis ngayong araw. Tutal ay Sabado naman ngayon at walang pasok kinabukasan.

"I can't go, okay? May bisita dito sa bahay," pagdadahilan niya. Pasalampak siyang napaupo sa carpet sa harapan ng malaking sofa sa living room at isinandal ang ulo sa kutson ng upuan.

"Paano na yung regalo mo?" tanong ni Angela.

Napaungot siya nang maalala ang ginawang mga cupcakes. She painstakingly made those cupcakes for Martin because it was his favorite at pinangakuan niya itong reregaluhan ng mga iyon sa party nito ngayon. In her reverie ay biglang lumitaw ang mukha ng isang binatang nakangisi habang nakasandal sa hamba ng pinto, ruggedly handsome and staring intently at her. He was wearing his signature white shirt, faded jeans and devastating smile.

Biglaang nagmulat ng mga mata si Sandra. Pati ba naman sa balintataw niya'y ayaw siyang tigilan ng lalakeng iyon?

"Nakikinig ka ba?" untag ni Angela sa kanya. Hindi na niya namalayang kausap pa pala niya ito sa telepono. Napailing siya at pilit na inaalis ang agiw sa utak niya. "Ang sabi ko, dadaanan ko na lang diyan yung regalo mo kung hindi ka talaga pwedeng umalis ngayon. Ako na ang bahalang magpaliwanag kay Martin," ulit nito.

Napatango si Sandra kahit hindi naman nakikita ng kausap, and when she realized it ay muli siyang napailing at saka sumagot sa kaibigan, "sige. Hihintayin kita." Iyon lang at nagpaalam na siya sa kausap. Inilapag niya sa tagiliran ang telepono at muling napasandal sa kutson ng sofa.

"Leaving?"

When she opened her eyes, she saw the familiar light brown ones that are staring back at her. Pero iba ang naging epekto ng mga titig nito dahil sa imbes na makaramdam ng kilig ay biglang nag-init ang kanyang ulo. Sino ba naman ang hindi maiinis, he was stalking her in her own house! Buong araw itong nakasunod sa kanya, and she can only know one good reason why: pinatuloy ng kanyang Kuya Julio ang binata for the sole purpose of keeping an eye on her! Why else would he keep showing up kung saang bahagi ng bahay na nandoon siya.

And then she has decided. Sinalubong niya ang tingin ng binata at walang kagatol-gatol na sinagot ang tanong nito. "As a matter of fact, yes, I am leaving." Isang mapanghamon na tingin ang ipinukol niya sa kaharap, naghahamong kontrahin siya nito sa binabalak niyang pag-alis. Wala siyang pakialam kung isumbong man siya ng lalakeng ito, but she will be in Martin's party tonight. She'll make sure of it! Dahil kung mananatili siyang sinusundan ni Randall sa buong bahay ay baka ikabaliw lang niya.

Tumayo siya at ibinalik ang telepono sa lalagyan nito sa ibabaw ng side table na katabi ng sofa kung saan nakatayo si Randall. Careful not to make a fuss about being near him and smelling his musculine cologne, she turned around and gracefully walked towards the stairs and up her bedroom leaving him behind.

KHRONICLED DESTINY: CassandraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon