CHAPTER SEVEN

25 3 1
                                    

“YOU can’t keep me here forever you know?!”

Kaninang pagkarating pa lang nila galing sa pent house nito sa Makati ay hindi na siya natigil sa pagdadabog sa binata hanggang sa magkulong ito sa loob ng study at naiwan siya sa main hall matapos ibilin sa katiwala nito. She could not believe the nerve of this guy! This was technically kidnapping!

Nang makaalis sila sa building ng pent house nito ay hindi niya inakalang tatahakin nila ang daan patungo ng South Luzon Expressway sa imbes na papuntang norte sa bahay nila sa Quezon City.

“Where are we going?” nagtatakang baling niya rito nang makarating sila sa tollgate.

Inuna muna ng binata ang pagkausap sa teller na nasa toll booth, and he even took his time bago siya nito binalingan.

“May kailangan akong asikasuhin,” tipid na sagot nito sa kanya.

“Na ano? At saan?” Pinanlakihan niya ito ng mga mata ngunit hindi siya pinansin ng binata, at hindi na ito nagsalita pa kung saan sila pupunta sa paghihimutok niya. At sa imbes na lalong mainis ay pinagsawa na lamang niya ang sarili sa pagtingin sa dinadaanan nila.

Isang mahinang tapik sa pisngi ang nagpagising kay Sandra. Pagkadilat niya ay ang seryosong mukha ni Randall ang nabungaran niya.

“We’re here,” sabi nito at saka bumaba ng sasakyan. Naiwan siyang nakatanga habang sinusundan ito ng tingin.

Bumaba siya sa sasakyan at iginala ang tingin sa paligid.

Nakaparada ang sasakyan sa harap ng isang malaking bahay na yari sa bato at magandang klaseng kahoy. It was an old house katulad ng mga lumang bahay na itinayo mahigit isang daang taon na ang nakalipas. Ang ilalim ay yari sa malalaking bato, pati na ang hagdan ng porch patungo sa main door na gawa sa inukit na de-klaseng kahoy. Ang ikalawang palapag ay yari sa kahoy na napapaligiran ng malalaking bintanang capiz.

Pagpasok niya sa loob ay napansin niya ang malaking French door sa tapat ng main door na patungo sa sun room na nakaharap sa malawak na hardin. Sa kaliwa niya ang malaking hagdanang gawa sa kahoy patungo sa ikalawang palapag. Sa isang gilid nito ay isang pinto na hinuha niya ay ang study. Walang ibang laman ang main hall kundi ang lumang chandelier sa gitna nito. Sa gawing kanan ng main door ang sa tingin niya ay ang dining room at ang kusina kung saan may lumabas na matandang babae na masuyong niyakap ni Randall at tinawag nitong Manang Elsa.

Ni hindi siya nilingon ni Randall, at pagkasabi nito sa matanda na asikasuhin siya ay nagtuloy na ito sa pintong nasa may hagdan at pumasok doon. Iginiya naman siya ng matanda patungo sa ikalawang palapag at hindi niya mapigilang mapahanga nang makarating sa landing sa itaas. Bumungad sa kanya ang isang malawak na seating area kung saan may dalawang mahabang sofa na nakaharap sa veranda. Sa kaliwang bahagi niya ay ang master’s bedroom, ayon kay Manang Elsa. Nagpatuloy ito sa paglalakad patungo sa kabilang wing ng bahay kung saan may hallway sa gitna. Sa dulo ng hallway ay binuksan nito ang pintuan ng magiging silid niya sa malaking bahay na iyon.

Everything was made of dark wood, kahit ang antique bed na katulad ng kama niya ay gawa sa narra. May isang desk sa tabi ng kama at built in cabinets. Ang cobre cama, punda, kumot at mga kurtina ay pawang kulay puti. It was so classic. At ikinatuwa niya na may sariling banyo ang silid na iyon. Ang sabi ni Manang Elsa ay pinagawan daw ng banyo ang lahat ng silid sa itaas nang bumalik si Randall.

“Maiwan na muna kita, hija, para makapagpahinga ka.” Iyon lang at iniwan na siya ng matanda sa loob ng maaliwalas na kwarto.

Matapos niyang makapagpahinga sa kwartong pinaghatiran sa kanya ng matandang katiwala ay agad siyang bumaba upang malaman lang na nasa loob pa rin ng study si Randall, and it was almost six in the evening!

KHRONICLED DESTINY: CassandraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon