CHAPTER FIVE

38 3 0
                                    

"SI RANDALL PO?" bungad ni Sandra sa kanyang Yaya nang datnan itong nag-iisa sa kusina habang naghahanda ng mga sangkap na lulutuin para sa hapunan. Kadarating lang niya galing sa eskwela at basta na lang hinagis ang bitbit na bag sa ibabaw ng malaking kitchen island. Dumeretso siya sa refrigirator para kumuha ng maiinom at saka bumalik at naupo sa harapan ng matanda.

"Aba! Hindi na ba kayo nagkikita at naghahanapan kayong dalawa?" napapangiting sagot ng matanda na sandali siyang sinulyapan at napailing nang mapadako ang tingin nito sa kanyang bag na halos nakadikit na sa plato ng mga nahiwa nang gulay.

"He didn't join me at breakfast," sagot niya na dali-daling kinuha ang bag at binigyan ng ngiting paumanhin ang kanyang Yaya.

Come to think of it, may ilang araw na silang hindi nagpapang-abot ni Ran dahil tulog pa ito kapag umaalis siya sa umaga, at tulog na siya'y hindi pa ito dumarating. Naging busy din siya dahil finals week nila at sunud-sunod ang mahahabang exams at deadline ng projects. Mabuti na lang at Sabado kinabukasan at simula na rin ng semestral break nila sa eskwela.

"May lalakarin daw at mukhang hindi uuwi dito." Pagkasabi niyon ng matanda ay nagliwanag ang mukha niya. Wala ang gwardiya niya kaya pwede siyang umalis! "Cassandra, alam kong may binabalak ka na naman... pero sana naman, hija, huwag ka nang umalis pa," dagdag pa nito nang makita ang reaksyon niya.

"Pero yaya, masyado akong na-stress dahil sa mga exams namin sa escuela. Ngayon lang ako magkakaroon ng oras para mag-unwind at mag-destress! At kasama ko naman sina Angela... you know her, of course... susunduin niya ako mamaya together with our other friends. And besides, sandali lang po kami. I'll be here before my curfew," mahabang lintanya niya na sinabayan pa ng pagyakap dito para maglambing. Hindi naman mahirap magpaalam sa Yaya niya, kaunting lambing lang ay pumapayag na ito lalo at kilala nito ang mga kasama niya, kahit sa Daddy niya ay ganoon din. Ang Kuya Julio lang naman niya ang masyadong exaggerated kung makapag-react pagdating sa paggi-gimik niya.

"Paano kung tumawag ang Papa mo at hanapin ka?" kontra nito, ngunit malakas ang pakiramdam niyang pumapayag na ito.

"Tatawagan ko na siya ngayon para makapagpaalam," ngiti niya sa matanda at dali-daling pinulot ang bag at tumungo sa kanyang kwarto para maghanda.

"Papasamahan kita kay Karding, hija. At wag ka ng tumutol..." habol pa nito sa kanya nang paakyat na siya sa hagdanan. Ang tinutukoy nitong Karding ay ang nakababatang kapatid nito at ang personal driver ng kanyang ama.

PUMAILANLANG ang maingay na tugtugin kasabay ng hiyawan ng audience sa loob ng isang bar and restaurant na dinarayo ng mga kabataan sa lugar na iyon sa Maynila. Pagkapasok sa double door entrance ay agad na bubungad sa'yo ang stage kung saan may tumutugtog na rock band, at ang standing room area-na paminsan-minsan ay nagiging dance floor-ay napapaligiran ng mga lamesang unti-unti nang napupuno ng mga parokyano.

Sa magkabilang gilid ng stage ay dalawang bar kung saan nagpaparoo't-parito ang mga customers, waiters at waitresses bitbit ang iba't-ibang uri ng inuming nakalalasing. Sa kanang bahagi ng pinto ay isang hagdan patungo sa loft na itinuturing na VIP area kung saan marami na ring mga customers ang umuukupa sa mga mesa. Ang standing room area ay hindi halos mahulugan ng karayom sa dami ng mga nakikisaya sa tumutugtog na banda.

This is Virtuoso, one of the hippest places to be in Metro Manila, at dinarayo ito ng lahat ng kabataan at young professionals.

Nakatayo si Randall sa gitna ng one-way mirror sa loob ng opisina ng kaibigan niyang si Anton, ang may-ari ng bar, habang sinisimsim ang hawak niyang kopita na naglalaman ng alak. Nasa second floor ang opisina nito. Mula roon ay tanaw mo ang kabuohan ng establesimiento-mula sa stage hanggang sa VIP area, pati na ang mga taong dumarating at lumalabas.

KHRONICLED DESTINY: CassandraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon