CHAPTER FOUR

36 1 0
                                    

"WHERE HAVE you been hiding that bodyguard? My goodness, Sandy! He's gorgeous," kinikilig pa na sabi ni Angela nang makalapit ito sa kanya.

May ilang oras na rin silang nasa party at nakailang beses na siyang isinayaw ni Martin, and she was having the time of her life. Hindi pa man nila napag-uusapan ay natitiyak niyang pormal na siyang liligawan ng binata, at sasagutin niya ito sa sandaling makuha niya ang approval ng kanyang ama.

Umupo na muna siya para magpahinga nang lumapit ang bestfriend sa kanya. Kanina ay nabaling na naman ang atensyon sa kanilang dalawa ni Martin nang muli silang bumalik sa party kasunod si Randall na tuluy-tuloy na pumunta sa bar at nanatili roon. And she felt that all the ladies' eyes followed him, at naiinis siya dahil doon!

"Kaya ba ayaw mo ng umalis kanina dahil may Mr. Bodyguard ka na?" patuloy na pangungulit ni Angela.

Pinamulahan siya ng mukha at binalingan ng tingin si Randall na nasa bar pa rin. He was looking at her and raised his glass nang makitang tumingin siya.

Nakita naman ni Angela ito na makahulugang ngumiti. "Sabagay, friend, kung ganyan din naman ka-hot ang kasama ko sa bahay hindi ko na gustong lumabas. Magkukulong na lang ako sa kwartong kasama siya."

"Oh my god, Angel! Stop it!" Pinandilatan niya ito ng mata na ikinatawang lalo ng kaibigan.

"Come on, friend! It's the modern times, don't be such a prude. He is hot, and I'm pretty sure ganyan din ang iniisip ng karamihan sa mga babae na narito," patuloy pa nito, na mukhang totoo naman dahil may ilang kababaihan na rin siyang nakita na lumapit sa kinaroroonan ni Randall. Ang iba pa nga ay hinihila siya patungo sa dance floor ngunit hindi nagpatinag ang binata at nanatili lang sa bar.

"But he's not my bodyguard!" bulong niya sa kaibigan na lalong lumapit sa kanya, interest and excitement in her eyes."And no, he's not my secret boyfriend either," sabat pa niya nang aktong bumuka ang bibig ng kaibigan knowing what she would say next, and she saw the disappointment in her face. "He's my brother's best friend."

"Wait! What?!" she interrupted, looking a lot more confused.

"When I was talking to you on the phone earlier, I was telling the truth. Siya yung sinasabi kong bisita namin sa bahay," paliwanag niya. "He's in Manila for a business daw, and Kuya invited him at our house. Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila ni Kuya but since they left nasa bahay na yan at sinusundan ako everywhere."

"So, he is acting like a bodyguard of sorts," Angela replied logically.

"Hindi ko alam..." was all she said habang muling sumulyap sa direksyon ni Ran and saw him talking to some girl who's obviously flirting with him, and that made her frown.

"So you wouldn't mind then, if I take him from you?" nakangising sagot ni Angela nang makita ang reaksyon niya at ang dahilan niyon.

"Stop it!" Hinampas niya ang kaibigan sa braso na natawa lang sa inasal niya.

"So? What's worrying you, then?" seryosong tanong ni Angela nang matapos ito sa pagtawa.

"Wala!" Napataas ang boses niya sa pagsagot na ikinabaling naman sa kanya ng mga tao sa paligid. "Naiinis lang ako!" she whispered.

"Cassandra, ano naman ang ikaiinis mo? He's not doing anything. Sinusundan ka lang nung tao to make sure that you're safe." Hinawakan siya nito sa magkabilang braso at hinarap ang mukha niya rito, tinitigan siya ng mataman. "Unless, you want him to do something," she teasingly said to her.

"I'm serious, friend!" kunot-noong sagot ni Sandra na nagsisimula ng mairita sa kaibigan at binalingan ang roast beef na nasa harapan niya na sinimulan niyang tusukin ng tinidor.

KHRONICLED DESTINY: CassandraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon