EPILOGUE

11 1 0
                                    

HALOS kakasikat pa lang ng araw nang maglakad palabas ng beach house ang pitong taong gulang na batang lalake. Lumabas ito at nagtuloy sa dalampasigan upang mamulot ng starfish. Maaga siyang gumising para lang ihanap ng makulay na starfish ang ina bilang regalo sa kaarawan nito nang araw na iyon.

Malayo-layo na rin ang narating ng bata nang mapansin niyang may isang batang babaeng naglalaro sa tabing dagat.

Kumunot ang noo ng batang lalake. Private property ang bahaging iyon ng lupain nila at ang alam niya ay walang ibang pinapayagang magtungo roon kundi ang pamilya nila at mangilan-ngilang katiwala sa farm ng kanyang mga magulang. At kilala niya halos lahat ng mga batang tagaroon sa farm, ngunit ang batang babaeng ito ay bago sa paningin niya.

Nilapitan niya ito at sinita.

"Hey! What are you doing here?" asik niya sa batang babaeng natigilan sa pagpupulot ng maliliit na kabibe sa dalampasigan.

Tinitigan siya ng batang babae at nanlaki ang mata nito nang dumapo ang paningin sa hawak niyang starfish. "Ano'ng ginawa mo?" Alalang-alalang sabi nito na binitiwan ang hawak na mga kabibeng nakulekta at inagaw ang hawak niya. "Alam mo bang may buhay ang mga starfish? And you're killing them!"

"They don't feel pain! Akin na iyan!" Pilit niyang inagaw ang napulot na kulay asul na starfish nang ihagis ito ng batang babae sa dagat at saka kumaripas ng takbo pabalik sa gubat. Aktong hahabulin pa sana niya ito dahil nainis siya sa ginawa ng batang babae nang marinig niya ang boses ng ama.

"Sander!" Tawag ni Ran na ikinalingon ng bata. "Ano ang ginagawa mo dito? It's too early and you've wandered too far from the house," saway ni Ran sa anak.

"I was looking for a present for Mom," sagot nito na muling nilingon ang pinagsuotan ng batang babae. Dumako ang tingin ng bata sa naiwang kabibe ng batang babae at dinampot ang isa sa mga iyon.

"But you can't wander too far without telling us. Nag-aalala ang Mommy Sandra mo at pinapahanap ka," paliwanag ni Ran sa anak na nangiti nang makita nito ang kabibeng hawak ng anak.

"She's awake?!" excited na tanong ng bata.

"Yes, and you can help Cassie and I to make a breakfast for her," sagot ni Ran. "You can even bring that shell you collected."

Nagkibit balikat ang bata at nagpatiuna nang tumakbo pabalik sa bahay bitbit ang isang kabibe na kulay rosas at kahel.

   

"HAPPY birthday, Mommy!"

Ang tinig at mukha ng kambal niyang anak ang bumungad sa kanya pagkamulat niya. She smiled and hugged both of them,kissing them on the face.

"Ma, gumawa kami ng breakfast for you," nakatawang sambit ni Cassie, ang anak niyang babae, na tumayo at pumunta sa breakfast nook sa terrace ng master's bedroom.

Lumapit naman si Sander, ang anak niyang lalake, at may inabot na mga kabibe na naipagdugtong-dugtong nito para maging kuwintas. "May nakita akong blue starfish but a stupid girl threw it back into the ocean. So I took the shells she collected," pilyong nakangiti ito at sumunod sa kapatid palabas ng terrace.

Inalalayan siya ng asawa na makabangon, hinapit ang kanyang katawan, at siniil ng halik sa mga labi. Yumakap siya rito at gumanti ng malalim na halik. They had just made love until dawn, but the desires in their bodies are starting to build, never satiated.

Pareho silang naghahabol ng hininga nang maghiwalay ang kanilang mga labi. She can hear Cassie giggling, while her son, Sander, is making gagging noises as if horrified and embarassed by what he saw.

She looked in his eyes and smiled at him. It's been seven years since she married this man in a simple ceremony sa bahay nila sa Mexico on the day of her 19th birthday, ilang araw matapos niyang makalabas ng hospital. There were no big parties, just their families, ang best friend niyang si Angela at ang mentor ni Randall na si Louis kasama ang asawa at anak nito. But everyday since, pinaramdam sa kanya ni Ran kung gaano siya nito kamahal, and he never left her side.

"Te amo, cariña," bulong ni Randall sa kanya.

"I love you, more," sagot niya at niyakag na itong daluhan ang kanilang mga anak sa terrace.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 11, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KHRONICLED DESTINY: CassandraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon