CHAPTER SIX

34 3 3
                                    

NAGISING si Sandra sa liwanag ng sikat ng araw na tumatama sa kanyang mukha.

That was weird! Sa pagkakatanda niya ay nakaharap sa kanluran ang kwarto niya kaya imposibleng tamaan siya ng sinag ng araw. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata and locked eyes with the white ceiling.

Kumunot ang kanyang noo and panic started to creep in dahil nakakasiguro siyang wala siya sa sariling kwarto, o sa kahit na anong kwarto sa loob ng bahay nila. She had an antique mahogany canopied bed and this is definitely not it! Kahit ang cobre cama ay iba ang kulay!

Iginala niya ang paningin sa buong kwarto. Hindi niya alam kung paano niya nasabi, pero hinuha niya ay lalake ang may-ari nito because it was too masculine for her taste. It was almost bare dahil walang ibang gamit maliban sa malaking kama at ang dalawang maliliit na mahogany dresser sa magkabilang gilid, at ang night lamp na nakapatong sa may bahaging kaliwa niya. Ang isang bahagi ng kwartong iyon na nakaharap sa kama ay pader na gawa sa red bricks at may pintong yari sa deklaseng kahoy sa kaliwang bahagi nito. Ang kanlurang bahagi naman ay puting pader na kakulay ng buong paligid at may pinto sa gitna na hula niya ay ang banyo. May malaking bintana sa silangang bahagi ng silid na napapalamutian ng makapal na kurtinang kulay abo na sa kasalukuyan ay nakahawi sa magkabilang gilid. The view outside showed the east at natatanaw niya ang Laguna de Bay mula sa kinaroroonan niya.

Natatanaw niya ang Laguna de Bay! Ibig sabihin she was high up in a hotel room somewhere. Ipinikit niya ang kanyang mata at pilit na inalala kung ano ang nangyari nang nagdaang gabi. Ang alam niya ay magkasama sila ni Angela na tumungo sa isang bar na noon lang niya napuntahan dahil sa inis niya sa bisita ni Martin at sa nangyari sa disco house.

Angela! Umupo siya at tiningnan kung may telepono ba sa paligid. She noticed that the floor was polished concrete na bumagay sa masculine ambiance ng buong silid at lalo siyang kinabahan.

Pinakiramdaman niya ang sarili and realized that she was wearing the same thing she did since last night. Muntikan pa siyang mapatili nang biglang bumukas ang pintuan sa harapan niya.

"Good! You're awake."

Relief flooded over her nang makita ang guwapong mukha ni Randall. He was wearing his signature white shirt and faded jeans, at ang may kahabaang buhok nito ay basa pa at mukhang dinaanan lang ng mga daliri ng binata. Naglalakad ito palapit sa kanya at may inabot na dalawang tableta at baso ng tubig.

"For your hangover, sweetheart," he almost whispered and she caught her breath. "Bathroom's on your left. When you're refreshed come on out, I made breakfast." Iyon lang at muli na siyang iniwan ng binata sa silid.

Matapos inumin ang inabot nitong aspirin ay napasandal si Cassandra sa headboard ng kama at isiniksik ang sarili doon. Paano siya nahanap ni Randall? Has Angela called him para sunduin siya? Wala siyang ibang maalala sa nangyari nang nagdaang gabi matapos niyang makaubos ng ilang baso ng alak sa bar na pinuntahan nila. Muli niyang ipinikit ang mga mata and flashes of memories came. She remembered snugly fitting into a warm chest, and the not so gentle kisses...

Oh no! Has she been making out with someone when Randall saw her?!


TAHIMIK na nakaupo si Randall sa harapan ng lamesa. Ang agahan na niluto niya kani-kanina lang ay nakahain na sa harapan niya ngunit hindi niya ito ginagalaw, samantalang si Sandra ay patuloy sa pagnguya ng niluto niyang hashbrown, bacon at itlog. He was subconciously observing her every move as if she was a specimen under a microscope-ang kilos ng mga kamay nito habang hinihiwa ang kapirasong bacon, ang pagsubo nito ng pagkain sa bibig, at ang dahan-dahan na pagnguya. Everything was, as if, synchronized.

And his thoughts wandered through what had happened the previous night.


NANG makarating sa parking space sa condominium building ay nilingon niya si Sandra at pilit na ginigising ito, ngunit inungutan lang siya ng dalaga at tinalikuran.

Bumaba siya ng sasakyan at binuksan ang pintuan sa passenger's seat at muling nilapitan ang dalaga ngunit natigilan siya nang matitigan ito. She looked so peaceful and beautiful when she's asleep. Hinawi niya ang kulot nitong buhok na nakatakip sa pisngi ng dalaga and he heard her sigh as his hands gently brushed the side of her lips.

Nakatitig siya sa mga labi nito at namalayan na lamang niya ang sariling unti-unting lumapit dito. He was going to kiss her! Nararamdaman na niya ang mainit na hininga ni Sandra na tumatama sa mukha niya as he started to close his eyes. Ngunit bigla siyang natauhan at mariing ipinikit ang kanyang mga mata habang ang noo ay isinandal sa gilid ng kotse. He picked her up at walang kaabog-abog na binuhat ito paakyat sa pent house ng building na iyon sa Makati na pagmamay-ari niya.

He's just acquired the place from his friend, Anton, the day before at dumaan siya sa bar kanina para kunin ang susi rito. He did not expect Sandra to be at the bar dahil hindi naman ito ang tipo ng lugar na tinatambayan ng dalaga. Sa pagkakaalam niya ay madalas itong nagpupunta sa mga disco houses kasama ng mga kabarkada ayon sa driver nito.

Maingat niyang ibinaba si Sandra sa kama sa master's bedroom. Tinganggal niya ang sapatos nito at kinumutan. Patayo na siya nang bigla siyang pigilan ng dalaga.

"Don't leave me." Mahinang bulong nito na tila nananaginip.

Umiling siya kahit hindi naman nakikita ni Sandra ang reaksyon niya. "I'll just be in the other room," sagot niya. Hinawakan niya ang kamay nito at inalis iyon sa pagkakahawak sa kanya ngunit humigpit iyon.

"Please..."

Her soft voice lingered in his ear, urging him to obey her. And he wanted to. Shit, he wanted to. Pero hindi tama! This is Ysabel Cassandra Peña! Kapatid ng bestfriend niya at parang nakababatang kapatid niya na rin.

Muli niya itong tinitigan and their eyes met. Nakaramdam siya ng matinding pagkabog ng dibdib, and then he could not resist anymore. Locked in her gaze, lumipad ang lahat ng alinlangan niya sa hangin. Lumapit siya sa dalaga at unti-unting bumaba ang mga labi niya sa mga labi nito hanggang sa maglapat ang mga iyon.

It felt surreal. The impact of her warm, soft lips on his was nothing he can describe. Na sa tingin niya ay kahit ang mga tanyag na pintor ay hindi kayang ilarawan ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon.

ISANG marahang tikhim ang nagpabalik ng isip ni Randall sa kasalukuyan. Nagtatanong ang mukha na nakatitig si Sandra sa kanya at agad niyang inalis ang isipan sa naalala.

Kung hindi dahil sa bumagsak na teleponong hindi niya alam kung sino ang nakatabig ay hindi siya matatauhan sa ginawa niya nang nagdaang gabi.

Para siyang binuhusan ng timba ng nagyeyelong tubig at mabilis na kumawala sa pagkakayakap sa dalaga. He looked at her and she still seemed wasted. Inabot siya nito ngunit dahan-dahang bumaba ang kamay ni Sandra sa kama at muli na itong nakatulog. He took a deep breath and left the room bago pa siya may magawang pareho nilang pagsisisihan.

"I said kung kaninong property ito?" muling tanong nito nang mapansin ng dalaga na nakatitig lang din siya dito.

"Mine," tipid na sagot niya.

"Kailan pa?" Nakataas ang kilay nito at nakapameywang habang prenteng nakasandal sa upuan. She looked like a haughty princess interrogating her subject.

"Yesterday." Magsasalita pa sana ito ngunit hindi na niya hinayaan. "If you're finished with breakfast, let's go."

Pagkasabi niyon ay agad na siyang tumayo at walang nagawa si Sandra kundi ang sumunod sa kanya.

KHRONICLED DESTINY: CassandraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon