CHAPTER ELEVEN

7 1 0
                                    

"ARE you definitely sure you wanted to do this?"

Nakakailang tanong na si Angela simula pa nang sabihin niya ang kanyang desisyon dito na umalis ng bansa. At ngayon ngang patungo na sila sa airport ay muli na naman itong nangungulit.

"It's better this way," tipid na sagot niya. She was tired and getting annoyed already.

"But he has the right to know... and so does your child—"

"Please... my decision is final, Angel," putol niya sa sasabihin pa nito.

Patuloy pa rin sa pagkontra si Angela sa kanya, pilit na binabago ang isip niya kahit ngayong paalis na siya. Huminga siya ng malalim at sumandal sa upuan at binusog ang sarili sa tanawin sa labas para tuluyang iwasan ang pag-uusisa ng kaibigan. Kasalukuyan nilang binabaybay ang Roxas Boulevard patungo sa Manila International Aiport. It's mid morning and the sea breeze is inviting. But all these had no effect on her, kahit na ba paborito niyang lugar ang Manila Bay. Nawalan ng kulay at sigla ang lahat; it all seemed bleak to her at the moment dahil sa sari-saring emosyong nararamdaman niya.

That conversation was almost six months ago, at ganoon na rin katagal nang huli niyang makita ang kaibigan.

Pagkalabas sa ospital pagkatapos ma-confine ng isang linggo ay kinausap niya ang ama at kapatid. She decided to go back to Mexico upang dito na manirahan at palakihin ang magiging anak nila ni Ran. Correction: MGA anak nila ni Ran. Yes, she found out a week ago when she had her check up that she was having twins: a girl and a boy.

She had no right to be in his life anymore, ngayon pang nalaman niyang may fiancée na pala ang binata. Oh well, it was no one's fault but her own. She brought it onto herself. Pero kapag naiisip niya ang binata ay hindi niya pa rin maiwasan ang makaramdam ng matinding lungkot. Ipinilig niya ang ulo at huminga ng malalim. It was almost dawn, at maya-maya lang ay darating na ang kaibigan niya galing sa airport. Bumangon siya sa kama at, suot ang makapal na balabal ay bumaba siya sa sala at tumuloy sa French door patungo sa veranda na nakaharap sa dagat, welcoming the cold morning sea breeze that's fanning her face. Umupo siya sa isa sa mga lounging chairs doon at mabining hinaplos ang malaki na niyang tiyan.

Bagamat halos araw-araw niyang nakakausap si Angela ay excited siya sa pagdating nito dahil na-miss niya ang mga bonding moments nila. At ngayon nga ay inaabangan niya ang pagdating nito galing sa Pilipinas, dahil nangako si Angela na dadalawin siya nito pagdating ng bakasyon.

Na-miss niyang magkaroon ng isang pamilyar na kaibigan sa tabi niya. Dito kasi ay halos siya lang mag-isa maliban sa mga katulong at sa kanyang abuela. Her father and brother are back in the Philippines at ang kanyang mga pinsan naman ay pawang mga busy sa kanilang mga trabaho.

She was glad for her friend. Sa halos araw-araw nilang pag-uusap ay napag-alaman niyang nagkakamabutihan na ito at ang kanyang Kuya Julio, and she was glad it did happen after all these years. Matagal na niyang alam na may pagtatangi ang kaibigan sa kanyang kapatid, she even made a plan when they were fifteen para magkasama ang dalawa nang mabakasyon sila sa Paris, pero wala namang nangyari dahil pagkadating sa Villa na tinuluyan nila ay iniwan lang sila ni Julio dahil may ka-meeting ito. Naikot na nila ang buong Paris ngunit hindi nila nakasama ang kapatid. Muli lang nila itong nakita nang pabalik na sila ng bansa.

That was when Angela gave up her pursuit of Julio. Nalungkot siya nang marinig ang desisyon ng kaibigan dahil umasa din siyang magkatuluyan ang dalawa. She adored Angela, at alam niyang magugustuhan din ng kapatid ang kaibigan niya if he'd just pay more attention.

Hindi niya alam kung ano ang nangyari, all Angela said was that it started when she was confined in Manila at hindi na ito nag-elaborate pa, but she was glad it did happen. Isa ito sa mga magagandang balitang natanggap niya despite of what happened to her.

KHRONICLED DESTINY: CassandraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon